Pabango

675 21 4
                                    


MAJIE

Habang kumakain kami ng mga kaibigan ko sa isang restaurant ay nag-excuse muna ako sakanila upang mag-cr

Pagpasok ko sa cr ay may nakitang akong babaeng nakatayo at nakaharap lamang sa malaking salamin ng cr hindi ko nalamang sya pinansin at pumasok sa isa sa mga cubicle ng cr

Paglabas ko ng cubicle ay nandon parin ang babae at nakaharap parin sya sa malaking salamin
Binalewala ko nalang ulet sya at kinuha sa bag ko ang aking make-up kit upang mag-retouch matapos kong makapag retouch ay wala paring movement na ginagawa yung babae kayat medyo kinilabutan ako sa kanya.

Papalabas na sana ako ng cr ng may maalala ako, bumalik ulit ako sa harap ng salamin at kinuha ang pabango ko at inis-pray ito sakin mga sampung beses ko itong inis pray at lumabas na ng cr pero bago pa ako makalabas ay nakita ko sa salamin na napatingin sakin yung babae.

Bumalik na ako sa table namin at napahaba ang usapan namin ng mga kaibigan ko kaya't naabutan kami ng alas-dose sa pagchichikahan. Napag desisyunan na namjng umuwi na kaya't kinuha kona ang bag ko na nasa gilid ko. Pagkuha ko nito ay kinilabutan ako sa nakita ko mula sa bintana . . .yung babae sa cr nasa labas ng bintana at nakatingin sakin na parang may sinisimot-simot

Pagka-uwi ko sa apartment ko ay linock ko lahat ng aming pintuan dahil sa kilabut na naramdaman ko mula dun sa babae feeling ko tuloy napaparanoid na ako. Nakahiga na ako ngayon sa aking at nakatulog na.

Unti-unti ako nagigising dahil feeling ko may mabigat na nakadagan sakin at parang may umaamoy-amoy sa akin *tseeek* biglang nag flash sakin yung babae sa cr kaya't napamulat ako ng aking mga mata at ganun nalang ang takot at pagkabigla ko ng nasa harap ko ang mukha ng babae sa cr! Nakadagan ito sakin at inaamoy-amoy ako!

. . .

Minulat ko ang aking mga mata at napabangon umaga na pala?
Pumunta ako sa aking mumunting kusina at uminom ng tubig at don ko lang naalala ang nangyari kagabi

''Sana panaginip lang yun'' ani ko sa aking sarili

May naramdaman akong hangin sa gilid ng leeg ko at-

''Hindi panaginip yun''

Pagtingin ko sa aking gilid ay nangdun ang babae sa cr

"Ahhhhhhhh!" Sumigaw ako sa takot at mabilis na tumakbo palabas na aking apartment

''Masusundan kita kahit san ka pumunta'' narinig kong sabi ng babae sa aking isipan kaya't habang tumatakbo ako ay nakatakip ang dalawa kong kamay sa aking dalawang tenga at sumusigaw sigaw

''Ate palimos po''

Hindi ko pinansin yung batang kalye at tumakbo papunta sa bahay ng aking kapatid na malapit lang din naman

''Ay baliw'' ani ng batamg kalye sa kanyang sarili habang sinusundan ng tingin ang babaeng tumatakbo at pasigaw sigaw pa habang nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tenga nito.

Nang makarating ako sa bahay ng aking kapatid ay agad akong nitong tinanong kong aning nangyari sakin kaya't sinabi ko sakanya ang buong pangyayari mula sa kung san ko unang nakita yung babae at hanggang sa yung nangyari sa apartment ko kanina

Naniwala naman sya sakin at sinabing dito nalang daw muna ako mag-stay

Gabi na at nakahiga ako sa kama, wala ngayon ang aking kapatid dahil isa syang call center agent at trabaho nya ngayon kaya ako na naman mag-isa

Nagising ako dahil sa tunog na naririnig ko lumabas ako ng kwarto at bumaba sa hagdan pagbaba ko ay may kumakatok pala sa front door pagtingin ko sa orasan ay alas tres na ng umaga kaya't sino naman kaya ito? Hindi naman pwedeng ang kapatid ko ito dahil 6 am pa ang labas nya sa trabaho.

Sa takot na baka ito yung babae sa cr ay umakyat nalang ako pabalik sa kwarto at sinirado ang pinto pero pag harap ko ay halos mahimatay ako dahil ang mukha ng babae sa cr ang tumambad saakin

''Hindi mo ko pinagbuksan kaya't lumitaw nalang ako dito'' ani nya sa isang nakkatakot na boses

Kunti nalang talaga at mahihimatay na talaga ako sa takot at baho ng hininga nya!

''Ahhhhh!'' sumigaw ako at tumakbo palabas pababa na sana ako pero nasa baba sya ng hagdanan at nakatingin sakin

''Sandalilangggg Majieeee'' tawag nya sakin

pero lalo tuloy akong natakot kaya pumasok ako ng cr pagkalock ko ng pinto ay humarap ako at tumambad na naman sakin ang mukha ng babae hindi na ako nakagalaw pa sa labis na takot.

''Bakit kaba tumatakbo sakin? Itatanong ko lang naman kong anong name ng pabango mo?!" Tanong neto sakin sa

So yun lang pala ang kailangan nya sakin? Shet tong multong to. Hindi ko na pa kinaya at nahimatay ako sa cr at binalewala ang toilet bowl na paglalandingan ng mukha ko

Babae sa CR's POV

''H-hoy! Wag kang mahihimatay anong name ng pabango mo at san mo yu-''

Ewww hindi na ako nakatapos pa ng pagtatanong sakanya dahil nahimatay na sya at naglanding ang mukha nya sa toilet bowl ewww

Parang magtatanong lang naman ako nahimatay agad, , ,makabalik na nga don sa cr sa restaurant at baka nangangamoy na ang bangkay ko dun sana may makakita na


VOTE and COMMEMT

Tindig-Balahibo (MyCompilationOfHorrorStories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon