Agatha Whistleton
“I’ve been playing this damn game for the past 3months since the day that they resurrected me. You can’t sleep well, you need to be alert. It’s a survival game. You kill them or they kill you. The only thing that’s predictable is changed.” Seryosong sabi ni Agate habang inaayos ang kanyang bow and arrow. Kanina nung nagsimula syang pumana naisip ko na isa syang sharp shooter in terms of arrows dahil asintado nya lahat ng pana nya at marunong din syang gumamit ng baby arrow and split arrow.
“promise me that we’ll survive.” I said then they nod. Kumpleto na ang magical seven.
“Kung natalo ni Agate mag-isa, matatalo rin naten si –“ Biglang tumigil sa pagsasalita si Savannah ng biglang lumipad papunta sa kinalalagyan nya ang isang bakal na bola na may mabigat na spike. Mabuti na lang at mabilis nyang nasalag ito ng kanyang Ninja-to.
“Shit ang bigat non ah” Reklamo nya.
Parang isang impyerno para samin ang lugar na kinaroroonan namen ngayon dahil sa mga nakapalibot at umaatakeng Centaur at sa mga nagliliparang matutulis na bagay.
“Nagsurvived ka ditto Agate. Kaya nateng isurvive to.” Sabi ni Jackson.
Halos mapatalon ako ng biglang mag centaur na sumugod sakin at ngayon ay dumami pa sila. Bukod sa mga centaur na dumating ay may mga lumabas pang mga nakakadiring element.
“Geez, Kanima sucks.” Inis na banggit ni Peter.
Ang daming mga nakapaligid na mga kulay berdeng element samin na mukang ahas isama pa ang mga pamintang centaur.
“Ang gwapo mo naman pero sayang lang dahil papatayin pa rin kita.” Sabin g Centaur kay Brent bago ito sugurin. Hindi ko na matignan ang iba pa dahil katulad ko ay busy rin sila sa pakikipaglaban.
Habang pinapaulanan ko ng shuriken yung mga centaur ay di ko napansing may tumama pala saking pana.
Seriously? Isa ba kong arrow magnet?
Agad kong binunot ang pana sa may bandang hita ko.
Kinuha ko yung kunai ko at tumalon para pigtalin ang lubid na humahawak sa chandelier na nasa itaas namen.
“MOVE!” Sabi ko bago putulin ang lubid.
Agad itong bugmagsak sa lupa at may mga natamaang Kanima at centaur.
Pagbaba ko ay may sumalubong sakin na centaur at agad akong tinusok ng hawak nyang patalim. Masyado syang maliksi hindi katulad ng iba.
Agad kong iniharang yung kunai ko pero mabilis sya masyado kaya nadaplisan ako sa braso.
Yung pagkahiwa sa braso ko ay masyadong mahapdi. Parang may kung anong pumasok ditto.
Naghanap ako ng bagay na pwedeng itaas buti na lang nasa malapit lang yung tumamang bolang may spike kay Savannah kanina. Agad kong itinuon ditto ang atensyon ko at itinaas ito’t inihagis sa kalaban sa harap ko.
“I’ve got a plan!” saad ni Seira.
“Spill it.” Sabi ni Yui habang patuloy na pumapana.
After she spill the plan, we positioned ourselves pero napaisip ako dahil biglang nawala yung itim na pixie dust na humaharang sa galaw namen.
“This will be tough. We need to survived.” Saad ni Agate. Siguro dahil mas nauna nan yang maranasan to ay alam nya na ang ibang mangyayari.
Tuluyang nawala yung itim na pixie dust pero dumadami ang mga kanima sa paligid at mga centaur. Nakakadiri talagang tignan ang mga kanima kainis.
Sinubukan kong gamitin ang magics ko pero hindi pa rin ito gumagana kaya kumuha ako ng shuriken at sinimulang batuhin ang mga nasa harap ko.
“duck!” narinig kong sigaw ni Yui kaya agad akong yumuko.
Nakita kong napana nya yung ibang kanima sa harap ko.
Mabilis akong bumwelo para tumayo at tumakbo papalapit sa centaur na nagsisilbing leader nila. Naramdaman nya ata ang presensya ko kaya agad nyang nasalag ang pagtusok ko sana ng kunai sa may leeg nya.
Halos tumalsik ako sa kabilang banda ng kwarto dahil sa lakas ng pagsangga nya sakin.
Maliksi akong bumalik sa may kinatatayuan nya at inipon ang lakas ko bago ko sipain yung isang paa nya para mawalan sya ng balance.
Narinig ko ang pag aray nya gawa ng sakit na idinulot ko sakanya.
Lumayo ako sakanya bago nya pa ko mahagip at hinagisan ko sya ng shuriken.
Nagulat ako ng biglang lumitaw ang kadena ng manriki gusari ni Jackson at pumulupot ito sa kaliwang kamay ng kalaban ko.
Napatingin ako kay Jackson at ngumiti sakanya.
“NOW!” sigaw ni Seira.
Tumingin ako sakanila at nakita kong pinapalibutan na nila ako.
Mabilis akong umayos sa gitna nila.
We’ll buy our time to have our magics.
Ang sabi ni Agate kanina, babalik ang magic sa loob ng kwarto pag nagconcentrate. Kaya naisip ni Seira na hahaharangin nila ang mga kanima at Centaur para maibalik ko ang magic and spell namen.
“we only have short time. You’ll do it or we’re doomed.” Seryosong sabi ni Savannah.
Agad kong inilahad ang kamay ko at pumikit.
Hindi ko napag-aralan to pero parang kusang lumalabas sa bibig ko ang chants para maibalik ang magics samin. Halos wala na kong marinig at tanging paghinga ko na lamang ang naririnig ko.
Nagpatuloy ako sa pagchant hanggang sa makaramdam ako ng mainit sa katawan ko. Tiniis ko to dahil alam ko maibabalik rin ang pixie dust namen.
I tried harder to endure the pain and heat growing inside me.
Idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong lumulutang sa harap ko ang dalawang kwintas. Ang kwintas ko at ang kwintas ni Agate. Nagging isa to at nagkorteng susi. Kusa itong sumabit sa leeg ko. Biglang nawala yung init at sakit na nararamdaman ko hanggang sa Makita ko ang mga pixie dust na lumalabas sa braso at kamay ko. Iba-ibang kulay na pixie dust ang mga ito. Ibig sabihin, nasakin ang mga magic nila?
Nang halos gumaan na ang pakiramdam ko ay sinubukan kong bumuo ng magic ball sa kamay ko. Namangha ako sa nakita ko. Iba-ibang kulay na naghahalo sa magic ball. Iniangat koi to sa ere at dumami ito.
Looks can really deceiving dahil kahit sa sobrang ganda ng magic ball ay nakakasakit pa rin ito dahil inatake neto ang mga centaur at kanima.
Bumalik na sa kanya-kanyang tao ang mga pixie dust at nagsimula ng kumanta si Seira hudyat na magsisimula na ang totoong laban.
BINABASA MO ANG
Secrets of Hentalia (Lemblin Series #1) MAJOR EDITING
FantasyThis story is a work of fiction, Names, characters, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales are entirely coincidental. Started: Novembe...