Isang araw dumating ang tyahin ni Boy galing sa Siquihor na may dala-dalang larawan ng isang payaso na naka-smile. Isinabit iyun ng tyhain nya sa sala nila. Gusto sanang magreklamo ni Boy na wag dyan isabit dahil kinikilabutan sya sa larawan ng payaso, ngunit di nalang sya nagreklamo at baka masabihan pa syang bakla.
"Ba't nyo naman po yan binili Tyang?" tanong ni Boy. klarong-klaro parin sa pananalita na di nya gusto ang larawan
"ikaw talaga di ka marunong mag-appreciate ng art, tingnan mo oh ang ganda ng pagkakapinta parang totoo!"
"San nyo naman po nabili yan?"
"ay dun sa isang peryahan sa Siquihor"
Matapos ng maikling usapan nila'y nagpahinga na ang kanyang tyahin at iniwan sya sa sala. Naka simangot namang tinititigan ni Boy ang larawan. Mukhang ayaw nya talaga sa payasong nasa larawan, kilabot ang agadang nararamdaman nya sa tuwing nakikita ang larawan.
Nang gabing iyun ay nagmo-mop ang kasambahay nila sa sala, pupunta sana ito sa kusina ng bigla itong madulas sa sala.
"Hahaha" Tumindig ang balahibo ng kasambahay nang marinig ang tawa dahil sa pagkaka-alam nya'y sya lang ang gising sa sandaling iyon!
. . . . . . . . . . . .
Pagsapit ng hating gabi ay bumaba si Boy galing sa kwarto nya dahil naiihi sya, wala kaing cr sa taas. Pagdating nya sa sala ay nagsimulang magpatay sindi ang mga ilaw mas lalo tuloy syang naihi dahil sa takot kaya kahit takot ay pumunta parin sya sa Cr at binalewala ang pagpatay-sindi ng mga ilaw. pagkatapos nyang mag-banyo ay kumuha muna sya ng mga chichirya at isang baso ng gatas sa ref. Dala-dala ang mga pagkain ay madadaanan nya na naman ang sala, Ngayo'y lampshade lang ang naka-sindi sa sala. Hinay-hinay ang mga hakbang ni Boy nang marinid nya ang talbog ng mga maliliit na bola hindi nya mawari kung san galing ang tunog. Biglang nagpatay sindi ang mga ilaw!, nanginginig na sya at natatapon na ang gatas sa sahig.
"aaaahhhh!" napahiyaw na sa takot si Boy ng biglang may mga maliliit at makukulay na bola ang tumatalbog-talbog sa harapan nya
"segi matakot kaaa hahaha!" sabi ng isang matinis ngunit nakakakilabot na boses
"Aaaaahhhhh!" Binitwana nalamang ni Boy ang mga chichirya at nagtatakbo papunta sa kwarto nya
Napalingun naman muna sya sa larawan ng payaso na nakasabit sa pader ng sala. Ramdam nyang lalo syang namutla nang makita nyang imbes na nakangiti lamang ang payaso ay ngayo'y nakabuka na ang bibig nito na animoy malakas na tumatawa! lalo syang napasigaw sa nakita
Samantalang patuloy parin ang pagtawa na nanggagaling sa hindi malamang nilalang.
A/N: mahaba po sana ito pero kasi,,,gabi na at nakakakilabot magsulat ng horror lalo na't ako lang mag-isa sa SALA.... may part 2 sana kaso nalimutan ko po yung idudugtong ko :(
Di ko ulet inidet XD
![](https://img.wattpad.com/cover/27549131-288-k69892.jpg)
BINABASA MO ANG
Tindig-Balahibo (MyCompilationOfHorrorStories)
HororAng mga story po dito ay mga horror na aking gawa-gawa at yung iba namang story dito ay binase ko sa totoong buhay :D