Anna
First Day of school na ngayon at 3rd year Highschool na ako. Nangdito pa kami ngayon sa classroom namin at pinapakopya kami ni Teacher ng schedules namin at kung ano ang mga room numbers kada sunject namin
"Those who finish copying you can go to your second subject now"
"Teacher san po ba tong room no.6?" tanong ni ewan sino sya
"tanga yung pinakahuling classroom malapit sa tapunan ng basura ng school, yun ang room no.6!" sagot naman ng isa ko pang kaklase
"ah yun ba yun? ibig sabihin magiging adviser pala natin si Ms. Dellia!" sabi ng isa ko pang kaklase
Buti nalang talaga at naging kaklase ko yung kaklase ko rin last year kasama na dun ang mga barkada kong sina Tisha, Sabina, at Yulla.
"Tara na Anna dalian natin para sa unahan tayo maka-upo" sabay hila sakin nilang tatlo
Pagdating namin dun ay agad kaming nagsi-upuan lahat at syempre magkatabi kaming tatlo
Pumasok si Ms. Dellia at tumayo sa harapan habang may hawak na notebook. Kilala talaga dito sa school si Ms. Dellia sya ata ang pinakamagandang teacher sa school maputi, matangkad at sexy kaya nga lang masungit at napaka-istrikto daw nito pagdating sa mga rules sa classroom nya
"goodmorning students I am Ms. Dellia and i will be your TLE teacher but since it's our first day of school hindi muna ako magdi-discuss about TLE but i will discuss about my rules and regulations in my classroom " Masungit na sabi nya samin
"My very first rule is wag na wag kayong magse-selfie, Groufie, basta walang magpapapicture-picture sa loob ng classroom ko!"
"but why naman Ms. Dellia?" tanong ni Sabina na mahilig mag selfie
"Break my rule and you'll know but im warning you all baka hindi na kayo pumasok pa sa class ko once you'll know" Sagot naman ni Ms. Dellia habang tinitingnan kami ng seryoso at Nagsimula na ulit syang magsabi tungkol sa mga rule at regulations nya
"bakit kaya no?" bulong sakin ni Yulla
"ewan ko magtanong nalang tayo sa mga seniors" sagot ko naman
"oo nga no segi-segi mamaya"
"ok that's all class dismiss" sabi ni Ms
At dali-dali kaming nagsi-alisan na at dahil recess ang kasunod na subject ay bumili na kami ng mga pagkain sa cafeteria at kinain ito sa bench
"ang weird ng rule ni Ms.Dellia" sabi ni Tisha
"oo nga pero walang makakapigil saking magselfie if ever na wala sya sa room no" sabi naman ni Sabina
"naalala ko lang Anna magtanong ka na sa mga kakilala mong seniors" Yulla
"Ok wait" Tumingin muna ako sa paligid at yun nakita ko si Bogs ang kapitabahay ko
"hoy Bogs!" tawag ko
"hi Anna anong kailangan mo?"
"teacher ko kasi si Ms. Dellia sa TLE subject namin alam mo ba kung bakit bawal kumuha ng litrato sa room nya? ang weird lang kasi eh"
"hindi ko alam pero itong si Jako alam nya siguro homeroom teacher nya si Ms. Dellia"
"Wag na wag talaga kayong kumuha ng picture kahit saang sulok ng room no.6 Anna! mukhang may sumpa ata kasi ang room na yun!"
"bakit nga?" tanong ko
"kasi kahit sang sulok ka magpapicture, may mangpho-photobomb na mga multo sa picture mo!"
"hahahaha! Jako kalalaki mong tao naniniwala ka sa multo! pinagloloko mulang ata ako eh maiwan ko na nga kayo dyan!" sabi ko at tumakbo pabalik kina Yulla
Sinabi ko sa kanilang tatlo ang nalaman ko mula kay Jako at syemnpre tumawa lang sila at hindi naniwala well except kay Tisha na naniniwala sa multo.
Two weeks na at wala ngang napapapicture sa classroom nato ni Ms. Dellia pinagkalat kasi ni Yulla at Sabina ang sinabi sakin ni Jako, yung iba kong classmates ay naniwala yung iba rin hindi.
Kasalukuyang nagdi-discuss si Ms. Dellia ng pinatawag sya sa faculty urgent meeting daw pero hindi nya kami pinalabas ng room mabilis lang daw kasi ang meeting pero 30 minutes na at hindi parin sya bumabalik ang boring tuloy -___-
"Guys! group picture tayo!" sigaw ni Sabina sa buong klase habang nasa harapan sya. Nagsitayuan ang mga classmates ko at pumunta sa harap ako rin papahuli ba naman? yung ibang kj hindi sumali naniwala kasi dun sa sabi-sabi
Kanya-kanya na kaming possing lahat at si Tisha ang pina hawak ng camera dahil ayaw nyang sumali
"1.2.3 CLICK"
"picturan mo pa kami ng tatlong beses" sabi ni Sabina
"o-ok" sagot ni Tisha
"CLICK. CLICK. CLICK"
Papalapit na sana kami kay Tisha para tingnan ang mga litrato sa Cellphone ni Sabina pero bigla nalang namutla si Tisha habang nakatingin sa screen at dali-daling binigay ito kay Sabina at umalis ng room
"anyare sakanya?"
Sabay-sabay kaming tumingin sa cellphone at tumindig ang aking balahibi at ramdam ko ang pamumutla ko, ako na ang nagtuloy sa pagswipe sa screen upang tingnan ang iba pang picture namin at lahat nga ng picture ay may kasama kaming tatlong batang babae na naka-uniporme at duguan ang mga mukha at sa pagswipe ko sa isa pang picture ay... isang selfie ni Sabina at sa likod nya ay dalawang lalaki na duguan ang leeg
Sinwipe ko ulit
''AAAAHHHHH!!!"
Sigaw ng mga jejemon kong kaklase picture na pala ng isang lalake na naka topless at may six pack abs ang bumungad samin
A/N: Pramis di na echos ang susunod na update ko sa inyo XD paki-click rin po yung star
Di ko na to inedit
COMMENT and VOTE?
![](https://img.wattpad.com/cover/27549131-288-k69892.jpg)
BINABASA MO ANG
Tindig-Balahibo (MyCompilationOfHorrorStories)
HorrorAng mga story po dito ay mga horror na aking gawa-gawa at yung iba namang story dito ay binase ko sa totoong buhay :D