CHAPTER 02 : CYZANE's POV
"Ano ba 'tong ginagawa mo sa akin Cz?"
"Shut up boyfriend, hayaan mo na ako, wala namang ginagawa e walang Prof." Sagot ko, nakatambay kaming dalawa sa bench, sa ilalim ng mga punong talisay, tinalian ko ng mga rubber band ang buhok ni Clinton at sinimulan siyang make up-an.
"Ang ganda, mas maganda ka pa kesa sa akin oh, sali ka kaya ng gay pageant."
"Hindi naman ako gay e."
"Hindi ba?" Biro ko sa kanya kaya pinisil niya ang pisnge ko.
"Girlfriend.."
"Hmm?"
"Sa tingin mo, kung naging babae kaya ako e magugustuhan ako ni Mommy?"
"Anak ka niya ibig sabihin mahal ka niya, lahat naman ng magulang mahal ang anak." Sagot ko
"Bakit pakiramdam ko e mas mahal niya si Chienna."
"Ikaw lang ang nag-iisip nun."
"Tuwang tuwa si Mommy kapag mag nakukuhang achievements si Chienna kahit maliit lang samantalang ako, kahit honor na e hindi niya magawang umattend kapag recognition day."
"Boyfriend, nandito naman kami, h'wag kang mag-iisip ng gano'n, mahal ka ng Mommy mo."
"Cz.."
"H'wag kang umiyak, sayang ang make up ko." Sabi ko
"What are you doing? What happened to your face Clinton?"
Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa pagsita sa akin ang ng babaeng Englishera na 'to! Siya ba 'yong nililigawan ni Clinton? Maputi, makinis ang balat, tisay, anak araw at mukhang yayamanin samantalang ako . . .
"Coleen?" Bulalas ni Clinton at napatayo pa.
"Sorry, make up artist kasi siya, sinusubukan niya lang sa mukha ko ang bagong bili niyang make up, tatanggalin niya rin ito." Natatarantang sabi ni Clinton, hindi ko pa tapos e buburahin na agad, hindi pa nga napipicturan e, sayang efforts ko.
"Cz, alisin mo na, bilis! May lakad nga pala kami ngayon tapos may date din kami mamaya, ang pangit naman kapag ganito ang itsura ko."
"Ibig sabihin e pangit 'tong gawa ko?"
"Hindi sa gano'n."
Sinimangutan ko na lang siya habang tinatanggal ko ang make up niya.
"Girlfriend, aalis na kami, ngayon na kami magde-date. Hintayin mo ako mamayang uwian ha."
"Okay boyfriend." Nilakasan ko talaga ang sagot ko, tinaasan lang ako ng kilay ng Coleen na 'yon.
"You're so tagal naman Clinton." Maarteng sambit ni Coleen
"Sorry, heto na."
Tumakbo palapit sa babae si Clinton sabay akbay, uminit ang dugo ko.
"Selossss."
"Naku, hindi ah." Mabilis kong sagot.
"Hindi pa umamin, kulang na lang e balatan mo ng buhay 'yong girlalo na 'yon."
"Bakit naman ako aamin? Wala naman akong dapat aminin Clayne."
"Hoy Cyzane Ramirez! Tigilan mo ako ha! Alam kong simula noong first year high school pa lang tayo ay gusto mo na ang best friend mo for fifteen years." Sabi ni Clayne
"H'wag ka namang sumigaw, baka may makarinig. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa lalakeng 'yon, mabait, mapagmahal, caring at marami pang iba, bonus na lang 'yong pagiging pogi niya kasi nasa lahi naman nila 'yon."
BINABASA MO ANG
Hold On
Random[COMPLETED] ✓ "Bumitaw siya pero hindi ako nawawalan ng pag-asa, alam kong babalik siya sa akin at kakapit ulit." Cyzane Ramirez, ang babaeng mai-inlove sa boy best friend niya. Ito ba ay one sided love o baka naman maging the feeling is mutual, sa...