Chapter Fifty Three
"Good news! The Quizardry Tournament sent us an invitation and we've decided that you three will join in this year's competition!" masiglang pambungad ni Mrs. Sanchez, ang adviser namin sa aming tatlo nang makarating kami sa teacher's office.
Para akong biglang nakahinga ulit nang maluwag na hindi ito tungkol sa mga nangyari nitong nakaraang araw, pero bigla rin bumalik ang kaba sa akin nang mag sink-in ang sinabi niya.
Isasali ako sa Quizardry Tournament?!
Sikat na sikat ang tournament na yun at talagang competitive ang mga schools na sumasali. Ang pagkakaalam ko, may iba na talagang nag t-train pa ng ilang months for this particular competition.
Meanwhile kami...
"What if... wala po akong intention sa sumali?" tanong ni Seb sa adviser namin.
Mrs. Sanchez shrug, "well, I see no reason why you won't join, Mr. Madrigal. Malaking push sa scholarship application mo yung pag sali dito. Lalo na kung makaka place kayo. Hirap pa naman ng course na ina-applyan mo. Pol-sci, right?"
Nagulat ako sa sinabi ng adviser namin at napatingin ako kay Seb. He's not looking at me. Instead, diretso lang ang tingin niya kay Mrs. Sanchez na parang nag iisip. Bigla siyang napangiti.
"Sabi ko nga po sasali ako," pabirong sabi ni Seb at napangiti na lang si Mrs. Sanchez.
Akala ko wala pa siyang naiisip na course. So mag p-political science pala siya.
"How about you two?" tanong niya sa amin ni Mona.
"Sasali po ako," I answered, dahil alam kong magandang opportunity ito para palagpasin.
"May kailangan po bang requirement?" tanong naman ni Mona.
"Oh, you'll be needing a parent's consent and participation fee since you guys will stay in a resort for three days sa entirety ng competiton. More than three days if makakalusot kayo sa mga unang rounds."
Biglang natahimik si Mona sa sinabi ng adviser namin.
"Magkano po?"
"I think around three thousand to four thousand. Pero kasama na lahat yun, lodging and food. Yung transportation at iba niyo pang kakailanganin will be provided by the school na."
"S-sige po. Sali ako," sabi ni Mona.
But judging her, there's a look of worry on her face.
After that, binigyan kami ni Mrs. Sanchez ng mga application forms na ipapasa namin together with our parent's consent and participation fee. After that, pinabalik na niya kami sa classroom.
Nang makalabas kami sa office, biglang hinarang ni Seb si Mona.
"Oopps, baka may gusto kang sabihin kina Iris. Alam mo na, apology," sabi nito habang itinataas ang phone niya para bang sinasabi nito na nasa kanya pa rin ang video na kinuhanan niya.
Napairap lang si Mona at tinabing ang kamay ni Seb.
"Tabi," she said coldly at nauna na siyang mag lakad.
Napailing na lang ako.
"Wag mo siyang piloting mag apologize. I also don't want to hear a half ass apology."
Bigla naman nag salute si Seb sa harap ko, "ma'am, yes ma'am!"
Napaiwas ako nang tingin at nag lakad. Sumabay naman si Seb sa akin.
BINABASA MO ANG
Stay Wild, Moon Child
Teen FictionHer only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so good at destroying peace.