Chapter 13

8 0 0
                                    

CHAPTER 13 : CYZANE's POV

"Nandito na si bunso."  Sabi ni Kuya Connor, agad ang akong sinalubong ni Nanay Cecelle, Kuya Charles at ni Charlie, niyakap ako ng pamangkin ko, umiiyak.

"Tita... Tita, huwag na po kayong aalis ha."

"Inihatid ko lang si Cynthea sa bahay nila, Charlie."

"Anak, pumunta ka na muna doon sa Mama mo sa kwarto, hindi na aalis ang Tita mo." Sabi ni Kuya Charles

"Anak, saan ka ba nagpunta? Lahat na lang ay pinagtanungan namin, kung hindi ka pa nagtext sa Kuya Connor mo e hindi ako kakalma dito."

"Inihatid ko po si Cynthea sa kanila tapos nagpunta ako kila Tita Ces, kinuha ko pp 'yong order ko at nagdeliver na rin, sayang kasi 'yong oras, nagpa-gasolina naman po ako ng kotse." Sabi ko

"Bunso, galit ka ba sa amin?"

"Kuya Charles, walang lihiman hindi ba? Bakit parang mayroon akong hindi alam?"

"Bunso, mahirap ipaliwanag sa iyo sa ngayon."

"So, mayro'n nga? Bakit wala akong maalala? Kailan pa 'to? Kailan pa kayo naglilihim sa akin?" Tanong ko

"Anak..."

"Si Cynthea po, anak po siya ni Clinton. Nag-usap kami ni Clinton kanina kaya nandito si Cynthea. Hinatid ko sila kani-kanina lang sa bahay nila Tita Ces." Nagulat sila maliban kay Kuya Connor.

"Sinabi ko na po sa inyo 'yong tinatago ko, pwede niyo na bang sabihin sa akin ang tinatago niyo?" Tanong ko, hindi sila nagsalita, hindi pa yata sila handa na malaman ko kung ano man 'yon.

"Kailan pa kayo nagkita ni Clinton?"

"Mga two weeks ago na po. Hindi ko alam na siya pala ang Papa ng estudyante ko."

"Yung babaeng maputi, nasaan na siya? Baka sugurin na naman tayo ng Nanay nun dahil nasa atin palagi 'yong bata."

"Patay na siya Kuya Charles, namatay siya matapos manganak." Sagot ko

"Paano mo naman nalaman, anak?"

"May dumating pong sulat sa akin, Nay. Five years ago pa 'yon pero noong nakaraang linggo lang po dumating sa akin, 'yon din po 'yong araw na nakita ko si Clinton. Pwede po bang magpahinga muna ako? Gulong-gulo na po ang utak ko e." Sabi ko

"Hindi ka ba kakain muna, Cy?"

"Mamaya na lang Kuys, parang babagsak na ang katawan ko eh, saka medyo masakit ang ulo ko, iidlip lang ako saglit, linggo pa lang naman bukas." Sabi ko 

"Dadalhan kita ng gamot d'yan sa kwarto mo." Sabi ni Nanay, tumango ako.

Pagpasok ko ng kwarto ay nagpalit lang ako ng oversized shirt at nagshort bago nahiga, parang binibiyak ang ulo ko sa sakit, paulit-ulit kong ini-untog sa unan ang ulo ko pero hindi nawala ang sakit. "Inumin mo itong gamot anak, pwede ito kahit na walang laman ang tiyan."

"Salamat po." Pagkalabas ni Nanay Cecelle ng kwarto ko ay pumikit na ako agad, mabilis akong  nakatulog.

Hindi ko alam kung anong oras na, tumagilid ako para maiba naman ang posisyon ng pagtulog ko, may naamoy akong kakaibang pabango pero hindi ko pinansin, bago na naman siguro ang pabango ni Kuya Connor.

Babangon na sana ako dahil kumakalam na ang sikmura ko pero parang ang bigat ng katawan ko at ang init ng pakiramdam ko.

"Papa, tulog pa rin siya?"

"Oo, huwag kang maingay. Bumalik ka na doon sa labas."

Napamulat ako.

Guni-guni ko lang ba 'yon o may tao dito sa kwarto ko?

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon