Multimedia: Yui Sakamoto
Agatha Whistleton
“Ang kwintas na yan ay pinapaniwalaang kwintas ng magkapatid na nagbuwis ng buhay para sa kanilang tribo. Gawa sa isang mahiwagang balahibo ng ibon ang kwintas na yan at mas pinapalakas niyan ang kapangyarihan ng isang witch. Tutulungan ka rin niyan na protektahan ang sarili mo sa oras ng pangangailangan.” Ang galing. Kakaiba nga ang kwintas.
“Magkano po ito?” Tanong ko sakanya.
“No, ibibigay ko na lang sayo yan. Alam ko iingatan mo yan. Iwasan mo alng na mapunta yan sa kamay ng masamang salamangka.” Bilin niya sakin.
“Agatha, Tara na?” Nakita ko si Niquee at Yui na malapit na sa pinto ng tindahan.
“Thank you.” Pasasalamat ko sa babae at ibinulsa ko na yung kwintas at tinahak ang daan patungo kina Yui.
“san tayo susunod na pupunta?” Nakangiting tanong ni Niquee.
“Book store?” Nag aalangan na sabi ni Yui. Ngumiti naman ako at sumang ayon. Kailangan ko rin ng ibang bagong libro dahil matatapos ko na yung mga binabasa ko.
Nagpunta ako sa fiction section habang si Niquee ay sa mga magazine at si Yui naman ay sa mga manga nagpunta.
Nang matapos kami sa bookstore ay umupo muna kami sa may food court.
“Niks, pwedeng magpasama?” Tanong ko sakanya.
“Yeah, where?” Tanong naman niya.
“Gusto ko sanang puntahan naten yung puntod ni Agate.” Malungkot na sabi ko sakanila ni Yui.
“oo sige. Pero kain muna tayo nagugutom na ko eh.” Sabi niya. Pumasok naman kami sa isang pizza house. Pagkatapos namin kumain ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa parking lot ng maramdaman kong may sumusunod samin kaya lumingon ako pero wala akong ibang nakitang kakaiba.
Si Niquee ang nagdrive patungo sa sementeryo. Nagtuloy kami sa museleo kung saan nakalibing ang katawan ni Agate.
Kinuha ko yung susi sa bulsa ko at pumasok sa loob. Sumunod naman sakin si Yui at Niquee.
Kinalas ko yung kwintas na suot ko at inulagay sa ibabaw ng puntod niya.
Nag-alay ako ng dasal para sakanya.
Agate, Bakit naman hindi mo sinabi sakin na isa ka na palang fairy? Akala ko ba wala tayong sekreto? Alam mo may humahabol sakin kagabi kasi nalaman nilang hindi ako ordinaryong witch. Nakakatawa nga kasi kayo nila Mommy I’m sure alam niyo na witch kayong tatlo pero ang daya niyo. Bakit hindi niyo man lang sinabi sakin? Wag kang mag-alala Agate, i will gice you what you deserve. I will not stop until I get my justice for you. Miss na miss na kita. Kanina nagpunta ako sa isang witchcraft store at alam mo ba kung ano ang nakita ko? Yung kapares ng kwintas mo. Sabi nung babae dun kambal din daw ang tunay na may ari nito. Poprotektahan daw ako nito. Pinoprotektahan mo naman ako ngayon kung nasan ka di ba? Mahal na mahal kita Agate.
Pagkatapos kong mag alay ng dasal at ilang salita sakanya ay pinahiran ko yung luha kong di ko namalayang tumulo na pala. Tahimik lang na nakamasid sakin si Yui at Niquee. Tumayo na ko at nagsindi pa ulit ng kandila bago tuluyang umalis.
Habang nagalakad papunta sa sasakyan ni Niquee ay nakasalubong ko si Dave.
“Dave?” Tanong ko.
Tila naman nagulat siya.
“Uh, Agatha? Okay ka na ba?” Nakangiting tanong niya.
“Yeah, I’m perfectly fine. Sino pinupuntahan mo dito?” Tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Secrets of Hentalia (Lemblin Series #1) MAJOR EDITING
FantasyThis story is a work of fiction, Names, characters, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales are entirely coincidental. Started: Novembe...