Chapter Fourteen
May nabasa akong quote. Sabi 'If you smile extra wide today, the world might be kinder to you.'
Hindi ako palangiti. Often times people say I have a resting bitch face. Naisip ko tuloy, kaya ba hindi mabait ang mundo sa akin?
But then, may nabasa rin ako na ang sabi, pag naging mabait ka, babalik sa'yo iyon ng ten folds. That is called good karma.
Naisip ko naman, sana pag naging mabait tayo, ginagamitan din ng utak. Kasi madalas, yung mababait, sila pa ang naabuso.
Pero alam niyo kung ano ang kailangan niyo para maging mabait ang mundo sa inyo at ang mga tao sa isang ngiti mo lang?
Kailangan mong maging maganda.
Ayun ang bagay na napatunayan ko while looking at our new classmate, Mona.
Oo. Yung babaeng nakasalubong namin sa teacher's office na nagpahinto ng mundo ni Harold at yung babaeng binuhat ni Seb dahil na sprain siya. Ramona Sy. Petite, maputi, chinky eyes, maamo ang mukha, and has a heartmelting smile. Kaklase namin.
At ngayon, pinagkakaguluhan na siya.
Our girl classmates seem to like her vibe. Ininterview na nila agad eh. Saan siya galing, bakit siya nag transfer, etc. Na invite na rin siya sumama sa kanila mamaya mag meryenda after class.
Yung mga boys naman halatang lahat may crush sa kanya at gusto siyang pormahan. Yung isa nag offer na magpapahiram ng notes sa kanya para doon sa mga past lesson. Yung isa nag offer na bibilhan siya ng pagkain sa canteen mamaya kasi nga na sprain yung ankle niya. Yung isa nag biro pa na ililibre na lang siya.
Grabe 'no? She just smiles and the whole world bow down to her.
"Sana all pretty," sabi ni Chichi na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa sila ni LJ na nakatambay dito sa pwesto ko kaya naman hindi ako makapag review nang maayos.
"Ano kaya ang skin care ni ate girl?" tanong ni Chichi habang nakatingin kay Mona na kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga kaklase namin.
"Ano kaya ang number niya?" wala sa sarili namang tanong ni LJ while looking at Mona like a lovestruck puppy.
Napailing na lang ako at ibinalik ang tingin ko sa binabasa kong book.
"Bakit gusto mong hingin ang number? Type mo rin siya?" I heard Chichi asked nonchalantly
Biglang napa angat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Chichi was looking at herself in the pocket mirror she's holding habang si LJ naman, kita kong biglang natauhan sa tanong ni Chichi at napalitan ng panic ang mga mata niya.
"Ha? Ba't ko naman magiging type yun? Okay ka lang ba? Ako?" sunod sunod na tanong ni LJ.
Napaangat ang tingin ni Chichi sa kanya and I saw her confused expression, "ano ka ba bakla, joke lang."
Gusto kong mapa facepalm. Sa ganyan ganyan ni LJ kaya siya mabubuko eh.
Pero sa totoo lang, wala rin naman masama. Hindi ko alam bakit ayaw niyang sabihin kay Chichi kung ano talaga siya. They're best friends and I'm sure tatanggapin siya ni Chichi pag nag out siya.
But anyway, it's non of my business. Baka may dahilan siya.
Dahil naramdaman ko ang awkwardness, sumingit na ako.
BINABASA MO ANG
Stay Wild, Moon Child
Teen FictionHer only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so good at destroying peace.