Multimedia: Stacey Philips
Agatha Whistleton
“Isa pa.” Sabi ni Mrs. Sheldon. Nagpapraktis kasi kami ng healing spell at nagkamali ako.
Ginawa ko naman yung inutos niya at sa wakas after ilang try ay nagawa ko na rin.
Kawawa naman yung rabbit dahil isang rabbit ang pinagpapraktisan namin. Susugatan siya tapos ay gagamutin.
Natapos ang klase at lumabas kami sa field. Vacant time namin kaya nagpunta ako sa likod na bahagi ng main building dahil madalang na may pumunta dun.
Nagpractice ako ng magic ko ng may mapansin akong nakatingin sakin mula sa kaliwa. Itinaas ko ng bahagya yung palda ko at mabilis kong kinuha yung dagger at pinalipad sa lugar niya. Biglang nawala yung tao kaya nagpunta ako sa lugar kung saan bumagsak yung dagger ko.
Dinampot ko ito at napansin kong may dugo. Ibig sabihin ay nadaplisan ko siya sa may balikat dahil dun ko siya inasinta.
Kung witch siya, hindi agad gagaling ang sugat niya dahil nilagyan ko ng spell ang mga dagger ko. Alam kong illegal possession of firearms to kung simpleng paaralan ang Hentalia pero ditto, proteksyon ko ‘to.
Bumalik ako sa pwesto ko kanina at ipinagpatuloy ang pageensayo. Ikinumpas ko sa katawan ko yung wand at napalibutan ako ng gold pixie dust.
Naramdaman ko na lang na umaangat yung paa ko muula sa lupa kaya nabilib ako. Nagagawa rin kaya ‘to ng ibang witches? Ang lumutang sa ere? Feeling ko tuloy ay ako si Tinkerbell.
“WHISTLETON!” Dahil sa gulat ay nawala yung concentration ko pati ang mga pixie dust ay nawala kaya nahulog ako… nahulog ako at may mga bisig na sumalo sakin.
Napatitig ako sa mga mata niya. Nakakamesmerize ang mata niya. Ang gandang tignan.
“O – okay na ko. Y – you can put me down.” Nauutal na sabi ko.
Ibinaba naman niya agad ako.
“Don’t let your guard down.” Matigas na sabi niya.
“What are you doing here?” Tanong ko ng makabawi ako sa pagkagulat.
“I saw a dark witch going this way then I followed him only to see you practicing your magic.” Sagot niya sakin.
“Ahh” yun lang ang tangi kong nasabi dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya.
“Everything seems okay… uh, I need to go.” Then he disappeared in front of me.
Why everyone shows up then suddenly disappear? Ugh. Yeah perks of having a magic.
I continue practicing my magic when I heard a bell. Okay, back to class.
Pinili kong maglakad kesa mag-teleport. Hindi naman kasi ako ganun katamad na pati paglalakad ay kinakatamaran.
Nakarating ako sa klase.
Marami na ring estudyante at habang tumatagal nagiging pamilyar na sakin ang mga itsura nila. Pumasok na si Mr. Carson sa loob ng aming klase. Napansin kong wala si Dave. Kanina ay katabi ko pa siya. Tsk baka nag cut ng class.
“Alam kong masyado kayong natuwa dahil pwede niyo na ulit gamitin ang mga magics niyo...public, di ba Hale, Martin, at O’hara?” Napatingin naman ako sa three idiots at nakita kong naghihikab silang tatlo.
“Yes sir.” Inaantok na sagot ni Brent
“So anyway, magbubukas ang lahat ng school clubs sa Wednesday. Orgs and clubs are highly recommended na pasukan niyo ay ang sports organization and ang ibang sports club.” Nakangiting suggest naman ni Sir Carson.
BINABASA MO ANG
Secrets of Hentalia (Lemblin Series #1) MAJOR EDITING
FantasíaThis story is a work of fiction, Names, characters, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales are entirely coincidental. Started: Novembe...