BERTA'S POV
"Berta panget! Berta panget! Berta pangeeet!" Bungad na oang-aasar ng mga batang kapitbahay ko nang makalabas ako saamin.
"Rawr!!" Panakot ko sakanila at agad naman silang napatili, ngunit pinagtawanan lang din ako kalaunan
"Aaaah! Hahahaha!"
"Berta halimaw! Berta halimaw! Berta halimaw!" Panunukso na naman nila.
Binilisan ko nalang ang aking paglalakad at hindi na sila pinansin pa.
Nang makarating ako sa school ay napamura ako sa aking isipan nang makita ang barkada nina Juan at Pedro.
"Oh shet! Babaeng ke-ganda ang paparaan sa ating harapan! Aking mga kaibigan aking puso'y inyong protektahan at ating mga mata'y ating takpan pagka't nandyan na sya! Ang babaeng ipinaglihi sa pakwan! Wahahaha" mapang-asar na sabi ni Juan na nasundan naman ng tawanan.
"Tingnan nyo guys, yung mga buto ng pakwan dumikit sa mukha nya. Hahaha!" Giit naman ni Pedro.
Napayuko nalang ako sa hiya pero napatingin pa ako kay Isko na sakto ding napatingin saakin. Yey! Kinikilig akeee
Simpleng tao lang naman ako na may simpleng kalooban. Mabilis akong makamove-on sa mga pang-aasar nila at higit sa lahat hindi naman talaga ako hurt sa pinagsasabi nila dahil bukod sa totoo naman ang pinagsasabi nila ay sanay na rin ako.
Pagka-pasok ko ng room ay agad nila akong pina-upo. Magsisimula na daw ang meeting.
Pumasok na ang president namin at tumayo sa harap.
"So since gagraduate na tayo next week, it means magkakahiwa-hiwalay na tayo at dahil dyan gusto kong gumawa muna tayo ng something memorable. So kayo lahat invited sa bahay ko! Magpaalam na kayo sa mga parents nyo na mag-oovernight kayo sa bahay! #pajamaparty!" Anya at napapalakpak naman ang lahat
"Wait! Why not magbonding nalang tayo sa isang resort para naman MAS memorable at ENJOYABLE!" Singit ng Vice pres
Mas maraming sumang-ayon sakanya. Nagtaas naman ng kamay ang pres.
"Guys! Remember, it is a strict rule of our adviser well more likely of the whole school na bawal mag-outing ang mga graduating dahil mas malapit tayo sa disgrasya."
Sumang-ayon naman ang karamihan. Ibinagsak ng pres namin ang kamao nya sa teacher's table na naglikha ng napakalakas na tunkg kaya natahimik ang lahat.
"So itbs final! walang maga-outing. Tapos!" Anya at lumabas na ng room ganin narin ang iba ko pang mga kaklase.
Nanatili ako sa room at ang iba rin kasama na ang vice.
"Gusto nyo bang sumubok ng something exciting?" Tanong ng vice at napangiti naman ang mga naiwan sa room.
.
.
.Dose kaming lahat na napasama sa planong outing ng vice. Ang sabi nya pupunta daw kami sa napakagandang lawa na nasa gitna ng gubat.
"Panget pakibitbit nga nito!" Sigaw ng leader ng cheerleading squad at ibinato sakin ang napakabigat nyang backpack.
"Hey panget akin na tong tubig mo ah?" Sabi naman isa kong kaklase at kinuha lang ng bigla ang mineral water ko at ininom.
Minsan ang sarap ding gumanti eh.
"Akin na yan." Sabi ni Isko at kinuha ang bag na dala ko at sya na mismo ang nagdala.
"Ah eh t-thanks." Sabi ko at kinilig na naman ng todo pero agad din namang nawala nang may yumakap sa braso nya.
BINABASA MO ANG
Tindig-Balahibo (MyCompilationOfHorrorStories)
HorreurAng mga story po dito ay mga horror na aking gawa-gawa at yung iba namang story dito ay binase ko sa totoong buhay :D