Hapon na at saktong labasan na ng mga estudyante. Ipinarada na Dante ang kanyang tricycle sa gilid ng daanan at naghintay ng mga pasahero.
"totoo pala talagang may namatay na student kahapon"
"talaga?! Anong sanhi?"
"naglalakad daw pauwi sa gilid ng daan sa may tulay ng may humaharorot na tricycle ang dumaan sa gilid nya kaya ayon nagulat daw yung studentyante at nahulog sa tulay"
Dinig ito ni Dante nais nya pa sanang makinig sa usapan ng dalawa dahil narin sa kanyang kachismoso-an ngunit napuno na pala ang kanyang tricycle at ready to go na kaya't wala syang nagawa kundi ang paandarin na ang kanyang tricycle.
Sa sumunod na araw hindi nakapamasahero sa paaralan si Dante dahil maraming pasahero sa palengke at mas malaki ang bayad ng mga galing sa palengke kesa sa mga studyante. Gabi na at papauwi na sana si Dante ng mapadaan sya sa paaralan at nakita ang dalawang babaeng studyanteng nakatayo sa labas ng gate. Ang isa ay nakasimangot na naka-eyeglasses at ang isa naman ay mahaba ang buhok at natatabunan ng mahabang bangs ang mga mata nito at tila basa pa ang uniporme at buhok nito. Malamang ay nabasa ito dahil umulan ng malakas kani-kanina lang sa isip-isip ni Dante.
"sasakay ba kayo?" tanong nya sa dalawa. Nangunot ang noo ng babaeng naka eyeglasses.
"ako lang po" sagot nito at sumakay sa tricycle akala ni Dante na isa lang ang sasakay pero sumakay rin pala ang isang babae at tumabi pa sa babaeng naka-eyeglasses.
Pinaandar na nya ang kanyang tricycle at habang nasa byahe ay litong lito si Dante kung bakit kinakabahan sya ng walang dahilan.
"bakit ang tagal nyong umuuwi sa inyo gabi na alam nyo naming maraming loko-loko dyan mabuti nalang at dumaan ako at nakasakay pa kayo" sabi nya sa dalawang pasahero
"Dumaan po muna kasi ako bahay ng untie ko kanina kaya natagalan ako tsaka napabalik ako sa harap ng gate ng school kasi nasanay akong palagi kaming sabay umuwi ng bestfriend ko eh nakalimutan ko kasing wala na pala sya" sagot ng babaeng naka-eyeglasses at tila iiyak na anomang Segundo.
"dito lang po ako" Tumigil sa harap ng isang bahay ang tricycle ni Dante nag-abot ng bayad ang babae at bumaba ngunit nagreklamo si Dante.
"teka! hindi pa nagbabayad sakin yang kasama mo"
"po?"
"yang kasama mong parang basang sisiw na maputla hindi pa nagbabayad"
Nanlaki ang mata ng babaeng naka eyeglasses at mahinang napahakbang ng patalikod.
"a-ako lang po mag-isa ang sakay nyo manong a-anong pinagsasabi nyong kasama ko" maluhang banggit ng babae
"tumigil ka nga wag mo kong pinagloloko-" hindi naituloy ni Dante ang sasabihin ng mapagtanto ang lahat.
Ang isang pasahero nya palay ang studyanteng namayapa na, na bestfriend ng babaeng nakaeyeglasses. Napatingin rin sya sa isang bahay na may nakaburol. Nalaman nya ito dahil sa kachismoso-an nya at talagang nag research talaga sya tungkol sa studyanteng nahulog sa tulay sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga tao sa palengke at sa mga teachers sa paaralan na minsay sumasakay sakanya.
"a-ang bestfriend ko sinabayan nya akong umuwi" hagulgul ng babae na patuloy sa paghakbang ng nakatalikod. Napatakip pa ito ng mukha dahil sa kakaiyak at ang isang kamay nitoy nakalagay sa dibdib nito....masyandong madrama ang batang to sa isip-isip ni Dante
"teka bata wag kang masyadong OA baka-" hindi naituloy ni Dante ang sasabihin dahil nahulog na sa kanal ang babae. Huli na, babalaan nya kasi sana itong may kanal sa likod nito.
A/N: Long time no write ilang buwan na bang hindi ako nakaka-ud haha last week may proj kami na sumulat ng lovestory by pair ako sumulat kaya ito ginanahan narin akong magtype ulit sa watty :D
BINABASA MO ANG
Tindig-Balahibo (MyCompilationOfHorrorStories)
TerrorAng mga story po dito ay mga horror na aking gawa-gawa at yung iba namang story dito ay binase ko sa totoong buhay :D