Haunted Clinic ata?

173 5 0
                                    

''Hala Carmin at Zaya alam nyo bang may nagmumulto daw dun'' pananakot ni Rain kau Carmin at Zaya na syang naatasang maglinis sa clinic kada hapon bago ang uwian.

''Tumigil ka nga jan Rain tinatakot mo lang kami eh!''

''Wag ka ngang manakot jan hmph!"

''Girls tama na ang chikahan! Gi to your assign areas now!" Sita sakanila ng kanilang guro agad namang nagsitakbuhan ang tatlo. Pumunta na si Rain sa classroom upang maglinis habang sina Carmin at Zaya naman ay naglalakad pa papuntang clinic dala-dala ang mga gamit panglinis. Malayo kasi ang clinic sa room nila kaya kailangan pa nilang maglakad ng ilang minuto may kalakihan rin kasi ang school nila.

''Bakit pa kasi tayo ang na-assign maglinis ng clinic? Matatagalan tayo nito sa pag-uwi eh'' reklamo ni Zaya

''Oo nga eh! Buti pa sa classroom tayo na-assign no? Kasi pwede pa tayong tumakas at makaka-uwo pa tayo ng maaga'' reklamo naman ni Carmin puro reklamo lang ang kanilang punag-uusapan hanggang sa makarating sila sa clinis naabutan pa nilang papalabas ang school nurse na si Nurse Ann.

''Hi Girls? Kayo ba ang na-assign na maglinis sa clinic sa buong school year?" Tanong ni Nurse Ann

''Po? Buong school year?!!" Sabay na tanong ng dalawa hindi kasi nila alam na buong school year sila maglilinis ng clinic

''Ow mukhang hindi kayo nasabihan ng teacher nyo ah, Pagkatapos nyong maglinis isara nyo na ang clinic nga pala ito na ang susi '' sabay abot nya ng susi kay Carmin

''Ang malas naman'' bulong ni Zaya na narinig naman ng nurse

''Ok aalis na ako goodbye'' nakangiti nitong paalam at naglakad na palayo pero huminto muna ito at sinabing

''Matatakot kayo!" At tsaka tumakbo palayo. Naiwan namang naguguluhan ang dalawa.

Nagsimula ng maglinis ang dalawa si Carmin ang nagwawalis ng sahig at nagpupunas ng bintana habang si Zaya naman ang naglilinis sa loob ng cr. Masyadong tahimik ang paligid kaya naman nagsimulang makipagkwentuhan si Carim kay Zaya na nasa loob ng Cr habang naglilinis sila.

''Uy Zaya bakit kaya studyante ang pinaglilinis ng cr no? Asan ba si Mang Ado yung janito ng school?"

''Hindi ko na nakikita sa school si Mang Ado eh baka umalis na kasi matanda na rin kaya yun tapos baka tayo ang pinaglilinis kasi walang nahahanap na bagong janitor''

''O baka naman nagtitipid ang school kaya students ang pinaglilinis'' biro ni Zaya kaya napatawa nalang silang dalawa

''Nga pala Zaya bakit nakabukas yang pinto ng cr pano ka nyang makakapaglinis ng maayos?"

''Shunga mo naman kaya bukas to ay para marinig kita haha''

''Ang sabihin mo takot ka''

''Hindi no!"Kwentuhan lang ng kwentuhan ang dalawa habang naglilinis hanggang sa matapos sila.

''Dali i-lock mo na ng maka-uwo na tayo'' sabi ni Zaya ng matapos na nilang ilock ang pinto ay tumalikod na sila upang umuwi ngunit napatigil sila ng may narinig silang nabasag parang galing iyun sa loob. Dali-dali namang binuksan ulit ni Carmin ang clinic at inon ang switch ng ilaw at doon nakita nilang nahulog ang mga grapon ng gamot.

''Pa-paano yan nahulog? Or should i say Sino ang naghulog nyan? Eh nasa loob yan ng cabinet?" Tanong ni Zaya.

Nagkatinginan ang dalawa parehong kinakabahan pero isinantabi mona nila ang kaba nila at dali-daling iniligpit ang mga basag.

• • • • • • • • • •

Kinabukasan dahil nakay Carmin ang susi ng clinic ay sya rin amg magbubukas niyo tuwing umaga dahil hindi pa dumadating si Zaya ay nagpasama muna sya kay Rain.

''Carmin pewdeng gamitin ang cr naiigi ako eh!" Tumango lang si Carmin at hinintay si Rain

Nang buksan ni Rainang pinto ay inasar nya si Carmin sa nakita sa loob ng cr

''Hoy Carmin! Kayo ah hindi kayo marunong maglinis at talagang rinumihan nyo pa ang cr kayo ah balak nyo sigurong mapagalitan ni maam para iba nalang ang i-assingn ni maam maglinis ng Cr?"

Naguluhang lumapit naman si Carmin kay Rain at tiningnan ang loob ng Cr at doo'y nanglaki ang mata nya!
Siguradong syang napakalinis ng Cr kahapon at chineck nya pa nga nila ito bago nila isara ang clinic! Paanong nagkaroon ng mga yapak ng putik sa tiles na sahig at panong nangyaring may mga putik rin sa pader?

''R-rain napakalinis pa nyan kahapon! Panong naging napakadumi?"

''A-ano so h-hindi kayo ang may gawa nito?" Kinakabahang tanong ni Rain

Napatingin sila sa pinto ng clinic ng bigla itong malakas na sumira agad silang tumakbo para buksan iyun ngunit ayaw bumukas! Gumalaw-galaw lahat ng gamit ng animoy linilindol nagsisigaw na silang dalawa at tuluyan ng napa-ihi si Rain.

''Aaaaahhh!" Sigaw nila lalo silang natakot at halos mahimatay ng biglang unti-unting may lumalabas na kamay sa cr maputla ito at maraming sugat

''Oh my Lord!!!" Sigaw ni Rain

Mabuti nalang at bumukas na ang pinto kaya naman mabilis silang tumakbo palabas nasalubong pa nila ang nurse na si Ann na nakatalikod. Hinawakan ito ni Carmin habang halos yakapin na ito ni Rain sa takot napakalamig ng braso ng nurse

''Nurse Ann! Ma-may ano dun sa clinic-'' hindi na naituloy ni Carmin ang sasabihin ng makita ang mukha ng nurse! Isang babaeng napakaputla at puro itim ang mata at tila wasak ang bibig nito!

''Aaahhh!" Sigawan ulit ng dalawa at nagtatakbo palabas ng school napatingin na nga sakanila ang ibang mga istudyante at may humahabol pa sakanilang teacher upang itanong kung anong problema

''Rain! Carmin! Hintayyy!" Sigaw naman ng tumatakbong si Zaya

Napatigil sa pagtakbo ang dalawa at tulala at namumutlang tumingin kay Zaya

''Anyare sainyo?" Takang tanong ni Zaya

''Guys magta-transfer ako ng ibang school'' sabi ni Zaya pero tahimik at nanginig pa ang dalawa

''Kasi kahapon lang naka-usap ko si Mang Ado at Nurse Ann p-pero kanina lang narinig ko mismo na sabi ng ibang teacher na isang linggong patay na pala sina Mang Ado at Nurse Ann! A-at sa loob ng clinic nakitang wala ng buhay si Mang Ado at ng sumunod daw na araw ay nakita ring walang buhay si Nurse Ann sa loob ng clinic''

At dahil sa sinabi ni Zaya ay feeling ng dalawa ay lumabas ata ang kaluluwa nila.


•••••••••


A/N: parang ang panget nito eh? XD Muntikan ko ng makalimutang mag-ud na hook kasi ako ng Attack on Titan! Ang ganda pramis! Sinong mahilig sa anime? Try nyong panoorin patatawanin at papaiyakin kayo nito...
Nga pala thank you sa pinaka-unang nagvote ng previous chapter na Radyo :D ang saya ko lang haha!

Tindig-Balahibo (MyCompilationOfHorrorStories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon