Agatha Whistleton
“Sakamoto” Narinig kong gigil na bigkas ni Ainah kaya napatingin ako sa pumana at nakita ko si Yui kasama ang three idiots, si Niquee at ang member ng Magical Eight.
“Tigilan mo siya Aria.” Sabi ni Seira.
Aria?
“Jones, nakabalik ka na pala. Dapat ininform mo ‘ko para naman nakapag-reunion tayo diba?“ Nakangising sabi ni Ainah or Aria, i don’t really care.
“bat mo ba kasi ginagawa ‘to, Ainah?” Tanong ko sakanya.
“Becausa her father was once a fairy and was killed para maging fairy ang isang wizard.” Si Aiden ang sumagot.
Nagtagis naman ang bangang ni Ainah dahil sa sinabi ni Aiden.
“Hindi ka pa rin nagbabago Martin, gwapo ka pa rin.” Sabay ngisi niya.
“Baket, di ka pa rin ba nakakamove on kay Pareng Aiden, Aria?” Pang-iinis ni Brent sakanya.
Mabilis namang lumayo sakin si Ainah at pagtingin ko ay hawak na niya sa kamay niya ang leeg ni Brent na nakangisi pa rin.
Naramdaman ko ang kamay na humawak sa braso ko.
“D – dave” Anas ko ng mapagsino ang humablot sa braso ko.
Mabilis kumilos si Dave at inilayo ako sa gitna ng dome. Pagtingin ko ay nasa gilid na ko ni Devin at mabilis na napalibutan ng itim na pixie dust.
Kinilabutan ako ng maramdaman ko ang aura ng leader ng Alcover. Feeling ko malaking pagkakamali nga ang pagpasok ko sa Hentalia pero mas malaking pagkakamali kung hinayaan kong mabuhay sa kasinungalingan dahil sa hindi ko malaman ang tunay na nangyari sa kapatid.
“Manuod ka Whistleton. Panuorin mo ang napakagandang laban na ‘to” Sabi ni Devin. Nakakapangilabot ang boses niya sa sobrang lamig.
Si Dave naman ay nanatiling nasa likuran ko. Nakakainis! Akala ko iba siya.
Nagsimula ang laban at unang sumugod si Kaleb gamit ang air bending pero di nagtinag si Ainah.
May mga Alcovers na rin na nakababa sa gitna ng dome.
Nakita kong kumilos si Savannah at nagpaulan ng malalakas na tubig.
Napasinghap ako ng makita ko kung pano magtandem si Peter at Niquee. Binuhat ni Peter si Niquee at inikot sa ere habang inaasinta ang kalaban gamit ang chigiriki niya. Halos mapatumba nila ang ilang Alcovers na bumaba. Si Yui naman ay panay ang pana sa mga nakapalibot sakanya at magkatalikuran sila ni Brent na busy naman sa pakikipaglaban gamit ang kanyang shobo.
Si Jackson ay nakikipagcollab sa girlfriend niya. Habang nagpapaulan si Savannah ay may malalaking shot pa siya ng tubig na napapalibutan ng apoy. Nakakamangha ang nakikita ko.
Sa isang gilid naman ng dome ay si Kwin ay may mga ipinapalibot na gumagalaw na halaman sa mga Alcovers. I wonder kung kaya ko ring gawin yun. Habang si Seira ay brutal na kinikitil ang mga kalaban niya gamit ang tessenjutsu niya at ang tinig niya.
Halos pigil hininga ako ng makita kong sunod-sunod ang sumusugod kay Aiden. Si Aiden pa naman ang walang armas samin at tanging magic at lakas ng katawan ang gamit niya.
Nakita ko yung mga kalaban niya na unti-unting tinatakasan na itim na pixie dust at ngayon ay si Ainah na ang kaharap niya.
“AIDEN! MOVE!” Sigaw ni Jackson na. Mabilis na umalis si Aiden at biglang may mga espadang nahulog mula sa kung saan sa kaninang kinatatayuan ni Aiden. Nalusaw ang mga espada dahil sinalo ito ng apoy na ginawa ni Jackson. Oo nga pala nakakakita ng future si Jackson isabay pa ang pagkasense ng danger ni Aiden.
BINABASA MO ANG
Secrets of Hentalia (Lemblin Series #1) MAJOR EDITING
FantasyThis story is a work of fiction, Names, characters, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales are entirely coincidental. Started: Novembe...