Kagigising lang ni Helen naghugas sya ng mukha at nagsuot ng jacket mga ala-sais pa naman at dahil wala syang trabaho ngayong araw ay tatambay nalang sya mamaya sa bahay ng kaibigan nya kesa naman sa magmukmuk sya sa apartment nya.Lumabas muna sya para kumain ng umagahan sa kerinderyang nasa gilid lang rin ng apartment na inuupahan nya. Umupo sya sa stole at umurder ng pancit canton. Habang kumakain ay pansin nyang may nangangamoy sunog pero binalewala nya lang iyun at bumalik sa pagkain. Isang maingay na tunog nanggagaling sa bombero na dumaan ang bumulabog sa mga chismusang tindera sa karenderya.
"hala saan kaya ang sunog?"
"ay ikaw muna bahala dito susundan ko lang kong san yung sunog"Tumayo naman si Helen at ibinalik sa tindera ang plato nya. Aalis na sana sya ng makuha ng atensyon nya ng isang batang babae na nakatayo sa likod ng stole na kinauupuan nya kanina. Nakasuot ito ng pulang damit at nakapaa lang madumi rin ang mukha nya.
"uy bata asan mga magulang mo?" tiningnan ako nito at ngumiti
"ako ba kinakausap mo ate?"
''sino pa ba? tsk oh bumili ka ng umagahan mo" sabi ni Helen at binigyan ng bente pesos ang bata matapos non ay pumasok na ulit sya sa apartment nya at naligo. Nang makabihis na sya ag lumabas na sya para pumunta sa bahay ng kaibigan nyang si Jojie. Paglabas nya ng apartment ay nakita nya sa labas ang bata kanina nakatayo ito at nakangiti habang kumakaway sakanya. Tinanguan nya lang ito at naglakad pero sumunod sakanya ang bata.
"sinusundan mo ba ako?" istrikta nyang tanong. Umakto namang hindi nakarinig ang bata at tumingin sa ibang dereksyon habang kinakamot ang ulo nito na tila natatawa.
Binalewala nalang ito ni Helen at nagpatuloy sa paglalakad. Nakarating sya sa bahay ni Jojie at kumatok sa pintuan.
HELEN'S POV
"yo! bessyyy sabi ko na nga ba pupunta ka dito bilis pasok ng makapagsimula na tayo sa chikahan natin!" sabi nito sakin pero napakunot agad ang noo nito.
"sino yang kasama mo?" tanong nya napatingin naman ako sa likod ko at andun yung batang babae at nakangiti na naman.
"hoy ba't mo ko sinundan?! wala akong balak ampunin ka ah umuwi ka na sainyo'' sabi ko
Sakto namang dumagundong ang langit at nagsimulang umulan.
"Ays bilis pumasok kayo ikaw rin bata baka magkasakit ka!" sabi ni Jojie at pumasok nalang rin yung batang babae. Pagpasok namin ay naghanda ng mainit na kape para samin si Jojie.
"oh itong gatas para sayo" sabi nya dun sa batang babae.
"ate Helen!!! maglaro tayo mamaya-" sigaw ng kakababa lang na bunsong kapatid ni Jojie na si Angela na napatigil sa sasabihin nito at namutla.
"ba't mo sya kasama? ba't nyo sya pinapasok sa bahay?" tila natatakot na tanong nito at halos maiyak na. anong nangyayari sakanya?
"magkakilala ba kayo Anjela?" tanong ko
"k-kaklase ko sya. aaaaah!!!" bigla itong sumigaw at
tumakbo muli paakyat ng hagdan"anong nangyari sakanya?" tanong ko kay Jojie
"jeez pabayaan mo na yun mga bata ngayon kong ano-ano na ang drama sa buhay. By the way good thing at umulan"
"bakit naman?" tanong ko habang humihigop ng kape
"kasi may nasusunog daw na palengke sa kabilang bayan masyado daw malaki ang apoy kanina pa ngang mga 6:30 daw yun nagsimula pero hanggang ngayon hindi parin natatapos pahirapan daw tas kumakalat daw ang apoy sa mga kabahayan"
"san mo naman nalaman yan?"
"sa fb! pati nga yung bombero natin dito tumulong narin dun"
"anong palengke ba yan?"
"Balikitan Public market" sabi naman ng batang babae kaya napatingin kami sakanya.
"ba't mo alam?" tanong namin ni Jojie ng sabay
"galing ako dun eh" galing sa pagkakayuko ay inangat nito ang mukha nya at hinawi nya ang buhok nyang nakatakip sa kabilang mata nya pero ng hawiin nya ito ay wala syang mata at kita na ang buto nya sa mukha at ang balat nyang tila natosta sa pagkakasunog.
"aaaaaaah!" napasigaw kami ni Jojie pero napagikhik lamang ang batang babae at tumayo at naglakad papalapit samin...
A/N: ayan ginanahan ulit akong magsulat btw sa mga may time jan pakibasa naman ang new story kong "The Reaper's Note" oh wala pa kasi kahit ni-isang reads...
Vote na din po XD
unedited
![](https://img.wattpad.com/cover/27549131-288-k69892.jpg)
BINABASA MO ANG
Tindig-Balahibo (MyCompilationOfHorrorStories)
TerrorAng mga story po dito ay mga horror na aking gawa-gawa at yung iba namang story dito ay binase ko sa totoong buhay :D