Chapter Eighteen
There's an obvious rivalry between Seb and Harold to gain Mona's attention.
Ayan ang bagay na na observe ko sa kanilang dalawa. Not that I'm surprised though. Naramdaman ko na naman from the very start pa lang na Harold likes her. Seb is a surprise though. I thought he's not interested in romance or anything. But I guess he's still a guy after all. Sino ba naman ang hindi ma-a-attract kay Mona?
While me? I feel like a loser and a hypocrite.
Habang kumakain kami ng siomai while waiting for Chichi and LJ, parang may nakabara sa lalamunan ko. Sa bawat pag lunok ko, ramdam ko yung bigat na nararamdaman ko—which makes me feel like crying. At dahil naiinis ako pag nararamdaman kong naiiyak ako, I'm already in a very bad mood.
"Buti sumama ka sa amin ngayon, Harold," dinig kong sabi ni Mona sa kanya. "Wala ba kayong ganitong project sa class niyo?"
"Meron naman," sabi ni Harold. "Pero hindi naman kami nire-require na pumunta sa Intramuros kasi iba yung gagawin nung group namin. Nung sinabi ni Chichi na pupunta kayo, nag tanong ako kung pwedeng sumama kasi I think bata pa ako nung last na maka punta ako ng Intramuros."
Napangiti naman si Mona, "sobrang sakto pala! Ako naman first time ko rin kaya excited ako," she said happily.
"Ah, pinagpalit mo ang praktis niyo ng basketball sa pag sama sa amin ngayon," sabi naman ni Seb. "Bakit kaya?"
Napatingin si Harold sa kanya. Napatingin din ako kasi may laman yung tanong niya.
Medyo kinabahan ako at baka mag away na naman yung dalawa, pero nakita kong ngumiti si Harold. A meaningful smile.
"Bakit nga kaya?" balik na tanong nito kay Seb.
Napayuko ako at ipinako ko yung tingin ko sa siomai na kinakain ko.
It's obvious. It's really obvious that Harold likes Mona. I feel like a hypocrite kasi wala naman talaga akong plano i-pursue si Harold. Romance is not my priority. Isang malaking distraction lang 'tong feelings na 'to sa goal ko, but still, nainggit ako. Sana ako na lang ang gusto niya.
Alam kaya ni Mona kung gaano siya ka-swerte na nakuha niya ang attention at affection ni Harold?
"Tubig," sabi ni Seb at naglapag siya ng isang bote ng mineral water sa harapan ni Mona.
"Uy, thank you," sabi naman ni Mona dito at nginitian niya si Seb.
Napatingin ako kay Harold. May hawak din siyang bote ng mineral water and I know na he was about to give it to Mona kaya lang naunahan siya ni Seb. Halata sa facial expression niya ang disappointment.
Napatingin sa akin si Harold and our eyes met. Dahil sa bigla, napayuko ako. I still can't look at him straight in the eye. Para akong na-co-conscious na ewan.
"Ms. Prez, water?" tanong nito sa akin and I'm aware na inaabot niya sa akin yung tubig na hawak niya.
Often times na inaalok o binibigyan ako ni Harold ng kung anu-ano, I feel butterflies in my stomach. Walang mintis yun.
But this is different.
I felt my heart crushing through my chest. I'm trying to not mind the pain but it is too evident.
Ibibigay niya sa akin kasi naunahan na siya kay Mona. Ayos.
"Meron ako," sabi ko at inilabas ko yung baon kong tubig at diniretso ko ito nang inom. Baka sakaling mawala yung kung ano mang pain na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Stay Wild, Moon Child
Teen FictionHer only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so good at destroying peace.