CHAPTER 16 : CLINTON POV
"Seven am na?" Tanong ni Cyzane at napatayo pa.
"Opo Mama." Sagot ni Cynthea at lumapit sa amin.
"Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong niya sa akin.
"Ha? Kakagising ko lang din Cz, nauna ka pa nga sa akin e." Nakangiti kong sagot
"Late na ako sa church." Sabi niya
"May second Mass pa naman po Mama e atsaka mayroon din po sa hapon, siguro po ay sinadya ni Papa God na tanghaliin kayo ng gising para sabay sabay po tayong magsimba, pwede po ba kaming sumama sa iyo? Magte-thank you lang po ako kay Lord kasi nabuo po tayo, na tinupad niya po 'yong mga dasal ko."
"Si-Sige, pero mag-breakfast muna tayo." Sagot ni Cyzane at pumasok ng banyo.
"Papa, lalabas po muna ako, nagmi-milk po ako e."
"Sige anak, susunod na rin ako doon." Sabi ko, tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama at inayos ang higaan, napalingon ako kay Cyzane, nasa harap siya ng salamin, nagsusuklay.
"Good morning Cz."
"Go-Good morning."
"Okay lang ba talaga sa iyo na sumama kami ni Cynthea sa simbahan?"
"Oo naman, bakit naman hindi? Kakain lang tayo ng agahan tapos dadaan tayo sa bahay niyo para makapag-palit kayo saka tayo pupunta sa church." Sabi niya, kalmado lang si Cyzane pero hindi ko mabasa ang emosyon niya.
"Mauna na ako sa labas."
"Sige, susunod na lang ako."Sabi niya, hindi niya ako tiningnan, nagsusuklay pa rin siya.
Bakit parang ang lamig ng pakikitungo niya sa akin ngayon?
Ganito ba 'yong naramdaman niya noong iniiwasan ko siya?
Bakit?
Ano'ng rason? Hindi ba siya masaya na magkakasama kami ngayon?
"Papa, si Mama?"
"Nandoon pa sa loob anak, palabas na din siya." Sagot ko
"Clinton, kumusta ang tulog?"
"Okay naman po Kuya Charles."
"Mukha nga'ng okay."
"Nakapag-usap ba kayo?" Tanong ni Kuya Connor, umiling ako.
"Bakit?" Sabay nilang tanong
"Tahimik po siya e, parang nanlalamig." Sabi ko
"Baka naman hindi pa gaanong nagsi-sink in sa kanya, bigyan mo siya ng konting oras pa."
"Opo." Sagot ko, natigil ang pag-uusap namin dahil lumabas si Cyzane.
"Almusal na tayo." Sabi ni Cyzane, nagtungo kaming lahat sa hapag-kainan.
"Pandesal lang ang kakainin mo Tita Teacher?"
"Oo Charlie, kumain ka ng kanin."
"Opo Tita." Sagot ni Charlie
"Ikaw Cynthea, mag-rice ka rin, ano'ng gusto mong ulam, anak?" Tanong ni Cyzane, lihim akong napangiti, mukhang nagsi-sink in na sa kanya, nakangiti din ang pamilya namin.
"Egg na lang po Mama."
"Sige, kain pa para lumusog." Tahimik kaming lahat, silang dalawa lang ang nagsasalita kaya napatingin sa amin si Cyzane.
"Titingnan niyo na lang ba kami, hindi kayo kakain?" Tanong niya, biglang nag-unahan kami sa pagkuha ng pagkain, napa-iling iling na lang si Cyzane."
BINABASA MO ANG
Hold On
Random[COMPLETED] ✓ "Bumitaw siya pero hindi ako nawawalan ng pag-asa, alam kong babalik siya sa akin at kakapit ulit." Cyzane Ramirez, ang babaeng mai-inlove sa boy best friend niya. Ito ba ay one sided love o baka naman maging the feeling is mutual, sa...