Chapter Twenty Two
It's my first time inside the guidance counselor's office. Well, I wasn't planning on going here in the first place. Lalo na kung isa ako sa mga ni-re-reprimand.
"Wala bang magsasalita sa inyo kung bakit kayo nagaaway?" Sir Dolores, our guidance counselor, asked us for the third time pero wala pa rin sa amin ang umiimik. He looked at me, "Ms. Castro, care to explain?"
Napalunok ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko ikukwento ang nangyari. Nasa tama naman ako since sumusunod lang ako sa rules and it was Glen who keeps on throwing insults. Pero alam ko, pag nag salita ako, mapapahamak din si Seb. Alam ko naman na he did that to defend me, but still nanakit pa rin siya at hindi pa rin yun papalagpasin ni Sir Dolores. I know I will feel guilty for him.
"Ms. Castro, why can't you explain? Should I all send you to detention?"
Bigla akong kinabahan. Never akong napunta sa detention or nagka school offense kahit nung tima na 'yon. I'm planning to keep it that way. Pero kung kailan graduating na ako tsaka pa mangyayari 'to? And how am I supposed to face my dad.
Parang umikot yung sikmura ko. The mere thought of telling my dad I got school offense makes me want to vomit.
"Sorry kasalanan ko po," dinig kong sabi ni Seb at napalingon ako sa kanya. "Nakita ko kasi na sinusuway ni Ms. President ang taong 'to dahil gumagamit ng cellphone during flag ceremony---"
"Huy gago ka!" Glen hissed at napatingin sa kanya nang masama yung guidance counselor kaya napayuko siya. Bahagya naman napangiti si Seb.
"At ayaw niya ibigay ang phone niya kay Miss Pres," pag papatuloy niya. "Kung anu-ano pang sinabing hindi magagandang bagay kay Miss President kaya naman bilang ipinangako ko na tutulong ako sa pagpapalaganap ng peace and order sa section namin, itinulak ko siya nang bahagya. 'Di naman malakas. Lampa lang po siya."
"Wag po kayo maniwala! Malakas yung tulak niya! Feeling ko nga po gugulpihin niya ako kung hindi kayo dumating!" sabat naman ni Glen.
Seb just looked at him innocently as if he doesn't know what he's talking about. Kita ko naman na mas naasari si Glen sa asta ni Seb dahil mas kumunot ang noo nito.
"Okay enough!" suway ng guidance counselor namin. He looked at me, "is that true Miss Castro?"
Napalingon ako kay Seb. He smiled at me as if telling me na it's okay to tell the truth.
I feel guilty but...
Huminga ako nang malalim at tumango ako. Narinig ko naman na napabuntong hininga si Sir Dolores.
"Okay you two," sabi niya while pointing to Seb and Glen, "you will clean the school ground starting tomorrow until Friday. Ms. Castro will supervise. Understand?"
"Teka sir bakit kasali ako?" sabi ni Seb.
"I appreciate you defending Ms. Castro, but pushing your classmate is not the proper way to do it."
"Pero sir---" pag aangal ni Seb pero pinutol na ni Sir Dolores ang sasabihin nito.
"No buts!" sabi naman ni Sir Dolores and he gave us a firm look na parang sinasabing wala ni isa sa'min ang pwedeng umangal.
Hindi ako nagsalita pero sa totoo lang, gusto ko na rin mag reklamo. Why do I need to supervise them? Gusto kong umuwi agad after class! I need to review! Bakit parang nadamay naman ako sa parusa?
Pinag sorry ni Sir Dolores si Glen sa akin at cinonfiscate niya ang phone nito. Pinag sorry din niya si Seb kay Glen. Ayun na ata pinaka insincere na mga sorry na narinig ko.
After that, sinabihan niya kami na magaabot na lang siya ng letter for our parents stating why we have to stay after school. Yun pa lang ang naririnig ko, katakot takot na naman na worries ang pumasok sa isip ko.
What if hindi maniwala si daddy na kailangan ko lang mag supervise?
What if isipin niya kasali ako sa detention?
What if akalin niya gumawa na naman ako nang kalokohan?
What if pag nag explain ako hindi na naman niya ako paniwalaan?
Parang... hindi ko ata kaya umuwi mamaya.
Lumabas na kami ng guidance councelor's office. The moment na mag sara ang pinto, hinarap agad ako ni Glen nang may masamang tingin.
"Napaka pakielamera mo kasi," sabi nito sa akin.
I just gave him a poker face. I did not even bother to reply pero nagsalita si Seb na nasa likuran ko.
"Bro sorry talaga 'di ko sinasadyang matulak ka kanina. 'Di ko naman inexpect na ganun kang ka-lampa. Next time hihinaan ko pa," sabi ni Seb dito while giving him the most mapangasar na ngiti.
Mas nagalit ako expression nang mukha ni Glen and he was about to say something nang mag salita ako.
"'Di ka pa ba tapos? Pwede ulit tayo pumasok sa loob guidance. Tutal magaling naman akong mag sumbong."
That shuts him up at nag walk out na lang siya while blurting, "sipsip."
Napailing na lang ako. I have no energy to get mad. Masaydo nang na-occupy ng worry ang utak ko sa pag iisip kung paano ko ibibigay sa daddy ko yung letter.
Narinig kong napabuntong hininga si Seb sa likod ko kaya naman napatingin ako sa kanya. He's scratching the back of his head in frustration.
"Ano ba yan, maglilinis pa ko ng school ground."
Pinanliitan ko pa siya nang mata and I was about to tell him something nang pigilan niya ako.
"Op, no sermon allowed. Kung hindi yan thank you, okay na, wag mo na ko pagalitan," sabi nito.
But as if he could stop me kaya tinuloy ko pa rin ang sasabihin ko.
"Bakit ka kasi nangingielam?!" inis kong sabi. "Ayan tuloy nadamay ka pa, na guidance pa tayo pare-pareho! Bakit kasi ang init nang ulo mo?"
Hinawakan niya ang tuktok nang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Ikaw mainit ulo diyan."
Tinabing ko ang kamay niya sa ulo ko at sinuklay ko ang buhok ko.
"Nagugulo!"
I heard him chuckled. Napatingin ulit ako sa kanya and his eyes are bright. Hindi katulad nung nasa Intramuros kami na halos magsalubong na ang mga kilay niya.
Paglilinisin siya ng school after class pero good vibes siya? 'Di ko rin maintindihan ang isang 'to.
"Hindi ka ba nahiya?" tanong ko sa kanya.
"Nahiya na alin?" he asked in return.
"Na napagalitan ka kanina sa harap ni Mona."
Napaisip siya, then after a few second, nilingon niya ako with a bright smile on his face.
"No regrets," he said with a wink at nauna na siyang nag lakad sa akin.
Napailing na lang ako.
I really can't understand this guy sometimes.
To be continued...
A/N
Readers I'm so sorry sa matagal na update and ang ikli lang ng update today >.< .. medyo nilamon lang ulit ako ng adulting.
But, bawi ako, I'll post another chapter tomorrw :)
BINABASA MO ANG
Stay Wild, Moon Child
Teen FictionHer only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so good at destroying peace.