Acrofyce 30: Sibaian Island

21 3 0
                                    

Ayesha's PoV

Ngayong araw din ang alis namin sabi ni HM. Hindi ko alam kung bakit ang aga naming aalis, but knowing him, he's really unpredictable. I can't even read his mind. Oo na intruder na! Curious ako e! Naglalakad na kami ngayon papunta sa gate ng Academy, sinabi sa amin ni HM na naghihintay si Prof. Leona doon para sa pag-alis namin.

Headmaster gave us cards, larger from those normal cards. Each of them are depicting different colors, designs and symbols. Mine is purple in color match with senescent kind of style and a brain on the center part, with two swords on its background, match with different lights. It's glowing to be exact. HM gave this to us before we get out from his office, he said that this is a gift from the Acrogies. I will gonna talk to Luca about this, I think?

"Mukha bang nagbibiro si tanda kanina?"pambasag ni Theo sa katahimikan. Hindi mag rin ako kumbinsido kanina pero mukhang seryoso naman si HM kanina kaya in-absorb ko na lang lahat ng sinabi niya. Walang labis at walang kulang.

"Tingin ko nga nababaliw na si tanda e!"we chuckled in unison.

"Pano naman natin malalaman kung virgin pa ang isang rabbit? Sige sabihin niyo kung paano?"inis na sabi ni Thea. Kahit pa sabihing ako ang utal ng grupo, hindi ko rin alam kung paano.

"Crystal Egg of a Virgin Rabbit, pero diba nanganganak ang rabbit? How come na may itlog ito?"

"Everything in this world are possible, Brent. You can see creatures you won't expect that exist in this world, kaya hindi malayong mangitlog din ang mag rabbit dito."paliwanag sa kanya ni Zike.

"Hindi ka na naman kasi nag-isip. Puro si Thyn lang naman kasi iniisip mo e!"sabi sa kanya na ikina-yamot ni Thyn.

"Tumahimik ka nga kuya! Kung ano-anong lumalabas sa bunganga mo!"singhal nito kay Theo ngunit umiwas lang ito ng tingin saka sumipol. May mga bulong pa siya pero hindi marinig kaya ginamit ko ang enhance hearing ko to hear what she's saying.

"Bwisit kasi!"

Napatawa naman ako ng lihim dahil sa paulit-ulit niyang pagsabi ng ganoon. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad habang sinasalubong ang malamig na simoy ng hangin. Maliwanag na sa labas pero wala pang mga estudyante. Maririnig na rin ang mga mumunting tinig ng mga ibon sa mga sanga, kasbay ng pagsayaw ng mga puno sa hampas ng hangin. Ang presko at ang payapa sa pakiramdam ang ganito.

Hindi rin nagtagal ay natanaw na namin ang gate ng Academy, habang isang pigura naman ng isang babae ang nasa gatehouse. Si Prof. Leona iyon for sure. Noong nakarating na kami sa gatehouse ay magkakasunod naming binagsak any mga hawak na bag. Iba pa ang mga backpack namin. Hindi naman kasi namin alam kung hanggang kailan kami sa mission kaya mabuti na ang handa diba? Sabi nga nila, ligtas ang may alam. Huh? Wait mali! Sabi nga nila dapat laging handa!

Natawa naman si Prof. Leona dahil sa ginawa namin.

"Narito pa lang tayo pero nangalay na itong kamay ko! Kainis!"reklamo ni Thyn sabay unat sa kamay nito.

"The heck! Ang pangit naman tignan kung hila-hila natin ito habang naglalakbay diba? Bwisit!"segunda pa ni Brent. Napailing na lang kami dahil sa kanilang dalawa.

"Bagay nga talaga kayong dalawa, parehong mareklamo."natatawang saad ni Kiara sa kanila.

"At least bagay pa rin."kibit balikat na tugon naman ni Brent. Nakatikim naman ito ng mahinang pagsiko galing kay Thyn.

"Pasensiya na po Prof. Leona dahil sa kanila,"kamot ulo kong sabi kay Prof. Tumawa lang ito sa sinabi ko.

"Ayos lang, nakakatuwa nga kayo e."sabi nito saka ngumiti.

Acrofyce Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon