Chapter 21 - Caramoan

1K 21 1
                                    

Agatha Whistleton

 

“Eh Dalian nyo na! Ang bagal bagal naman.” Reklamo ni SDavannah habang bitbit ang kanyang ahnd-carry na bag.

“Shut up Sav! What’s with rush?” Iritang tanong ni Niquee sakanya.

“Oh girl, I’m just excited.” Nakangising sagot nya.

Halata naming excited sya eh.

“Finally! It’s sem breaaaaaak!” Nakangiting sabi ni Seira habang nakaupo sa kama ni Yui.

“As if naman na nag-aral ka nung first sem.” Sabi sakanya ni Yui.

“Oo nga naman. Next sem ka pa mag-eenroll no.” kutya sakanya ni Kwin.

“Hoy ikaw nga Kwinibels, pareho lang tayong hindi enroll no, isali pa si Kaleb.” Oo nga pala tatlo silang late ng nakapasok ng Hentalia or I mean bumalik.

Dahil tapos na ang klase for first sem ay allowed ang mga estudyanteng magbakasyon outside the school pero katulad nuon, nagcast sila ng spell na hindi kami pwedeng gumamit ng magic sa labas at sa second week pa ng second sem naming magagamit ito. So bali one month akong magic free. Maganda na rin yon kasi nagsawa ako sa mga lesheng Alcovers na yon at ngayon ay magbabaksyon kami sa beach house nila Seira. Nung tinignan namen ito sa internet ay lahat kami ay namangha sa kagandahan neto at sabi ni Yui ay mas maganda pa daw ito sa personal dahil nakapunta na sya ditto.

“okay. Check na lahat ng dadalhin. Okay na ba kayo?” tanong samin ni Yui. Kinuha ko yung hand-carry na bag ko at hinila na palabas ang maletang dala ko.

“It’s one month dudes! We gonna find some hot guys” saad ni Niquee at nakipag-high five pa kay Seira.

“Pass ako jan. I have my Jackson na eh” parang buang na bata si Savannah habang kinikilig na sinasabing may Jackson na siya.

Minsan nakakainggit din pala. Bat ba ang late bloomer ko at ngayon lang ako nacurious sa love at nung nagkaron ng pagkakataon ay basted naman. Ah nakakainis talaga!

“Girl, muka kang baliw bat mo sinasabunutan ang sarili mo? Tara na nga.” Kwin clinged her arms on mine and we headed out. Katulad ng mga ibang estudyante, masaya rin kaming lumabas ng campus at sumakay sa mini bus na naghihintay samin.

“WHAT THE HELL?!” Biglang bulalas ni Niquee pagtapak  nya sa loob ng bus. Sya kasi ang unang pumasok.

“Why?” Tanong naman ni Savannah

“Anong ginagawa nila rito?” maarteng tanong ni Niquee sabay turo sa mga tao ata sa loob kaya nagsiakyatn na rin kami at nakita namen ang three idiots kasama si Kaleb at Jackson.

Napanganga kaming lahat maliban kay Seira at Savannah na mukang tuwang-tuwa pa.

“it’ll be fun!” Natatawang sabi ni Savannah na agad lumapit kay Jackson.

Wala kaming nagawa kundi humanap ng mauupuan. Katabi ko si Yui habang si Niquee ay si Peter ang katabi. Si Seira, Kwin at Kaleb bang nakaupo sa dulo at si Aiden at Brent naman ang magkatabi sa may unahan.

Inayos ko ang mga gamit ko before I close my eyes.

“Agatha… Gising na.. andito na tayo sa airport.” Minulat ko at kinusot ang mga mata ko. Tumayo ako at inayos ang damit ko bago inabot ang bag ko.

Bumaba na kami ng bus at kinuha yung maleta namen sa compartment ng bus. Nung kukunin ko na yung maleta ko ay nagulat ako ng iniabot to ng isang tao. Pagtingin ko ay si Aiden kaya agad na inagaw koi to sakanya at mabilis na kumapit kay Yui.

Mabalis kaming nagcheck-in sa airport ng flight papunta sa Naga dahil from naga ay magtatravel kami papuntang Caramoan island kung saan naroon ang beach house nila Seira and nasabi ko ba sainyo na kasama naming si Sir Carson dahil nga tito sya ni Seira.

Nagpunta kami sa may waiting area habang iniintay na tawagin ang flight namen ay kanya-kanya silang kwentuhan habang ako ay kinuha yung iphone ko at tinignan ang mga pictures namen ni Agate. Napangiti ako dahil kahit na ilang bwan ang nakakaraan ay nagkaron ako ng mga kaibigan dahil sakanya. Agate was my other half. Being stubborn is my defense mechanism to build a wall from others dahil alam ko sasaktan lang nila ako and Agate was there to keep me company but he was killed by that fucking damn Alcovers.

Napangiti ako ng Makita ang isang family picture. Mom and I have the same features wile Agate get his features from dad. I remember nung mga bata pa kami. We used to play word game dahil hindi ako nakikipaglaro sa mga bata sa labas. Naawa nga ako nun kay Agate dahil alam ko gusto nyang maglaro kasama ang ibang bata pero dahil sakin ay nalimitahan ito. Am I that bad? Masyado ba kong nagging selfish at nagging depende ako kay Agate?

“Ano ba Agatha? Kanina ka pa tulala. Kanina pa tinatawag yung flight naten. Ano? Tulala pa more? Sabi sayo tigil-tigilan mo ang paghithit ng medyas na tinapat sa tambutso eh” Asar sakin ni Niquee. Napangiti na lang ako at tumayo na mula sa pagkakaupo.

Pagkapasok namen sa eroplano ay si Seira naman ang nasa tabi ko. Nakaupo ako malapit sa bintana.

“Kamusta puso mo?” Biglang sabi ni Seira.

Ngumiti ako sakanya at lumingon ulti sa may bintana.

“I’m fine.” Tanging sabi ko sakanya.

Naikwento na rin nila sakin kung ano ang  lovestory ni Aiden at ni Ainah or Aria or whoever she is.

“okay ka lang ba talaga?” Tanong nya sakin.

“Honestly?” Balik tanong ko.

Tumango naman siya. Umayos ako ng pagkakaupo at huminga ng malalim bago magsalita.

“No. I’n not fine because even he’s mean to me, I still want him. He ignores me but why’d I still love him? I know he still love Ainah but It’s okay with me. I can still smile when all I want to do is cry. So tell me? Do you think I’m still okay?” Malungkot na sabi ko sakanya.

Akala ko talaga okay lang ako.

“Okay lang yan. Hahanap na lang tayo ng fafa sa samin. Maraming napapadpad na gwapo dun eh yung may ABS” natawa naman ako sa sinabi ni Seira kaya nawala ang badtrip ko.

“WOAH! Ang ganda!” namamanghang sabi ko. After ilang oras na pagtitiis sa byahe ay nakita ko na ang resulta. It’s worth the wait. Ang ganda ng beach house nila Seira. Naghahalo ang green and blue na kulay ng tubig dagat. Maputi ang buhangin at tahimik ang paligid.

May mangilan-ngilang tao pero okay lang.

Mas namangha ako pagpasok naming sa loob ng mansion nila Seira. Para kang napunta sa ibang bansa. Yung bahay nila ay may minimal design pero pagpasok mo sa mga kwarto ay iba-iba ang theme neto. Ang daming room ng bahay nila Seria at napaili naming dalawang kwarto ang gagamitin namen isa para sa mga babae at isa para sa mga lalaki. 

--

Sorry kung maikli lang. mamaya na ulit salamat sa pagbabasa.

Happy Birthday sayo ate Ysh! Happy Birthday sakin.

Secrets of Hentalia (Lemblin Series #1) MAJOR EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon