Madaling araw na ng dumating si lolo Juan sa kanyang bahay, Galing kasi sya sa lugar ng kanyang isa pang anak at doo'y nagbakasyon sya.
Nagbabasa ng dyaryo ang matandang si Lolo Juan sa labas ng kanyang bahay habang umiinom ng kape
Kasalukuyan syang nagbabasa ng dyaryo ng may marinig syang iyak, iyak ng mga bata
Nilingon nya ang paligid at nakita nya sa labas ng bakuran nya ang dalawang batang umiiyak
Tumayo sya sa kanyang upuan at linapitan ang mga bata.
"mga ineng anong problema?" tanong ng matanda
Ngunit patuloy parin sa mahhinang pag-iyak ang dalawa
"Mga Ineng bakit ba kayo umiiyak? may maitutulong ba ako sa inyo?" tanong muli ng matanda
"nasa-nasa-gasa-an" hirap na sabi ng batang babae at patuloy pa rin sa pag-iiyak
"Nasagasaan?" hindi maintindihang sabi ng matanda
"o-oo a-ayaw pa namin- ma-matay" Sabi naman ng isang bata na umiiyak pa
Hindi maintindihan ng matanda ang pinagsasabi ng mga bata ngunit kinakabahan sya dahil sa mga ito
"Mga ineng pasensya na't hindi ko maintindihan ang nais nyong ipahiwatig ngunit mukhang gutom lang iyan mag hintay muna kayo dito ha?"
Sabi ng matandang si lolo Juan, pumasok sya sa kanyang bahay at kinuha ang isang plastik ng pandesal na nakapatong sa lamesa na pinaglagyan nya ng kape at dyaryo. Lumabas syang muli sa kanyang bahay at linapitan ang mga bata
"mga ineng tahan na wag na kayong umiyak, ito oh" Inabot nya ang plastik na naglalaman ng mga pandesal ngunit ni hindi man lang ito tiningnan ng mga bata at patuloy lamang sa pag-iyak
"Pasensya na po. Mukhang ginagambala kayo ng mga anak ko" ani ng isang napakalamig na boses mula sa likod ni lolo Juan
Tila nanindig ang balahibo ni lolo Juan ng marinig nito ang boses hinay-hinay nya itong liningon at ganun nalang ang kanyang takot ng makita ang isang babae na na-aagnas na ang mukha at parang nabali pa ang kanang braso nito.
"i-ineng a-anak mo ba itong mga bata?" Takot na tanong nya sa babae
Tumango lamang ang babae at linapitan ang dalawang bata
"wag na kayong umiyak mga anak tayo na" malamig na sabi ng babae sa mga bata
Tumigil sa kaka-iyak ang mga bata at tumayo
Takot at nanginginig na si Lolo Juan ng makita ang mukha ng mga bata. Naging napakaputla ng mga mukha nito, biyak-biyak ang mga braso at umiiyak ng dugo ang mga mata ng mga bata.
Naihulog ni Lolo Juan ang hawak nyang plastik ng pandesal dahilan upang mapalingon sakanya ang tatlo.
Naninindig lahat ng balahibo ni lolo sa takot at nanginginig syang nagmadaling pumasok sa kanyang bahay. Liningon pa nya ang tatlo at nakita nya itong nakatalikod habang naglalakad paalis sa tapat ng kanyang bahay.
Nang gabing iyon...
"lolo Ju! lolo Ju!" tawag ng kanyang apo sakanya
"apo dumating kana pala hali kana't kumain na tayo"
"yey! loloJu maraming tayong pag-uusapan!" nakangiting sabi ng kanyang highschooler na apo
habang nasa hapag kainan sila at kumakain
"lolo Ju magkwento kana tugkol sa bakasyon nyo kina Tyang Bemay!"
"pasensya na apo pero wala ako sa mood magkwento eh bukas nalang" sabi ng matanda habang kumakain
"ngek wala talaga sa mood? segi ako na ngalang magke-kwento sa iyo kung anong nangyari habang wala ka dito lo" sabi ng apo ni lolo Juan at nagsimula ng magtalak ng kwento
"tyaka lo kahapon lang may nasagasaan na mag-iina dyan mismo sa tapat ng bahay natin! kawawa nga eh, dalawang bata at isang babae ang nasagasaan at silang tatlo mismo ang namatay! Kaya nga may mga kandila dyang sa kalsada sa tapat natin lo eh!"
"A-ano?!"tanong ng matanda na gulat na gulat sa kwnto ng apo
"oo lo kahapon pa iyon eh, hindi nyo naabutan grabeh nakakaawa nga iyong dalawang bata! Lolo Ju ba't naman wala kang alam di mo ba nabasa sa dyaryo kaninang umaga?"
"n-nasa dyaryo?"
"syempre lo di kana updated ah, teka hanapin ko muna ang dyaryo" Tumayo ang kanyang apo at agad namang bumalik na may dala-dalang dyaryo.
"ayan Lolo Ju basahin nyo oh" sabi ng kanyang apo at inabot sakanya ang dyaryo
Labis ang kanyang pagkagimbal ng makita ang litrato sa dyaryo kahit black and white pa ito ay nakilala nya ang mga ito.
Ang babae sa litrato ay ang babaeng nakita nya kaninang umaga at ang litrato naman ng dalawang bata sa dyaryo ay ang dalawang batang pinapatahan nya pa kaninang umaga!
Vote and Comment :D
A/N: magu-update ako bukas ng gabi ;D
Di ko rin yan enidet kaya sorry sa typos enewes maseseryoso na ako :)
![](https://img.wattpad.com/cover/27549131-288-k69892.jpg)
BINABASA MO ANG
Tindig-Balahibo (MyCompilationOfHorrorStories)
HorrorAng mga story po dito ay mga horror na aking gawa-gawa at yung iba namang story dito ay binase ko sa totoong buhay :D