"Bakit ka nakasilip d'yan? Pumasok ka nga dito." Tawag ng isang lalake kay Cyzane, pumasok siya sa music room.
"Akala ko ba'y ayaw mo ng musika bunso?"
"Ayaw ko nga!"
"Eh kung gano'n, ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ng Kuya Connor niya
"Ngayon, nagugustuhan ko na." Sagot ni Cyzane
"Sino?"
"Yung music."
"Ah, music pala. Akala ko kasi 'yong crush mo, ayieeee!"
"Kuya!"
"Gusto niya na ang music kasi music lover ang crush niya." Pang aasar ng Kuya Charles niya
"No!"
"Asus! Halika dito at tuturuan kitang mag-gitara." Sabi ni Charles
"Dito ka sa akin bunso, tuturuan kitang mag-drum." Sabi naman ng Kuya Connor niya
"Kayo na lang muna ang tumugtog d'yan mga kuya, dito lang muna ako sa gilid." Sagot ni Cyzane at nakahalukipkip na naupo sa upuan malapit sa may gilid.
"Ano'ng gusto mong kanta Cy?"
"Kahit ano Kuya, wala akong alam na mga songs, hindi ako mahilig 'di ba?"
"Masanay ka na kaya, boring ang buhay kapag walang musika."
"Oo na."
Nagkatinginan ang dalawa niyang kuya at nag-umpisa ng tumugtog.
"Lucky I'm in love with my best friend."
Napakunot noo si Cyzane, nagtawanan ang mga kuya niya.
"Nanaaaayyyy!" Sigaw niya, patuloy lang na tumutugtog ang dalawa at patuloy din sa pagtawa.
"Bakit Cyzane? Oh, ano'ng ginagawa mo dito? Akala ko ba'y allergy ang tainga mo sa musika, ano'ng ginagawa mo dito sa music room ng mga kuya mo?"
"Nay, mukhang nagbago na po ang ihip ng hangin, naa-appreciate na po ni bunso ang music."
"Baka dahil kay boy best friend." Inasar pa siya ng mga Kuya niya.
"Tigilan niyo na itong kapatid niyo. Ikaw naman Cyzane, bakit ba kasi hindi mo pa aminin sa kanya na gusto mo siya, bagay naman kayo atsaka baka kapag nakahanap na 'yon ng iba, magsisi ka."
"Pati ba naman kayo Nay?" Nakasimangot na sambit ni Cyzane
"Kung saan ka masaya 'nak."
"Lucky I'm in love with my best friend, lucky to have been where i have been." kanta pa ng mga kuya niya at nakikisabay pa ang Nanay nila, napatakip ng tainga si Cyzane at pumikit, patuloy ang tugtog, patuloy din ang kanta.
"Hi girl friend."
Napa-angat ang ulo niya dahil sa narinig na 'yon.
"Clinton?" Bulong niya
"Hahahahahahaha!" Tawanan ng mga kapatid niya, wala naman pala talaga si Clinton doon, ginaya lang pala ni Charles ang boses ni Clinton Paralejas, ang lalakeng boy best friend ni Cyzane na lihim niya ring minamahal.
AUTHOR'S NOTE:
'Wazzup mga Dyosang Chubbaby! 🐷 Another story of mine, enjoy reading! Don't forget to vote and comment, support! God bless everyone. LabLab 😘 💋
>🎸
BINABASA MO ANG
Hold On
Random[COMPLETED] ✓ "Bumitaw siya pero hindi ako nawawalan ng pag-asa, alam kong babalik siya sa akin at kakapit ulit." Cyzane Ramirez, ang babaeng mai-inlove sa boy best friend niya. Ito ba ay one sided love o baka naman maging the feeling is mutual, sa...