Chapter Two
"Iris Celestine Castro," sabi ni LJ habang naglalakad kami palabas ng school at tinitignan niya ang ID na nakasabit sa leeg ko. "Ang haba naman ng pangalan mo, Miss President. Hindi ka ba nahirapan isulat 'yan nung kinder ka?"
Hindi ako umimik at hindi ko rin sinagot ang tanong niya. Medyo inis ako kasi sabi ko mag meeting kami sa classroom after class. Pero bigla silang nagyaya na sa bahay na lang nina LJ mag meeting. Ayokong nag m-meeting sa bahay dahil alam kong maraming distractions doon. Mamaya mauwi lang sa pagkukuwentuhan nila ang meeting namin.
Pero dahil wala naman akong magagawa, kesa hindi pa matuloy ang meeting, sumama na lang ako. Basta next time hindi na sila ang pwedeng masunod.
"Top one yan si Miss President so malamang 'di siya nahirapan," sabi naman ni Chichi.
"May point ka doon," pag sangayon ni LJ.
"Eh ikaw LJ? 'Di ka ba nahirapan isulat yung Love Joy Marie sa papel nung kinder ka?" tanong naman ni Sebastian dito.
Napahinto sa paglalakad si LJ. Nakita kong kumunot ang noo niya. Her nose flared at tinignan niya nang masama si Seb na nakangiti sa kanya nang nakakaloko.
"Gago ka ah! Sinabi nang wag mong babanggitin yung pangalan ko nang buo!" ambang sasapakin ni LJ si Sebastian at si Sebastian naman napatakbo palayo.
"Sorry na Love Joy Marie---aray!" daing nito nang hilahin ni LJ ang uniform niya at kinotongan siya sa ulo.
Napatawa naman si Chichi habang ako, nakatingin lang sa kanila at napabuntong hininga. Napatingin ako sa wristwatch ko. Mahigit sampung minuto na ang naaksaya namin sa pag haharutan nila.
"Nagulpi ako doon," nakangiting sabi ni Sebastian nang makabalik siya sa harapan ko.
Sobrang gulo nang buhok niya ang he tried to fix it using his finger tips pero mas gumulo lang ito. Lukot lukot na yung isang side ng uniform niya gawa nang pag hila sa kanya ni LJ.
Seb look at me with his amused expression at mas lumawak ang ngiti niya na parang nang aasar na naman.
"Wow, sa sobrang kunot ng noo mo, kitang kita ko na ang mga linya," sabi nito sa akin at akmang hahawakan ang noo ko. Bago pa niya magawa, tinabing ko na agad ang kamay niya.
"Tara na," sabi ko at tinalikuran ko siya bago pa siya makapang asar sa akin.
Hindi pa man nag sisimula ang meeting namin, napapagod na agad ako. Sobrang tempted ko nang akuin na lang ang project at ako na gagawa lahat. Pero alam kong hindi naman pwede 'yon. Magiging unfair sa akin 'yun na ako lang ang gagawa tapos pare-pareho kami ng grades.
Kaya ayoko ng groupings sa projects, eh. Akala ng mga guro tinuturuan nila ang mga estudyante ng teamwork. Pero sa totoo lang ang karaniwan naman na nangyayari sa groupings ay isa o dalawang members lang ang kumikilos at yung iba? Nakiki sawsaw lang sa pinag hirapan ng kasamahan nila.
Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Balik na naman si Sebastian sa pang aasar kay LJ habang patawa tawa si Chichi na nanunuod sa kanila.
Kung hihingin ang honest opinion ko kay Sebastian, masasabi kong mukha siyang tanga. Mukha siyang bulakbol ng klase na nakabitin ang grades at hindi mo malaman kung makaka graduate ba siya.
But the thing is, he's actually smart. Who would have thought that that guy's actually running for Salutatorian? Halos magkalapit lang yung grades namin nung first grading. Sobrang onti lang ng lamang ko sa kanya kaya ako nag Top One nun.
BINABASA MO ANG
Stay Wild, Moon Child
Teen FictionHer only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so good at destroying peace.