CHAPTER 17 : CYZANE's POV
"Assumera ka naman girl, mas una kaming nagkakilala kesa sa 'yo, last June lang kayo nagkakilala hindi ba?" Sabi ni Cerlyn, natawa na lang ako sa sinabi niya, bakit ko nga ba pinag-aaksayahan ng oras ang babaeng ito?
"Mali ka Cerlyn, simula bata palang kami, magkakilala na kami, she's my best friend, she's my girlfriend, she's my love, my everything." Sabi ni Clinton, sinamaan naman ako ng tingin ni Cerlyn.
"Hindi pa rin ako naniniwala." Sabi ni Cerlyn sabay cross arms.
"Eh 'di h'wag, pinipilit ka ba? Kung wala ka ng ibang sasabihin, pwede na ba kaming umalis? May pupuntahan pa kami e." Sabi ko
"Kahit saan kayo magpunta susundan ko kayo, hangga't hindi nagiging sa akin si Clinton." Sabi ni Cerlyn sabay irap sa akin, napa-iling na lamang ako.
"Let's go, baka hinihintay na tayo nila Kuya." Yaya ko
"Tara na." Sabi ni Clinton at dinala ang bag ko.
"That girl, she's crazy."
"Oo nga. Palagi ko nga siyang iniiwasan pero palagi niya rin akong sinusundan, tsk." Sagot ni Clinton
"Patay na patay sa 'yo eh."
"Hindi naman ako pogi ah."
Natawa ako. Tumigil tuloy siya sa paglalakad.
"Bakit?"
"Wala. Tara na, nasa bahay na raw sila Cynthea at may salo-salo pa yata bago kami magpunta sa gig."
"Kami? Akala ko, tayo?"
"Ta-Tayo."
Pagkarating namin sa bahay, nandoon na silang lahat at kami na lang ang hinihintay.
"Ang tagal niyong dalawa, sinulit niyo yata ang oras." Sabi ni Kuya Connor
"Hindi 'no." Pa'no susulitin kung may umepal? "Kanina pa sana kami kung hindi lang sana kamo hinarang ng babaeng higad na 'yon." Sagot ko
"Sino naman 'yan?" Tanong ni Tita Ces
"Ang babaeng patay na patay sa anak niyo, Tita. Nasampal pa nga ako e." Sagot ko sabay lagok sa tubig na hawak ko.
"I knew it, nakita ko siya kanina sa park, kahit saan po talaga magpunta si Papa e sinusundan niya." Sabi ni Cynthea at iiling-iling na napahalukipkip.
"Sino ba 'yon?"
"Tita Ganda, 'yong babaeng nagta-trabaho po doon sa pinagta-trabahuhan ni Papa." Sagot ni Cynthea kay Chienna
"Hayaan niyo na 'yon, kumain na lang tayo at mamaya ay may trabaho pa." Sabi ni Kuya Charles
"Tita, okay lang po ba ang pisnge niyo?"
"Okay lang Charlie, wala lang 'to."
"Dahil sa 'yo! Nasasaktan palagi ang Tita Teacher ko!" Naiiyak na sabi ni Charlie Kay Clinton, agad siyang kinuha ni Kuya Charles.
"Charlie anak, don't say that."
"Pero 'yon ang totoo Papa, palagi na lang nasasaktan si Tita Teacher because of him, ayaw kong maging sad si Tita, ayaw ko siyang nakikitang sad kasi love ko siya."
Pinalapit ko si Charlie sa akin at niyakap, hinalikan ko pa siya sa buhok, na-touch naman ako sa pamangkin ko.
"I love you Charlie, hindi na iiyak si Tita, okay? Don't be sad, say sorry to your Tito Clinton." Sabi ko
"I'm sorry, Tito." Nakatungong sabi ni Charlie
"It's okay little boy, h'wag kang mag-alala, hindi ko hahayaang masaktan ulit ang Tita mo." Sabi ni Clinton
BINABASA MO ANG
Hold On
Random[COMPLETED] ✓ "Bumitaw siya pero hindi ako nawawalan ng pag-asa, alam kong babalik siya sa akin at kakapit ulit." Cyzane Ramirez, ang babaeng mai-inlove sa boy best friend niya. Ito ba ay one sided love o baka naman maging the feeling is mutual, sa...