Ayesha's POV
Sumalampak ako sa upuan at bumuntong hininga. Nakakapagod talagang maging president ng student's body.
"Pagod na pagod ka yata?"napatingin ako kay Thea na nagsusalat sa mesa malapit sa akin. Naririto kami ngayon sa tambayan sa loob ng school. Located ito sa pinakaduko ng west wing na di gaanong dinadaanan ng mga istudyante. Abandoned room ito dati humingi lang kami ng permiso kay principal para gawing tambayan ng Students Body, tutal Tita naman ni Thea kaya okay lang.
"Sobra nagsisisi akong tumakbo noong election,"totoong sagot ko sa tanong ni Thea sa akin. Tapos na ako sa trabahong ito e, last na sali ko na after kong makilala si Thea pero heto ako na naman ang President ng Student's Body. Ang galing diba?
"Ayan buti nga sayo. Hahaha!"tawa nito sa akin sabay balik sa pagsusulat.
"Hoyy! Kayo kaya may kasalanan sino ba kasi ang nagsabi ng ipalista niyo ako ha!"lalong namang tumawa si Thea dahil sa sinabi ko sa kanya.
"Tanong mo sa kalokohan ni Brent."usal nito sa akin. Iyong lalaking 'yon talaga napaka pilyo. Although alam ko na siya kaya kinawawa ko siya noon. Nilibre niya kami ng one week lunch para daw hindi na ako magtampo, hindi sana ako papayag pero kaibigan ko na rin ang nagdesisyon kaya tuwang tuwa naman sila, walang kaso mayaman naman kaya ayos lang. Ang hindi ayos sila nagdesisyon. Hahaha!
"Bakit niyo kase sinakyan ha!"lumapit ako sa kanya at tumabi.
"Uhmm...dahil trip namin?"patanong na sagot nito sabay tawa ulit, napa-irap na lang ako dahil sa mga sagot niya.
"Dapat si Zike 'yong nasa posisyon ko ngayon e!"hindi yata sila pinainom ng sapat na gatas noong bata sila, mukhang kulang-kulang kasi sila.
"Malas mo na lang dahil hindi siya kundi ikaw Yesha, uulitin ko ikaw!"pagdidiin pa ni Thea habang iiling-iling.
Napasandal na lang ako sa upuan at nilibot ko ang tingin sa buong silid, ng biglang may pumasok sa aking isipan at napangiti na lang ako. Maraming memories ang nasa silid na ito mula nang mabuo ang grupo namin. It should be a Student's Body tambayan pero dito naman na din sila tumambay kaya ayos lang. Kapag naaalala ko yung mga masasayang alaala dito parang ayaw ko ng iwan kasi ang sarap lang balikan.
"Yesha!! Saang mundo ka na naman nagpupunta ha!"natigil ako sa pagmumuni-muni dahil na naman sa si sigaw ng babaeng to.
"Bakit ka ba sumisigaw napaka lapit ko lang e!"reklamo ko sa kanya.
"Kanina pa ako salita ng salita dito tapos di ka pala nakikinig bruha ka!"sigaw na namang pabalik nito sa akin. Wala naman akong naalalang may sinasabi siya? Ganon ba talaga ako ka preoccupied?
"Ano ba kasi iyon ha?"
"Ang sabi ko tapos mo na ba yung valedictory address mo?" tanong nito sa akin kasabay ng malapad na ngiti. Iyo lang naman pala ang tatanungin niya akala ko naman kung ano na.
"Oo tapos ko na kagabi pa."sabi ko naman sabay lapit at upo sa kaharap na upuan.
"Bakit kasi kailangan ko pang gumawa nito pwede naman si ikaw na lang ang mag-speech e."reklamo nito sabay lapag ng ballpen at halukipkip napailing nalang ako.
Hindi sa pagmamayabang pero ako y
'yong valedictorian sa batch namin at Salutatorian naman 'tong babaeng ito at si Zike naman 'yong pumapangatlo. Iyong lima naman ay hindi nawawala sa Top 10 kaya masaya ako. Noon pa man goal na talaga namin ang mapabilang sa Top 10 kaya sama sama kaming nag-aaral pati na rin sa kopyahan, friendship goals ika nga.
BINABASA MO ANG
Acrofyce Academy
FantasyAyesha, Thea, Thyn and Kiara are girls who possess funny, serious, loud and strong personalities together with Zike, Brent and Theo, the boys with a silent, happy-go-lucky and a go with the flow attitude. A friendship that is bind with firmness, lo...