Multimedia: Peter O'Hara
Agatha Whistleton
Today is Friday and it’s my fifth day here at Hentalia excluded the day when I arrived.
Habang naglalakad ako sa hallway kung nasan ang klase ko ay nakita ko yung mga kaklase ko na nagkukumpulan sa labas ng classroom. Ano kaya ang ginagawa nila dun?
Di ko na lang sila pinansin at pumasok na ko sa room at umupo dun sa upuan malapit sa pinto dahil sa kabilang side ay dun nakaupo ang three idiots at ayokong tumabi sakanila dahil baka mahawa ako ng pagiging abnormal nila.
Dahil nga nasa may pintuan ako nakapwestoat may binatana rin ditto, kahit di ko gustuhin ay naririnig ko ang usapan nila na pumapaibabaw ang boses ni Brent.
“Eh pre, ang daming chikabeybs dun kaya bibigyan naten ng leksyon yung mga taga St. Andrew.” Sabi ni Brent. Babae na naman ang nasa isip ng gunggong na ‘to.
“Bah! Dapat lang dahil dinate ng isa sakanila yung syota ko eh“ Okay ayokong marinig.
“Tara na ba?“ Tanong naman nung isa pa. I dont recall their names kasi di ako interesado.
“Oo tara na. Ang tagal ko ring di nakipagbakbakan.“ Boses ni Peter yun.
That cute guy? Mukang anghel na copper hair na kahit ang gaspang ng ugali, makikipagbakbakan? Looks can really be deceiving. Nailing na naisip ko.
“Eh ano pang iniintay naten? Tara na! Nag iintay na si Aiden sa may gate.” Naghiyawan naman ang mga ugok at nagsitakbuhan palayo.
The good thing about this school, kahit di ka ata pumasok basta maispasa mo ang mga test mo ay walang problema. You can even go outside the school basta dapat before curfew ay nakapasok na ulit sa campus dahil magkakaron ng parusa ang hindi sumunod.
“Fifteen minutes rule. Wanna grab a snack?” Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap ko. Kaklase ko ba ‘to?
“Oh sorry, I’m Dave.” At nilahad niya yung kamay niya na tinignan ko lang kaya binawi niya agad.
Ganito ba talaga ditto? Maraming gwapo?
Si Dave ay nakasuot ng school uniform na pinatungan niya ng black leather jacket. Bumagay din sakanya ang buhok niya na messy at yung piercing niya.
Gosh. So pwede ang piercing sa mga lalaki? I usually turn off sa mga lalaking may piercing pero I find it hot kay Dave.
Erase! Erase!
Tumayo ako at nilagpasan siya.
Nagmadali akong naglakad dahil naisip kong mag spy sa mga kaklase ko.
I know St. Andrew. Dun kasi dati nag-aaral si Ainah bago siya makick out dahil sinapak niya yung isang teacher dun.
Mabuti na lang pala at Friday kaya naka P.E Uniform ako. Hindi marihap sakin ang tumakbo at tumalon. I am wearing a black fitted shorts at isang loose white shirt na may logo ng Hentalia. I wrapped my cotton jacket in my waist. Naka sneakers din ako. May harry potter eye glasses at bullcap na nakaharap sa likod an panangga sa init.
Agad kong isinabit ang bag ko sa likod ko at mabilis na tumakbo patungo sa gate. Mabilis akong tumakbo dahil sa gaan ko.
Nakita ko ang mga kaklase kong parang siga sa daan. Napansin kong nagtatanggal sila ng coat nila. Meaning may bakbakan ngang magaganap.
Hindi malayo ang St. Andrew sa Hentalia mga ten minutes walk lang ay nasa harap na sila ng gate ng St. Andrew habang ako ay nagtatago sa malaking poste sa tapat ng naturang eskwelahan.
BINABASA MO ANG
Secrets of Hentalia (Lemblin Series #1) MAJOR EDITING
FantasyThis story is a work of fiction, Names, characters, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales are entirely coincidental. Started: Novembe...