Chapter Twenty Six

25.6K 1.5K 528
                                    


Chapter Twenty-Six

"Luna, ming ming ming," tawag ko doon sa black kitten na kasalukuyang nag tatago sa ilalim ng cabinet ko.

Kanina pa siya diyan. Pag uwi ko, dineretso ko agad siya sa kwarto ko at tumakbo siya papunta sa ilalim ng cabinet. I tried to lure her with food but to no avail.

She's still scared and she keeps on meowing. Habang ako naman, nakahiga sa sahig ng kwarto ko habang nakasilip sa ilalim ng cabinet.

"Labas ka na please," pag makakaawa ko rito. "Papakainin lang naman kita, eh."

Hindi pa rin siya lumalabas. She just meowed at me.

"Ayaw mo ba ng Luna na name? Crookshanks na lang. Crookshanks, ming ming ming."

The kitten doesn't move.

"Ayaw mo rin ng Crookshanks? Sherlock? Loki? Love Joy Marie?"

Hindi pa rin kumilos yung pusa.

"H-Harold?" I whispered at naramdaman ko ang pag init ng mukha ko. "Harold, ming ming ming."

Hindi pa rin ako pinansin nung pusa. Napatakip ako ng mukha because I feel stupid.

"Magugutom ka diyan sige ka!" sabi ko. "Labas na kasi Sebbie!"

Nakita kong umangat yung ulo niya and she meet my gaze.

"Sebbie?" tawag ko ulit at nakatingin na siya diretso sa akin.

Napaayos ako ng pwesto. Bahagya kong inusog yung bowl ng pagkain sa kanya.

"Sebbie, ming ming ming," tawag ko rito.

At first, hesitant siya lumabas. Pero unti unti rin siyang lumapit doon sa may bowl ng pagkain at nagsimulang kumain.

Napabuntong hininga ako at umiling iling.

"So agree ka kay Seb na Sebbie dapat ang name mo?" tanong ko sa pusang busy kumain at hindi na ulit ako pinapansin.

Napangiti ako and I scratch the back of her ears.

Naalala ko dati, my mom rescued a puppy when I was a kid. Nasa Baguio kami dati for a vacation, tapos doon sa house na ni-rent namin, may punta nang punta na stray puppy. He's skinny with no collar at mukhang palaboy laboy na sa daan. Since my mom loves animals so much and I easily bonded with the dog, we decided na kupkupin na lang yung puppy.

We named him Pebbles.

Well, that's not the first time I saw my mom rescue an animal. May isang beses may inuwi siyang ibon sa bahay, injured ang pakpak. She treated the bird at nung okay na ito, pinakawalan na niya. May pusang buntis din siya na inuwi dati at inayusan talaga niya ng lugar where the cat can give birth safely. After that, my mom's brother who happens to love cats adopted the mother cat and all her babies.

Ilang beses pang nangyari yun at naalala ko rin kung paanong napapailing na lang si daddy everytime naguuwi ng animals si mommy, pero hindi rin naman niya kinokontra. He just let mom do her thing. May times nga na tinutulungan pa siya ni daddy. Naalala ko na kami ang taga bili sa grocery ng dog food or cat food o kung ano man ang na rescue ni mommy.

Growing up, I've learned to love animals as well because of my mom. She used to be a vet. I remember how amused I am kada nag kukwento si mommy ng mga experiences niya noon sa pag aalaga ng animals, kaso nung pinanganak nga ako, she decided na maging house wife na lang to take care of me.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon