Ayesha's POV
Nagising ako ng maramdamang may yumuyugyog sa akin, ngunit tinalukbong ko ang makapal na kumot na siyang bumabalot sa buo kong katawan. Ayaw ko pang bumangon sa totoo lang.
"Ayesha bumangon ka na."rinig ko ang boses ni Thea na siya palang yumuyugyog sa akin. Magkatabi kasi ang kama namin kaya't alam kong siya.
"Thea mamaya pa."I said in a low voice then bury my face on the pillow.
"Don't you like to see the sunrise?"upon hearing it from her, I slowly remove the blanket covering my face and tilted my head to look at her.
"Ano iiwan ka na ba namin babae?"biglang nagsink in sa sakin iyong pinag-usapan namin kahapon kaya't pinilit kong bumangon. I don't like to miss the first sunrise I will able to see for the first time.
"Oo na sandali lang naman!"maktol ko sa kanila sabay hikab at kusot ng mata. Inayos at tinali ko ang mga kalat-kalat kong buhok bago pumasok sa banyo para mag-ayos ng kaunti.
"Napaka-antukin mo naman kasing babae ka!"rinig kong sigaw ni Kiara sa akin sa labas. Binilisan ko na ang pag-aayos at agad na lumabas ng banyo, nagsuot lamang ako ng simpleng shorts at simpleng T-shirt. Nakita ko namang naka-upo sa kama sila Kiara na naka sweatshirt at Thyn na naka-jacket. Nakapamewang naman akong tinitignan ni Thea na naka T-shirt din kagaya ko habang nakasandal naman iyong tatlong lalaki sa pader malapit sa pintuan na nay suot na floral short and polo. Nagmumukha tuloy silang mga kambal dahil suot nila. Hahaha.
"Ready na kayo?"nakangiting tanong ko sa kanila. Nakita ko naman na napatawa si Brent at Theo dahil sa tanong ko at napa-irap naman iyong tatlong babae.
"Ikaw lang naman iyong hinihintay naming magising Yesha!"naiiling na saad ni Brent sa akin. Ganoon ba talaga ako kaantukin?
"Wala ka bang body alarm?"segunda naman ni Thyn. Body alarm? Iyong kusa ka na lang magigising?
"Meron naman bakit?"tanong ko sa kanila habang naglalakad palapit sa kamang inuupuan nila.
"Mukhang hindi na siya gumagana, ipagawa mo kaya Ayesha!"Thea said in a teasing way.
"Grabe naman kayo sa akin masarap kaya matulog,"saad ko sa kanila.
"Oo nga masarap matulog pero ibang level iyong sa iyo!"they laughed in unison na para bang nakakatawa naman talaga iyong sinabi ni Thea. Tsk!
"Don't worry, magpapa-extension ako ng body alarm,"sarkastikong sabi ko sa kanila.
"Tignan niyo nga five in the morning pa lang."I said while pointing the wall clock that is place on the upper part where the television takes place.
"Lumabas na lang kaya tayo, sa pampang na lang natin abangan iyong sunrise gaya ng ginawa natin sa sunset kahapon!"nagagalak namang sabi sa amin ni Thyn. Hindi naman halatang excited siya dahil sa reaksiyon niya, hindi talaga halata.
"Hindi ka naman halatadong excited."biglang saad ni Zike sa kanya. Himalang nambara siya. Hahaha!
"Hindi kasi ako kagaya mo na parang bato!"sigaw ni Thyn kay Zike, pero ang loko nag-iwas lang ng tingin. Kung hindi lang soundproof itong unit baka kanina pa kami may nabulabog.
"Tara na nga!"yaya na sa amin ni Thea saka naglakad papunta sa pintuan. Nagsitayuan na rin kami at sunod-sunod na lumabas pagkabukas niya ng pinto. Habang naglalakad kami, pawang yabag lang ng mga paa namin ang maririnig . Sobrang tahimik lang namin at parang wala silang balak magsalita kaya hindi na rin ako umimik pa.
BINABASA MO ANG
Acrofyce Academy
FantasyAyesha, Thea, Thyn and Kiara are girls who possess funny, serious, loud and strong personalities together with Zike, Brent and Theo, the boys with a silent, happy-go-lucky and a go with the flow attitude. A friendship that is bind with firmness, lo...