Chapter 10

7 0 0
                                    

CHAPTER 10 : CYZANE's POV

"Anak, ginabi ka na."

"Ideneliver ko pa po 'yong mga cookies atsaka traffic po noong pabalik na ako." Sagot ko at pabagsak na naupo sa sofa, alas siete na.

"Bunso, kain na."

"Sige Kuys, maya-maya, napapagod pa ako e." Sagot ko kay Kuya Connor

"Charlie, apo, iabot mo nga 'to sa Tita mo." Utos ni Nanay Cecelle, lumapit sa akin si Charlie na may dala-dalang tubig.

"Thank you. Thank you Nay."

"Tita, may ice cream po kaming binili for you."

"Talaga? Thank you."

"You're welcome Tita Teacher, good night po."

"Matutulog ka na agad?" Tanong ko

"Opo. Para maaga po akong magising tommorow kasi may pasok po tayo e."

"Okay. Good night." Sabi ko

"Good night LolaNanay."

"Good night Apo."

"Good night Tito Papa."

"Good night kulet!" Sabi ni Kuya Connor, idlip sana ako saglit sa sofa pero ginulat naman ako ni Kuya Connor.

"Nasaan na si Cyzane liit?"

"Cynthea ang pangalan niya, Kuya."

"Eh nasaan nga siya?"

"Nandoon na sa kanila, hinatid ko na."

"Nandito ulit siya bukas?"

"Oo pero may pasok ka. Ano ba Kuya? Mag-anak ka na rin kasi para may Connor liit ka na rin." Sabi ko

"Lalake ba ang nanganganak?"

"Sira! Kung gusto mo e, pwede." Sabi ko

"Kuys! Napapagod pa si Cy oh." Sabi ni Kuya Charles sabay bato sa akin ng throw pillow.

"Ano ba mga Kuya, tigilan niyo nga ako!"

Lalo pa rin nila akong binato ng throw pillow, hindi ako tinitigilan.

"Hindi kayo titigil?"

"Huwag raw tayong tumigil." Sabi ni Kuya Connor, sumimangot na lang ako.

"Para kayong isip-bata." Sabi ko

"Oy, matured na ang baby bunso natin, may boyfriend na siguro 'to."

"Wala."

"Manliligaw?"

"Binigyan niyo na nga ako ng pets at bulaklak na aalagaan, sa tingin niyo e mag-aasawa pa ako?" Tanong ko

"Kayong dalawa talaga! Tigilan niyo na ang kapatid niyo, ang tatanda niyo na eh! Ipaghanda niyo na lang siya ng pagkain." Sabi ni Nanay

"Huwag na po Nay, ako na lang ang kukuha." Sabi ko

"Bunso, 'yong Papa ni Cynthea, walang asawa?" Biglang tanong ni Kuya Connor, napatigil ako sa paglalakad patungong kusina.

"Naku Kuya, tigilan mo na ang estudyante ko, gumawa ka ng sarili mo, tatawagan ko na ba si ate Corinne?"

"Hindi 'yan papayag, papakasal daw muna kami." Sabi ni Kuya Connor, speaking of Ate Corinne, kakarating niya lang.

"Parang narinig ko yata ang pangalan ko."

"Miss na miss ka na daw nitong si Connor." Sabi ni Kuya Charles

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon