Agad kumulo ang aking dugo nang marinig ang sinabi ng aking kaibigan na tindera rin ng isda.
Sa aking galit ay kinuha ko ang malaki-laking isda na may matalas na nguso.
Mahigpit kong hawak ang buntot nito at mabibigat ang bawat hakbang habang papunta sa tinutukoy nilang lugar.
Tila bumagsak sa semento ang aking puso at dinig ko pa ang pagkabasag nito nang makita ang kataksilan ng aking kasintahan.
Ngunit imbis na damhin ang masakit na pagkabigo at ang nasirang tiwala ay buong tapang akong lumapit sakanila.
Napatingin saakin ang gulat na mukha ng hangal, walang alinlangang hinampas ko sa pagmumukha nya ang isda.
Lumagapak sa pisnge nya ang matabang isda at tumabingi ang kanyang mukha.
Hinarap ko rin ang kanyang kerida at hinampas din ng isda ang magkabila nyang pisnge.
May humawak saakin at inilayo sakanila.
Nabitawan ko ang isda at ang walang buhay na mata nito ay bumagsak sa semento.
Napa-iyak ako at tila naki-isa ang aking damdamin sa kalungkutan ng isdang walang kasalanan ngunit pinagkaitan ng kalayaang mabuhay sa malawak na karagatan.
Ke-malas nga naman ng mga isdang nahuhuli.
Kasing malas ng mga taong nagmahal at nagtiwala ng husto ngunit sinayang lang at namingwit ng bago.
Hindi na nakontento sa sirena at nagahanap pa ng pugita.
Pilit akong kumawala at nang magtagumpay ako ay agad akong lumapit sa isda at kinuha ito.
Matalim kong tiningnan ang aking kasintahan na naging shokoy sa aking paningin at ang kasama nyang pugita.
Malakas kong binato sa direksyon nila ang isda at nakontento na ako nang makitang sapul ang pagmumukha ng pugita.
Tinalikuran ko sila at sa pagharap ko ay halos hindi ko na makita ang aking dinadaanan dahil sa luha sa aking mga mata.
Ramdam ko ang malakas na impact ng aking ulo sa semento matapos akong mapadaan sa matubig na tiles.
Idinilat ko ang aking mata at sumalubong saakin ang madilim na kwarto.
"Mabuti't nagising ka na." Napatingin ako sa nagsalita sa aking gilid. Isang gwapong lalaking naka-all black ang nakatayo sa aking gilid.
"Shene ke?"
"Bumangon ka na jan marami pa tayong pupuntahan" malamog nyang sabi
Napabangon naman agad ako at laking gulat ko nang makitang nanatiling nakahiga ang katawan ko pero nakabangin na ako- pero ha?
"Isa ka nang kaluluwa. Patay ka na Tamaraw."
Nanlaki ang aking mga mata at nahulog ako mula sa matigas na higaan na iyun.
"Tumayo ka jan. Babalikan natin ang mga naging highlights ng buhay mo bago kita ipadala sa kabilang side."
Tiningala ko sya. Binuksan nya ang makapal na librong dala nya at biglang binalot ng usok ang paligid.
Isang iyak ng sanggol ang nadinig ko. Tumayo ako at dumungaw sa bintana ng nag-iisang bahay sa tabi ng dagat. Nakakapagtaka at bigla kaming napunta rito.
Nakita ko ang mas batang bersyon ng aking ina na umiiyak at tila nahihirapan. Kinarga nya ang isang sanggol at pinatahan. Sa gilid ng lumang radyo ay naka-upo ang isang lalaking may hawak na bote ng alak.
Bigla nyang tinapon sa sahig ang bote ng alak at nabasag iyun sa sahig. Natataranantang nagmamadaling umalis si ina karga-karga ang sanggol.
"Ikaw ang batang yan." Sabi ni Mr. Allblack
![](https://img.wattpad.com/cover/27549131-288-k69892.jpg)
BINABASA MO ANG
Tindig-Balahibo (MyCompilationOfHorrorStories)
УжасыAng mga story po dito ay mga horror na aking gawa-gawa at yung iba namang story dito ay binase ko sa totoong buhay :D