Chapter Fifty Seven

21.3K 1.3K 373
                                    

Chapter Fifty Seven

I always see Mona as this strong, independent girl. She always keeps her head held high sa kahit anong sitwasyon pa. Kahit nga yung panahong nahuli namin siya sa lahat ng ginawa niya, kahit na hindi na siya kinakausap nun ng buong klase, laging taas noo pa rin siya. Hindi nagpapatinag.

But now...

Nandito kami ngayon sa loob ng classroom. Naka lock ang pinto. Nasa harapan namin si Mona at hindi ito makatingin ng maayos sa amin. Halatang halata ang takot sa mukha niya.

Kung titignan, para kaming nasa isang coming of age movie at kami nina LJ ang mga bully.

Lumapit si LJ kay Mona at hinablot niya ang hawak hawak nitong purse kung saan nakatabi ang classfund namin.

"Bakit mo dinudukutan ang class fund natin?" LJ asked her coldly. "Ano na namang plano mo, ha, Mona?"

"M-may ambag din naman ako diyan kaya may karapatan ako sa pera!" sagot ni Mona. "Tsaka hindi ko naman dudukutin eh! Ibabalik ko rin naman!" she said. She looks frustrated na parang any minute, iiyak na siya.

"Bakit, nag paalam ka bas a class treasurer? Nag paalam ka ba sa amin? Pera rin namin 'yan ah!" sabi ni Chichi. "Lagot ka talaga pag nalaman 'to ng mga teachers!"

"Oo nga!" pag sangayon naman ni LJ. "Malaking violation 'to!"

"I mean, 'di naman ako nakapag basa nung school handbook, pero sinasabi ng gut-feel ko na pwede kang matanggal sa honor, bruha ka!" duktong pa ni Chichi. "I say, deserve!"

Nakita ko ang panic sa mukha ni Mona nang sabihin nii Chichi yun.

"Wag niyo akong isusumbong!" sabi niya dito. "Please... Hindi... hindi ko afford mawala sa honor. Please wag niyo akong isusumbong. Maawa naman kayo.."

"At bakit kami maawa sa'yo?" LJ said coldly. "Naawa ka ba nung in-out mo 'ko?" LJ took a step forward at bahagya niyang tinulak si LJ. Ramdam na ramdam ko ang sama ng loob nito. "Anong ginawa kong kasalanan sa'yo? Naging mabait kami sa'yo ha! Tinrato ka naming kaibigan tapos ayun ang gagawin mo sa'min? Hindi mo ba alam kung ano yung gulong ginawa mo! Tinanggalan mo 'ko ng choice, Mona! Ninakawan mo 'ko ng free will na sabihin kung sino ako sa panahon na handa na 'ko!"

Napaiwas ng tingin si Mona kay LJ. Nakita kong nangingilid ang luha ni LJ.

"So kung isusumbong kita, ganti lang yun. Patas na tayo," duktong ni LJ. "Tsaka totoo naman, magnanakaw ka. Dapat lang talagang malaman nila."

I saw panic on Mona's eyes as she burst into tears. Nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

She kneeled down in front of us.

"Mona!" suway ko sa kanya. "Anong ginagawa mo?"

"Please wag niyo 'kong isumbong," sabi nito. "Anong dapat kong gawin para hindi niyo ako isumbong? Gagawin kong lahat kahit anong iutos niyo sa akin! Please.. ito na lang yung chance ko..."

Napahagulgol ng iyak si Mona sa harapan namin. Isang bagay na hindi ko inexpect na mangyayari.

Alam kong hawak namin ang alas ngayon. It's our chance para makaganti man lang doon sa mga ginawa niya sa amin. Naalala ko yung panahon na ako ang umiiyak ng ganyan dahil sa ginawa ni Mona. Mabigat sa dibdib. Masakit.

But do I feel better seeing her like this?

No.

I feel awful.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon