Jing
Busy kami ngayon dito sa apartment namin dahil darating na ang pinsan ko at dito na sya titira saamin. Namatay kasi sa aksidente ang kanyang mga magulang at nasunog pa ang bahay nila kasama ang yaya at bunsong kapatid nya.
Naawa si mama sakanya kaya't napagdesisyonan nila ni papa na dito nalang patirahin si Polly.''Jing hali ka batiin mo ang pinsan mo nangdito na sya'' tawag sakin ni mama
Pumunta ako ng sala namin at nakita ko si Polly na nakatayo don
"hi Polly! dun ka sa kwarto ko matutulog kasama ko" bati ko sakanya at akmang yayakapin ko sya pero umiwas sya
"naku mukhang pagod ka pa ata Polly hali ka magpahinga ka muna sa kwarto ni Jing"
Tiningnan ko ng masama ang likod ni Polly habang naglakad na silang dalawa ni mama papunta sa kwarto ko
Noon pa man kahit hindi pa namatay ang pamilya ni Polly ay hindi na talaga kami malapit sa isa't-isa, maarte kasi sya at masungit ewan ko lang ngayong wala na syang pamilya baka lumala lalo ang ugali nya
Napansin ata ni ate M ang masamang tingin ko kay Polly kaya't pinagsabihan nya ako
''JIng! umayos ka ha wag mong pagsungitan si Polly grabe rin ang napagdaanan nya intindihan mo nalang sya'' sabi nya sakin at tumango lang ako
Gabi na at katatapos lang naming manihapunan at nanonood lang kaming lahat ng Tv well except kay Polly na laging nakatutok sa cellphone nya
Nang matapos na ang palabas na "Forevermore" ay natulog na kami
Nasa kabilang kama si Polly at pansin ko pa ang ilaw na naggmumula sa cellphone nya
''Polly itigil muna yang pagce-cellphone mo matulog kana''
Kinaumagahan pag-gising ko nabigla pa ako dahil gising na pala si Polly at nakatutuk na sa Cellphone nya at parang naiinis ang kanyang mukha
Habang naghahanda si mama ng pananghalian ay inutusan nya si Polly at ate
"Polly ibili mo naman ako dun sa labas ng magic sarap para dito sa linuloto ko"
"segi po san po ba"
"jan lang paglabas mo dito sa apartment building natin hanapin mo lang yung Lisa's store at tsaka ate M pakisamahan mo naman si Polly para naman maging pamilyar sya dito sa lugar natin"
"opo ma hali kana Polly"
Paglabas nilang dalawa ay sininyaan ako ni mama na lumapit sakanya. paglapit ko ay binulungan nya ako
BINABASA MO ANG
Tindig-Balahibo (MyCompilationOfHorrorStories)
УжасыAng mga story po dito ay mga horror na aking gawa-gawa at yung iba namang story dito ay binase ko sa totoong buhay :D