Brent's PoV
Narito ngayon ako may garden ng school habang nakahiga sa ilalim ng puno. Nakita ko lang ito kaninang umaga nang maglakad lakad ako. Maaga kasi akong nagising dahil ang lakas ng hanging pumapasok sa kwarto ko. Hindi naman bukas ang mga bintana at hindi rin naman bukas ang aircon kaya hindi ko alam kung bakit. Hindi na rin ako nag-abala pang matulog ulit dahil sasakit lang itong mga mata ko kapag pinilit ko pa, kaya lumabas na lang ako ng dorm at naglakad lakad hanggang sa napadpad ako dito. Actually maganda naman iyong lugar, maraming puno dahilan para magkaroon ng malamig at preskong hangin hindi katulad doon sa amin noon na grabe ang polusyon.
Maaraw ngayon dito kaya kitang kita rin ang bughaw na kalangitan. Ang sarap sa mata. Napatingin ako sa paligid ng biglang lumakas ang ihip ng hangin. Ang weird lang kasi sa direksyon ko lang naman dumaan iyong hangin tapos sa paligid hindi man lang gumalaw iyong mga puno. Ang weird diba? O imahinasyon ko lang?
"Hindi kasi ganyan ganito."napakunot ang noo ko at napabangon ng may marinig akong boses di kalayuan.
"Ang hirap naman ate e!"bumangon ako at naglakad papunta sa pinanggagalingan ng boses. May kasama ako? Ang tanga mo Brent malamang meron naririnig mo nga diba!
"Dapat kontrolin mo para tama lang iyong pwersa ng hangin."nakita ko ang isang babaeng may kasamang babae rin na mas maliit sa kanya. Base sa ginagawa nila'y tinuturuan noong matangkad na babae iyong malaiit na babae.
"Ganyan nga Zia, kontrolin mo lang."sabi nito sa maliit na babae na Zia daw ang pangalan. Kita ko naman na parang nahihirapan siya base sa itsura niya. Sumandal ako sa isang puno at tinignang mabuti kung ano iyong binubuo noong babaeng Zia ang pangalan. Napalaki ang mata ko ng isa iyong bolang gawa sa hangin!
"The hell!"napalakas na sigaw ko.
"Ay pusa!"gulat na sabi ng maliit na babae at napaharap sa direksyon ko kasabay ng mabilis na pagpunta sa akin ng bolang hanging ginagawa niya kanina. Oh this is bad!
"Ilag!"sigaw noong matangkad na babae sa akin. Dahil siguro sa adrenaline rush ay agad akong nagtago sa likod ng puno kasabay ng pagtama din nito roon.
"Ayos ka lang kuya?"nag-aalalang sabi nung Zia sa akin. Alanganin namang akong ngumiti at tumango sa kanya.
"Sorry talaga! Nagulat kasi ako e!"paghingi nito ng tawad sa akin.
"Ayos lang kasalanan ko naman."sagot ko sa kanya. Bwisit! Muntikan na ako doon! Bumuntong hininga ako.
"Sorry din hindi naman namin akalain na may tao pala rito. Kami lang kasi naglalagi ni Zia dito kapag tinuturuan ko siya."I cleared my throat before speaking. Baka sabihin niyang lampa akong lalaki! Aba! Hindi pwede iyon! Dapat tigasin tayo. Teka bakit ba ako nagkakaganito?
"A-ah ayos lang, sige ituloy niyo na hindi ako manggugulo."bakit ba ako nauutal!
"Ako nga pala si Ariana."
"Ako naman si Zia."
Pagpapakilala nila sa akin.
"Brent."tipid kong pagpapakilala sa kanila.
"We are from the house of Callites for wind users like us."house of Callites? Ano naman 'yon?
"Ikaw from what house ka?"tanong nito sa akin. Prente lang akong nakatayo ay nagkamot ng ulo.
"Sa totoo lang, bago lang kami ng mga kaibigan ko dito kaya hindi ko alam kung ano 'yang sinasabi mo."
"Oh I see, kayo pala iyong usap-usapan."nag-angat naman ako ng tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Acrofyce Academy
FantasyAyesha, Thea, Thyn and Kiara are girls who possess funny, serious, loud and strong personalities together with Zike, Brent and Theo, the boys with a silent, happy-go-lucky and a go with the flow attitude. A friendship that is bind with firmness, lo...