CHAPTER 08 : CLINTON's POV
Papasok pa lang ako sa school na pinapasukan ny anak ko ay may nakabangga akong bata.
"Sorry po." Sabi nito, nginitian ko na lang ang bata, may ka-mukha siya pero hindi ko na lang nilingon ulit dahil ang anak ko ang tinitingnan ko, nakaupo ulit siya sa kinauupuan niya kahapon. Tatawagin ko sana siya pero may nakasalubong akong babae, nagulat ako ng makita kong si Cyzane 'yon, gusto ko siyang yakapin agad pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Hi." Bati ko
"H-Hi." Utal niyang sambit
"Teacher ka pala dito?" Nakangiti kong tanong, pinipigilan ko ang sarili ko.
"Ah, O-Oo." Sagot niya, napabuntong hininga ako bago sumeryoso ang mukha.
"Mahal mo naman ako that time hindi ba? Bakit hindi mo ako ipinaglaban, Cyzane?" Tanong ko, napansin kong naluha siya at napabuntong hininga.
"C-Clinton..." Sambit niya, deretso siyang nakatingin sa akin, full of emotions ang mga mata niya.
"Bakit niyo po siya inaaway?" Biglang sumulpot sa tabi namin ang batang nakasalubong ko kanina.
"Charlie, hindi ba't ang sabu ko sa iyo e h'wag kang makikisali sa usapan ng mga nakakatanda sa iyo?" Sabi ni Cyzane sa bata.
Anak niya?
"Sorry po. Kuya, bakit niyo po inaaway ang Tita Teacher ko?"
"Charlie, hindi kami nag-aaway, nag-uusap lang kami."
"You're crying Tita."
"No. Pumunta ka na sa Papa mo, hinihintay ka na."
"Charlie, tara na."
"Opo Papa." Sagot ng bata at naglakad na palayo sa amin.
"Bunso, let's go. Sasama ka ba?"
"Opo Kuya, wait lang." Sabi ni Cyzane atsaka tumingin sa akin.
"Sorry, may pupuntahan kasi kami ngayon, kapag nagkita tayo ulit, sasabihin ko sa iyo lahat, sasagutin ko lahat ng tanong mo, pati na rin ang tanong mong, "bakit hindi k-kita ipinaglaban." Tuluyan ng bumagsak ang luha niya, napaiwas ako.
"Papa." Tawag ni Cynthea, nakangiti akong nilingon ang anak ko.
Tumalikod sa amin si Cyzane pero nakita kong nagpupunas siya ng luha. "Teacher Cyzane, ingat po." Sabi ng anak ko, lumingon siya ulit sa amin atsaka ngumiti.
"Bye baby, see you tomorrow." Sabi ni Cyzane bago naglakad palapit sa nakaparadang sasakyan sa kabilang kalsada.
"Papa, nagkita na pala kayo ng teacher ko."
"Siya ang teacher mo, Cyn?"
"Opo." Masiglang sagot ni Cynthea
"Eh bakit hindi mo sinasabi sa akin?"
"Papa, ayaw ko naman po kayong pangunahan, alam ko naman po kasing magkikita at magkikita rin kayo ng best friend niyo." Sabi ng anak ko na nakapamewang pa talaga.
"Cynthea, naiwan mo itong panyo mo." Sabi ng babaeng lumapit sa amin.
"Hi."
"Clinton? Oh, hi! Kumusta? Long time no see dude, parang guma-gwapo tayo ngayon ah."
"Ayos lang naman Clayne, ikaw? Si Cobii?"
"Nasa bahay, bantay sa anak namin."
"Sa susunod na lang tayo mag-kwentuhan, may work pa kasi ako ngayon e, sinundo ko lang talaga itong si Cynthea."
BINABASA MO ANG
Hold On
Random[COMPLETED] ✓ "Bumitaw siya pero hindi ako nawawalan ng pag-asa, alam kong babalik siya sa akin at kakapit ulit." Cyzane Ramirez, ang babaeng mai-inlove sa boy best friend niya. Ito ba ay one sided love o baka naman maging the feeling is mutual, sa...