Chapter Five
"Alam mo, magkaka wrinkles ka kaagad niyan," sabi ni Seb habang busy siyang ubusin ang fries na in-order niya sa Mcdo. "Kung hindi nakataas ang kilay mo, naka kunot naman ang noo mo."
Magka-tapat kami sa isang lamesa sa mcdo. Nag lean forward naman siya sa akin para silipin maigi ang mukha ko.
"Ganyan ka ba kasaya na kasama ako at napapa kunot na lang ang noo mo?" tanong niya.
Napahinga na lang ako nang malalim at ipinako ang tingin ko sa chicken fillet na kinakain ko. Nararamdaman ko one of these days mawawalan na talaga ako ng self control sa taong 'to at tuluyan ko na siyang masasapak.
Sabi niya mag kita kami sa mcdo as one of his conditions para hindi niya ako ilaglag kay Harold. Pag dating dito, nagpalibre siya ng coke float at fries. Ako naman, nag rice meal dahil hindi pa ako nag d-dinner. And the whole time na kumakain kami, puro pang aasar lang ang ginagawa niya sa akin.
Ang weird pa rin. Gusto lang ba talaga niya ng coke at fries kaya niya ako pinapunta? Wala ba siyang kasamang kumain sa bahay nila kaya nag hanap siya nang mahahatak?
I mean same. But I don't mind eating alone. I'd rather eat alone kesa makinig sa pang aasar ng isang 'to.
"Pero sure ako mag i-smile ka mamaya," sabi ni Seb.
Napa-angat bigla ang tingin ko sa kanya at bahagya akong kinabahan.
"Bakit? Anong meron mamaya?"
He smiled widely, "you'll see."
"Seb ano naman 'to?"
"Relax. Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Wala," mabilis kong sagot.
"Aray," daing naman niya while clutching his chest. "Sakit naman nun."
Napairap ako. He chuckled.
"I really love it when you do that. Cute mo," pang yayamot niya.
Napailing na lang ako sa yamot. Makakuha lang talaga ako ng chance, ihuhulog ko siya sa kanal.
"Anyway, magugustuhan mo pupuntahan natin. Dapat nga 'di kasama 'to sa mga conditions ko kasi ikaw makikinabang."
"Ano ba kasi 'yun?" medyo naiirita ko nang tanong.
"Chill," he chuckled then tumingin siya sa wrist watch niya. "Tara na. It's about to start."
"Ang alin?"
Tumayo si Seb at hinatak niya rin ako patayo.
"Basta."
~*~
I almost curse nung dinala ako ni Seb sa basketball court ng school namin. Sa court ay nandoon ang basketball team ng school namin and isa pang basketball team from another school. May ilan ding nanunuod sa bleachers.
"Practice match," sabi ni Seb sa akin habang naglalakad kami papasok. "Nahulaan ko lang na hindi ka aware na may practice match ngayon dahil masyado kang busy sa pag i-isip sa project."
Nung makapasok kami, agad kong tinignan 'yung bleachers kung saan nakapwesto ang team nina Harold. Agad ko siyang nakita doon, nag w-warm up. Kasama siya sa limang mag lalaro.
![](https://img.wattpad.com/cover/253310210-288-k81639.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay Wild, Moon Child
Teen FictionHer only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so good at destroying peace.