Chapter Fifty Eight

21.6K 1.5K 584
                                    

Chapter Fifty Eight

This competition is nerve-wrecking.

Alam kong prepared lahat ang mga school na sumali unlike us na last minute na lang nasabihan at dalawang linggo lang kaming nakapag review.

Sa First Round, natapat kami sa St. Claire Academy. It's an exclusive school for girls at alam ko medyo mahal din doon. Sa first three questions, puro sila ang nakakasagot. Magaling sila sa mga math-related questions samantalang kami, ayun ang weakness namin. Nakabawi kami sa general knowledge questions. Mostly si Seb ang mga sumagot. Even yung mga tanong na wala sa reviewer namin, si Seb nasasagot ni Seb. Medyo nakabawi rin ako sa mga science related questions.

Sa last two questions, leading ng one point sa amin ang St. Claire. Nagkataon pa na parehong math question ang tumapat. If they got to answer this, automatic, talo na kami. Uuwi na agad kami.

But surprisingly, Mona managed to snatch the last two questions. Kita ko ang bilis niya sa pag s-solve ng equation doon sa papel na halos hindi ako nakasunod. I've never seen her work so eagerly.

That's why nanalo kami with only one point difference.

And this is only the first round.

"You guys did an amazing job!" sabi ni Ms. Alvar, yung history teacher namin at the same time, coach din namin dito sa competition. "I'm pretty confident na kayang kaya niyo ang second round!"

"Na save po kami ni Mona doon sa last two questions," sabi ko dito.

"Oo nga Mona, nice one," sabi naman ni Seb.

Napayuko si Mona and I saw a genuine smile from her. Probably the most genuine one I've seen.

"Kailangan natin mag review ulit sa math kasi magagaling yung kalaban," sabi niya.

"I agree," sabi ko naman. "Maybe we could set a review sessh—"

"Pero kakain muna tayo!" pag putol naman ni Seb. "Afterall, nanalo tayo ng isang round. Out of 30 schools, pasok tayo sa 15 na natira."

"That's right," sabi naman ni Ms. Alvar. "I'm happy to see you guys working hard. But you also need to recharge and reward yourself. Tara, I saw a seafood restaurant just near this place. My treat!" masigla niyang sabi.

Pare-pareho kaming napangiti at sumama kay Ms. Alvar para mag lunch doon sa sinasabi niyang seafood restaurant.

Pag dating namin doon, we see a couple of students na nag l-lunch din. Some are celebrating dahil nanalo sila while others are trying to comfort themselves dahil uuwi na sila earlier than expected.

Nag enjoy sa pag order si Ms. Alvar. May crab, shrimps and baked mussels pa.

"Kumain kayo nang marami para may ganang mag review mamaya! Sagot ko na ang kape niyo," sabi nito.

"Buti na lang si Ms. Alvar sumama sa atin," pag bibiro naman ni Seb. "Hindi kami magugutom."

"Naman!"

We all laugh.

Napag usapan namin yung mga nakapasok na school. May isang Science Highschool, pasok din ang Prince Academy at may nabanggit pang mga school si Ms. Alvar. Expected din pala ng karamihan na makakapasok ang St. Claire. Our win was unexpected kaya naman mas naging extra careful sa amin yung ibang schools.

"Ayos, para tayong mga underdogs na minamaliit tapos biglang matatalino pala!" sabi ni Seb. "Kung sabagay, sino ba mag iisip na matalino ako?" he laughs.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon