Chapter Three

39.1K 2.1K 1K
                                    

Chapter Three


Lunch time. Nandito ako sa cafeteria at kumakain mag isa habang paulit ulit na nag re-replay sa utak ko ang nangyari kanina.

Alam kong matalino akong tao. Ilan na rin ang mga complicated questions sa exams ang nalusutan ko.

Pero yung nangyari kanina....

Ilang beses kong ni-replay sa utak ko 'yon. Ang dami kong naiisip na pwedeng lusot na mapapapaniwala ko si Seb. Ang pinaka maganda ay dapat sinabi kong napulot ko lang yung picture—which is totoo naman---at ibabalik ko kay Harold yun.

But I just stood there in front of him, hindi umimik, hindi nakapag salita, hindi nakapag deny. Good as confirmation na rin na pumayag ako sa deal niya.

Tinusok ko yung pritong hotdog na baon ko na may halong onting pang gigigil.

I really can't believe that guy outwitted me. At aaminin ko na medyo natatakot din ako sa mga ipapagawa niya sa akin.

Iniisip ko nga, hayaan ko na lang siya? Ibuko na niya ako kay Harold, bahala na. Wala na akong paki.

Then biglang pumasok sa isip ko ang scenario na pwedeng mangyari. Binuko ako ni Seb, then Harold stared at me with his eyes full of pity. Most likely he will say sorry because he doesn't feel the same way.

My stomach churns and I felt dizzy with the thought.

No. I can't handle that rejection. Mas okay pa na hindi na niya malaman kahit kailan. Bahala na kung alilain ako ni Sebastian. Basta hindi ko kaya.

Naramdaman kong may nag occupy ng seat in front of me kaya naman napaangat bigla ang tingin ko, and I saw the devil in front of me. His hair is messy as always, he got a sleepy eyes and a wide grin on his face. May headset na nakapasak sa tenga niya at may hawak siyang tray ng pagkain.

"Tabi ako ha?" sabi niya at ipinatong niya ang tray ng pagkain sa lamesa. Bago siya maupo, tinanggal niya yung headset sa tenga niya at isinabit ito sa leeg niya.

"Pag humindi ba ako aalis ka?" tanong ko.

His grin became wider, "hindi."

Napairap na lang ako sa inis. Meron talagang mga tao na pinanganak para bwisitin ka 'no?

"Alam mo Miss President," sabi niya. "Ay sorry, hindi na nga pala 'yan ang dapat kong tawag sa'yo. Alam mo Iris," pag uulit niya sa sinasabi niya at may halong diin pa ang pagkakasabi niya sa pangalan ko. "Pansin ko lang, sa iba wala kang reaction. Pag may sinasabi sila sa'yo, you will just stare at them with your resting bitch face."

Napahinga ulit ako nang malalim. Wow. Nung una dinescribe niya ako na maasim ang mukha. Ngayon naman resting bitch face?

"Pero pag ako ang kumakausap sa'yo," pagpapatuloy niya, "kumukunot ang noo mo, tumatalim mga tingin mo, nagagawa pa kitang pairapin. I feel so.... honored."

I look at him in disbelief. Okay, that's twisted. This guy is twisted.

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

He shrugged, "wala gusto lang kitang sabayan pagkain."

"Ba't 'di ka doon sa mga kaibigan mo?"

He's always surrounded by people. Minsan hindi ko na alam kung sino talaga ang group of friends niya kasi palipat lipat siya. I can see our classmates likes him, unlike me.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon