PASAHERO

48 2 0
                                    

  Busangot ang mukha ni Angielyn nang makita ang papalabas na sina Klarisse at Emma sa bahay kung san may ginanap na party. Tinext kasi sya ng mga ito at nakiusap na sundian sila at ihatid pauwi agad nalang rin naman syang pumayag dahil pag-aalala sa mga ito. Umattend kasi ang mga ito ng isang party at hating-gabi na umuwi. 


  Kumaway pa sakanya si KLarisse at pangiti-ngiting palapit sakanya habang naka-akbay kay Emma. Kapwa pasuray-suray ang dalawa kong maglakad na lalong ikinasimangot ni Angielyn, napa-inom ata ang dalawang loka nyang kaibigan. 

  "walang susuka sa loob ah!" giit nya sa mga ito saka pinagbuksan ng pinto. 

  Nasa passenger seat umupo si Emma dahil mukhang hindi naman ganoon ka lakas ang tama nito, samantalang nasa likod si Klarisse at napahiga na sa seat. 

  "wag nyo kong guluhin habang nagdadrive ako ah!" giit ni Angielyn at pinaandar na ang kotse nya. tinawanan lang sya ni Clarice at napatid pa ang balikat nya dahil sa haba ng binti nito. 

  Balot ng dilim ang buong paligid, natatabunan din ng makapal na ulap ang buwan at tanging ang mga ilaw na nasa gilid ng kalsada ang nagbibigay ng ilaw sa daan. 

May iilan pang poste ang hindi maipaliwanag na nagpapatay-sindi ngunit hindi alintana ni Angielyn ang kilabot na hatid ng paligid dahil sa kaingayan ni Emma na kung ano-ano ang pinagkekwento.

 "gahd tumahimik ka nga" giit nya at napatingin sa salamin. 

 Kita nyang may babae pa palang naka-upo sa likod at nakahilog ang ulo ni Klarisse sa hita nito. 

  Mukhang may isa pang kasama ang dalawa na hindi nya napansin kanina. Hindi nya iyun masyadong pinagtuonan ng pansin dahil nakayuko lang din naman ito at hindi makita ang mukha dahil sa buhok na nakaharang sa buong mukha nito.

 "nakuuu diba dito banda naaksidenti si Evelyn? ay teka nadaanan na siduro natin?" tanong ni Emma 

 Nabanggit nito kanina na may kasamahan sila sa trabaho na naaksidenti sa kalagitnaan ng byahe nito patungo sa bahay na may party ngayon, pero ilang araw nang nakalalabay nang mangyari yon. 

 Napatingin na naman sa salamin si Angielyn at gumapang ang kaba sa katawan nya nang makitang nakatingin din pala sa salamin ang babae. Isang mata lang ang kita nya nang magtama ang mga mata nila. Maputla ang mukha ng babae at walang kabuhay-buhay ang mga mata nito. 

 Kanina nya pa gustong tanongin si Emma kong sino ang misteryosong babae ngunit hindi nya naman maisingit ang tanong nya dahil walang preno si Emma sa kakadaldal. Kalahating oras ang byahe nila hanggang makarating sila sa apartment nina Emma at Klarisse. Hindi na bumaba pa si Angielyn at hinayaan nalang ang dalawa na lumabas. Liningon nya ang isa pang babae ngunit laking taka nya nang makitang wala na ito sa likod. Baka lumabas nang hindi nya napapansin?

 Kasalukuyang nagmamaeho na pauwi si Angielyn nang mapatingin na naman sya sa salamin at agad na napa-apak sa break nang makitang nasa likod pa nya ang babae at nakatingin lang sakanya! 

 Napasubsub sya sa manibela at muntikan pang sumalpok sa malaking puno ang kotse nya.

 Nanginginig ang mga daliri at ramdam ang takot at kilabot habang dahan-dahang inangat ni Angielyn ang mukha at tiningnan ang salamin. 

 Wala na ang babae. 

 napabuga sya ng hangin at matapang na liningon ang likod nya. 

 wala nga ito.

 Kinalma nya ang sarili at pinahid ang mga luha sa mukha nya. 

 Pinaglalaruan lang sya ng isipan nya. Dala lang iyun sa antok at pagod. Tatak nya sa isipan at napa-iling nalang nang maalala ang dalawa nyang kaibigan, kasalanan ito ng mga iyon! Ang mga gagang iyun, tsk! sasakalin nya talaga ang mga iyun bukas. 

  Kinabukasan, 

kinuha ni Emma ang phone nya sa kwarto habang may nginunguya ang tinapay na umagahan. umupo sya sa sofa at binasa ang tinext ni Angielyn 

 Angielyn: 

 Hey! ang creepy ng isang kasama nyo kagabi grr. 

 Napakunot ang noo ni Emma. Anong pinagsasabi nito? 

Napa-iling nalang sya habang nakangiting nagtatype ng reply rito. 

 Emma

 Mukhang hindi lang kami ang lasing kagabi ah hahaha. 

  Nabasa naman agad iyun ni Angielyn na hawak din ang phone nya sa kasalukuyan. 

  Ngunit nabitawan nya agad ang phone nya nang mabasa ang sunod na text nito na ikinaputla nya at nanindig ang kanyang mga balahibo. 


Emma:

 Kaming dalawa lang ni Klarisse ang sakay mo kagabi. 




A/N: PLEASE VOTE AND COMMENT



 char

Tindig-Balahibo (MyCompilationOfHorrorStories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon