Chapter 11

5 0 0
                                    

CHAPTER 11 : CYZANE's POV

"May seminar daw kami bukas, buti pa kayo't wala."

"Sa susunod na sabado ay kami naman, Clayne. Makinig ka nga muna sa sinasabi ng principal." Sabi ko, nandito pa rin kami sa meeting, nagpatawag kasi ng biglaan ang Punong guro namin para sa seminar bukas.

"Miss Ramirez, ang phone mo."

"Sorry Sir, magulang ng estudyante ko." Sabi ko, paulit-ulit kasing nag-ring ang phone ko.

"Sagutin mo na muna at baka importante 'yan."

"Yes Sir."

Lumabas ako ng meeting hall saglit at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Cyzane..."

"May kailangan ka?"

"Busy ka ba?"

"Nasa meeting pa ako, lumabas lang ako saglit, bakit?"

"Ay sorry. Tatawagan kita ulit mamaya, text mo ako kapag tapos na ang meeting mo."

"Sige, bye."

Pumasok na ako ulit sa loob. "Sino 'yon Cyzane?" Tanong ni Clayne

"Si Clinton."

"Bakit daw?"

"Ewan ko, ang sabi ko e nasa meeting pa ako, baka may itatanong tungkol sa anak niya, 'yon lang naman lagi ang pinag-uusapan namin at wala ng iba, bakit mo natanong?"

"Wala, akala ko ay ayos na kayo."

"Huwag na tayong umasa na maayos pa Clayne, mukha namang ayaw niya at hindi na interesado. Focus muna tayo sa meeting, h'wag na muna natin 'yang isipin." Sabi ko, tumahimik na si Clayne.

Mag-a-alas otso na natapos ang meeting dahil sa daming napag-usapan at wala namang pasok kinabukasan. "Pauwi na po ako." Text ko kay Nanay Cecelle, "Tapos na ang meeting namin." Text ko naman kay Clinton, ilang saglit pa ay tumawag na siya.

"Pauwi ka na?"

"Oo, naglalakad na ako."

"Si Clayne?"

"Sinundo ni Cobii, umuwi din agad kasi walang kasama si Chaitlyn."

Wala ng sumagot pero alam kong nandoon pa rin siya dahil naririnig ko ang paghinga niya.

"Bakit?" Tanong ko, hindi siya sumagot, nag-umpisa ng sumikip ang dibdib ko, hindi ko 'to napaghandaan.

"May gagawin ka ba bukas?" Tanong niya

"Wala naman."

"Usap tayo."

"Si-Sige."

"Pwede bang dito na lang sa bahay?"

"Pwede naman, i-text mo na lang 'yong address at pupunta na lang ako d'yan bukas. Paano si Cynthea?" Tanong ko

"Hindi ko nga rin alam e."

"Nasa bahay naman si Kuya Connor bukas, pwede naman doon muna siya para makapag-usap tayo ng maayos." Sabi ko

"Sige, ihahatid ko malapit sa bahay niyo bukas ng umaga, request niya rin naman na mag-usap na tayo e."

"Kung hindi niya request, hindi mo pa rin ako kakausapin? Kung napipilitan ka lang din naman Clinton, huwag na lang muna."

"Hindi. Hindi naman, bukas, usap tayo."

"O-Okay."

"Ingat ka pauwi, gabi na. Bye."

"Bye.."

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon