Chapter Sixty Two

21.5K 1.3K 497
                                    

Chapter Sixty Two

I want to cry. I really want to cry.

Ayan ang paulit ulit kong thoughts while I lie awake in my bed, staring at my ceiling.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Sinusubukan kong i-absorb lahat ng mga sinabi sa akin kanina ni Seb.

"Walang sense para ituloy mo pa yung nararamdaman mo sa akin. Alam kong mahirap, but please move on."

That's what he said. And I know I should be an emotional wreck right now. I know I should be too heartbroken. Maybe I am, but surprisingly, walang tumutulong luha sa mata ko.

Hindi ko alam, ganito ba pag sobrang sakit, hindi ka makaiyak? Dala dala mo lang sa loob mo? Ayaw lumabas?

Naalala ko ganitong ganito rin ako noon nung nawala si mommy. Kaya nga naissue pa ako ng mga kamag anak namin, eh. Because I didn't shed a single tear nung lamay niya. Kahit nung libig ni mommy. At nung mga sumunod na araw matapos niyang mawala.

The first time I cried about it was when I told Seb what happened.

Napatakip ako ng unan as I feel a lump on my throat.

Naalala ko ang kwento ni Seb kanina. Yung mga nangyari sa kanya in the past, yung burden at guilt na dala dala niya. Naiintindihan ko lahat nang 'yon because I've been through the same.

Pero kanina, habang nag ku-kwento si Seb sa akin, ramdam ko ang isang malaking wall sa pagitan namin. Kinuwento lang niya sa akin ang mga pangyayari, pero hindi niya sinabi sa akin ang mga naramdaman niya ng mga panahon na yun. Sinabi niya sa akin ang lahat in a way na parang hindi big deal iyon. Probably sinabi niya sa akin yun for the sake na tigilan ko na ang feelings ko para sa kanya and nothing else.

And still... hindi pa rin niya sinagot ang tanong ko. Gusto ko lang naman malaman kung gusto niya ako, o hindi eh.

Napahinga ako nang malalim.

I guess Seb's really bottling everything up inside. And I'm still not yet the person na willing siyang sabihan ng mga nararamdaman niya.

Baka ayun na nga ang sagot. Hindi na niya kailangan sabihin sa akin kasi malinaw na.

~*~

"Good morning, Prez!" dinig kong sigaw from my behind habang naglalakad ako papasok ng school. Bago pa ako makalingon sa tumawag sa akin ay bigla na lang may dumamba sa likod ko at inakbayan ako.

It's LJ.

"Iris I miss youuuu!" dinig ko naman mula sa kanan ko at nakita ko si Chichi na papalapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"Congrats, congrats nanalo kayo!" sabi ni LJ. "Iba talaga pag matatalino."

"Pa share naman ng braincells," sabi naman ni Chichi.

Napangiti ako nang bahagya.

"Thanks. Na miss ko rin kayo," sabi ko sa kanila.

Biglang napatakip ng bibig si LJ.

"Chi, narinig mo ba 'yon? Na-miss niya raw tayo!!"

Sinalat ni Chichi ang noo ko, "hindi siya nilalagnat. Mukhang totoo naman."

Napatawa ako nang bahagya, "mga sira."

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon