"Sinabi ni Jake na gusto ka niya?" Ilang araw narin ang nakalipas mula ng umamin saakin si Jake. At ngayon lang ako nakakuha ng pagkakataon para sabihin iyon kina Sasha. Napapansin narin nila ang ilangan saaming dalawa.
Si Jake ang madalas kong kasama kapag wala sila Sasha at sa ilang buwan naming magkasama ay ngayon lang ako nakaramdam ng ilang.
"Anong sinabi mo?" Napakamot ako sa ulo ko ng tanungin iyon ni Angeline.
"Ano... Sabi ko lang Thank you." Muntikan na akong batukan ni Sasha mabuti nalang at nakalayo ako agad. "Hindi ko kasi inaasahan na iyon ang sasabihin niya kaya wala akong naisip na isagot."
"E kaya naman pala ilang na ilang yung tao sayo e. Thank you zoned." Nagtawanan silang dalawa. "Kawawang Jake. Ngayon lang nabasted."
"Hindi naman sa ganun..."
"Gusto mo ba si Jake?" Natameme ako sa tanong ni Sasha. Kahit ilang beses ko pang isipin ay nakikita ko lang ito bilang kaibigan. Ni hindi ko nga naisip na may gusto siya saakin.
"Alam mo, Elle. Iba ang lalake rito sa syudad at sa probinsya. Tho hindi ko sinasabing mababait ang lahat ng nasa probinsya ha. Hindi lahat ng lalake na mabait sayo ay kaibigan lang ang gusto."
Napaisip tuloy ako lalo. Gusto kong makausap uli si Jake. Makapag sorry manlang dahil hindi tama ang nasagot ko. Pero ano bang dapat ang isagot ko? O kailangan ko bang sumagot? Ewan ko. Ito ang unang beses na may lalakeng umamin saakin na gusto niya ako kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin o gawin.
Basta ang alam ko lang ay ayoko ng magkaroon ng ilangan saaming dalawa. Hindi pa nakakaapekto sa trabaho namin pero baka kung tumagal ay mas lalong lumala.
Nang mapadaan si Jake kung saan kami nakaupo ay kulang nalang kurutin ko sila sa tagiliran. Sinitsitan kasi nila si Jake para mas lumapit saamin. Nakita ko pa ang alinlangan kay Jake kasi nakita niya ako pero lumapit parin ito saamin.
"Jake, si Elle o." Siniko ko si Angeline. Napa aray ito pero tinuloy parin ang pangaasar saamin. "Elleanor bakit ka naniniko? Eto na si Jake o." Nagapir silang dalawa ni Sasha bago tumawa.
"Pinopormahan mo pala ang kaibigan ko?" Nagkatitigan kami ni Jake. Ako pa tuloy ang nahihiya dahil sa pagdaldal nila. Baka sabihin ni Jake pinagmamayabang ko ang pag basted ko sa kaniya. "Pasensya ka na pero matagal na panahon pa ang hihintayin mo. Masyado yang mapagmahal sa pamilya."
Narinig ko ang bubtong hininga ni Jake bago ito magsalita. "Handa naman akong maghintay e. I know her priorities." Mas lalo tuloy akong hindi makaangat ng tingin. "Huwag ka ng mailang saakin, Elle. Mas masakit."
Saka lang ako nagtaas ng tingin ng marinig ang hagikgik ng dalawa kong kasama. Wala narin si Jake sa harap namin.
"Tindi ng tama nun sayo." Sinamaan ko ng tingin si Sasha. Naiilang na nga kami tapos inaasar pa kami.
"Hindi niyo na dapat sinabi yun. Mas pinapalala niyo lang yung sitwasyon e."
Umakbay saakin si Angeline at ginulo ang buhok ko. "Okay lang yan, Elle. Sanay si Jake sa ganyang sitwasyon. Alam mo ikaw, masyado kang mabait."
"Oo sa sobrang bait niya sagot niya sa gusto kita e thank you." Nagtawanan uli sila bago ako iwanan.
Baon ko yung sama ng loob ko hanggang makauwi ako sa apartment. Ni hindi ko nga namalayan na tapos na yung shift ko sa trabaho e.
Pinili ko munang maligo para matanggal ang amoy ng pinaghalong alak at sigarilyo sa katawan ko. Naka tapis lang ako ng twalya ng biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko iyon dahil ang buong akala ko ay isa sa mga kasama ko sa bahay. Pero hindi.
"Hi." Mas kinilabutan ako ng tignan niya ang katawan ko. Napahigpit ang hawak ko sa twalya at pintuan. "Kaya pala ang tagal mong buksan nanggaling ka sa banyo." Sinubukan kong isarado ang pintuan pero tinulak niya lang ito kaya mas lalong bumukas. Ngumiti siya na mas lalong nagpakilabot saakin. Yung ngiti na may masamang balak. "Makikipag usap lang ako. Bakit mo ako sasaraduhan?" Nagbalak siyang hawakan ako sa braso pero lumayo ako.
Unti unti na akong kinukutuban sa kung anong gusto niyang gawin. "Ayokong makipagusap. Umalis ka na."
"Saglit lang." Ngumiti uli siya at mas lalong lumapit saakin. "Makikipag kaibigan lang naman ako e."
"Sisigaw ako kung hindi ka lalabas! Is-" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sinikmuraan niya na ako. Humiyaw ako sa tindi ng sakit kaya hinawakan niya ang bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay. Nagpupumiglas ako pero mas malakas siya saakin. Nakatanggap uli ako ng suntok saaking sikmura na nagpaluhod saakin.
"Mabilis lang ito." Gamit ang isang kamay ay binagsak niya ako sa sahig kasabay ng paghatak sa twalya sa katawan ko.
"Huwag. Huwag. Pakiusap." Humalakhak muna ito bago sinimulang halikan ang leeg ko. Ang dalawang kamay ko ay nasa taas na ng ulo ko at hawak niya. Nagpumiglas uli ako pero sinikmuraan niya ako uli. Doon na nagmanhid ang katawan ko.
Eto na ba? Dito na ba mawawala ang bagay na pinakaiingatan ko?
Hanggang dito nalang ba ako?
BINABASA MO ANG
One Night Mistake
Fiksi RemajaThis story may contain words that is not suitable for very young audiences. --- Photo credits to the rightful owner.