Prologue

408 55 8
                                    

"Ayesha..."

Napamulat ako ng aking mga mata ng marinig ko ang boses na iyon, ngunit ang sumalubong sa akin ay pawang kadiliman, at wala ng ibang makikita pa.

"Ayesha..."

Naglibot ako ng tingin upang hanapin kung saan nanggagaling ang boses,  ngunit wala akong makita. Bigla akong kinabahan ng hindi ko mahagilap isa man sa mga kaibigan ko.

"Sino ka?!"sigaw ko sa boses na tumatawag sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon dahil para akong bulag dahil dilim lang ang aking nakikita.

"Ako ay ikaw Ayesha at ikaw ay ako..."

Napakunot ang noo ko dahil sa mga sinabi niya.

"Anong pinagsasabi mo? Nasaan na ang mga kaibigan ko!"pasigaw kong sambit sa kanya. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako dahil sa daming tumatakbo sa isip ko dahil ni isa'y wala akong maintindihan.

"Sila'y gaya mo rin Ayesha..."

Gaya ko? Anong ibig niyang sabihin?

"Sino ka ba talaga ha!?" I said trying to hold the last string of my patience.

"Sinabi ko na sa iyo Ayesha..."

"Na ako ay ikaw at ikaw ay ako? Iyon ba? Pwede bang huwag na tayong maglokohan!"tumakbo ako ng tumakbo palayo kung saan ako naroroon kanina, para makalayo sa kanya ngunit nagkamali pala ako.

"Hindi ka makakalayo Ayesha..."

Hingal akong tumigil at sumalampak sa dahil sa pagod. Kahit takbo ako ng takbo, patuloy ko pa ring naririnig ang boses na iyon kaya't wala ring silbi.

"Please leave me alone..."umiiyak kong sambit sa kanya sa gitna ng paghingal ko. Ang bigat na ng pakiramdam ko, hindi ako natatakot dahil sa boses na naririnig ko bagkus mas natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin, sa pwedeng mangyari sa mga kaibigan ko. Natatakot ako para sa amin at hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag isipin iyon. Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko ng marinig ko ulit ang boses.

"Hindi ka makakalayo sapagkat isipan mo ang iyong mismong tinatakbuhan..."

Napa-angat ako ng tingin at tumingin sa kawalan ng marinig ko iyon mula sa kanya. Sarili kong isipan? Narito ako ngayon sa sarili kong isipan? Pero paano?

"Ako'y ikaw at ikaw ay ako Ayesha, ang araw ay darating at tayo ay magkikita..."

Napakarami kong katanungan sa boses na iyon ngunit bigla na lang bumigat ang aking pakiramdam,  kasama ng talukap ng aking mga mata. Hindi pwede ito marami pa akong mga katanungan.

"Ang panahon ay darating Ayesha at ang mga katanungan mo'y masasagot..."

Umikot ang paligid at nanlalabo na ang paningin ko.

"Darating ang panahon at tayo ay magkikita..."

Kasabay ng huli niyang mga salita ay ang pagpikit ng aking mga mata.


———
©Sage_Xrachen

Acrofyce Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon