CHAPTER 09

7 2 1
                                    

CHAPTER 09 : CYZANE's POV

"Sino'ng bata itong kasama mo?" Tanong ni Nanay Cecelle pagpasok pa lang namin ng bahay

"Classmate ko po siya Lola Nanay, siya po 'yong sinabi ko sa inyo na nahihiya." Sagot ni Charlie

"Opo Nay, estudyante ko po, may trabaho kasi 'yong Papa niya kaya isinama ko dito, kawawa naman kasi palagi siyang naghihintay sa Papa niya hanggang hapon." Sabi ko

"Welcome sa bahay namin iha." Sabi ni Nanay sa anak ni Clinton.

"Salamat po." Sabi ni Cynthea at nagmano pa. "Ako po si Cynthea."

"Hi Cynthea, ako si Cecelle, Nanay ako ng teacher Cyzane mo."

"Hello." Nakangiting sambit ng bata

"Lola Nanay ko siya." Sabi ni Charlie

"Lola Nanay? Wow! Ang cool naman, pwede ko rin po ba kayong tawaging Lola Nanay?"

"Oo Naman Cynthea, pwedeng pwede." Sagot ni Nanay, napabuntong hininga na lang ako, ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang anak ni Clinton si Cynthea.

"May, bihis lang po ako." Paalam ko at pag-ikot ko ay nauntog ako sa gilid ng pinto, mabilis akong hinawakan ni Nanay sa braso.

"Anak, mag-ingat ka naman, ang ulo mo." Tarantang sabi ni Nanay

"Ang oa niyo Nay, para nauntog lang po e, kasama 'yon sa buhay." Biro ko, tiningnan niya lang ako at seryoso pa ang mukha.

"Basta sa susunod ay mag-iingat ka, magbihis ka na at ipaghahanda ko ng meryenda ang dalawang bata na 'to." Sabi ni Nanay, binuksan niya muna ang TV para manuod ang dalawa habang naghahanda siya ng meryenda.

"Nay, may lakad po kayo ni Tita Carlota mamaya 'di po ba?"

"Oo anak, bakit?"

"Wala naman po, isasama ko na lang itong dalawang bata papunta kila Tita Ces."

"Naku, susunduin si Charlie ng ate Chloe mo, pagkalabas ng Kuya Charles mo sa trabaho ay titingnan nila 'yong lilipatang bahay."

"Eh 'di si Cynthea na lang ang isasama ko." Sabi ko

"Hindi ba 'yan hahanapin ng Papa niya?"

"Ipinagpaalam ko naman po kanina." Sabi ko

"Oh sige, tulungan mo na akong maghanda ng tanghalian at baka nagugutom na ang dalawang bata." Sabi ni Nanay, naghanda ako ng mga plato pati na rin ang mga niluto ni Nanay.

"Oh? Bakit may maliit na Cyzane dito?" Narinig kong tanong ni Kuya Connor sa sala.

"Hi Tito Papa, classmate ko po s'ya, hindi po siya si Tita Teacher." Sabi ni Charlie

"Ang sabi ko ay maliit na Cyzane at hindi ang Tita Cyzane mo mismo, ikaw talaga e!"

"Kuys, pati ba naman ang bata e papatulan." Sabi ko

"Anak, napaaga yata ang uwi mo ngayon."

"Opo Nay, half day lang kami pero may lakad kami ni Corinne mamaya."

"Kuys, sakto ang uwi mo, kakain na, tara lunch na tayo." Yaya ko

"Mga bata, halina kayo at kakain." Tawag ni nanay sa dalawa na busy sa paglalaro ng building blocks.

Habang kumakain kami ay palaging napapatingin si Kuya Connor kay Cynthea. "Anak, bakit kanina mo pa tinitingnan ang estudyante ng kapatid mo?"

"Ka-mukha siya ni bunso noong bata pa siya Nay, naalala mo po ba noong nagsimba tayo tapos naglupasay siya sa harap ng simbahan dahil hindi natin siya agad nabilhan ng ice cream."

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon