Chapter 01

13 2 0
                                    

CHAPTER 01 : CYZANE's POV

"Tigilan niyo na ang pang-aasar dito sa kapatid niyo, sumunod na kayo sa akin sa kusina at kakain na." Sabi ni Nanay

"Bunso, may lakad kayo ng boyfriend mo ngayon hindi ba?"

"Oo sana pero hindi na lang ako sasama Kuya."

"Bakit naman?"

"Gig 'yong pupuntahan e maraming tao, maingay."

"Mag-e-enjoy ka doon lalo na kung magaling ang kakanta." Sabi ni Kuya Charlie

"Eh 'yon na nga e, hindi naman kagalingan 'yong bandang kakanta." Sagot ko

"Anong banda ba?" Tanong ni Kuya Connor

"Yung . . . 'yong RAM'S BAND." Sabi ko, nagkatinginan sila kaya napatakbo ako.

"Cyzane!" Hinabol nila ako.

"Banda namin 'yon eh."

"Magaling kaya kami." Sigaw nila at hindi ako tinigilan hangga't hindi naaabutan, at ngayong naabutan nila ako sa sala, kiniliti nila ako ng kiniliti, ganito kaming magka-kapatid madalas lalo na kung wala silang sumpong.

"Nayy!" Sigaw ko kaya napatakbo si Nanay sa sala dala-dala pa ang sandok na ginagamit niya sa pagluto.

"Bakit na naman anak?" Tanong ni Nanay, nagkatinginan kaming tatlo at tumakbo palapit kay Nanay Cecelle, niyakap namin siya at pinupog ng halik.

"Tama na, tama na. Hindi na ako makahinga, kayong tatlo talaga eh, pumasok na kayo sa mga kwarto niyo at maghanda na, may mga lakad kayo hindi ba? Ikaw Cyzane."

"Yes po?"

"Magsuot ka ng maganda, baka dumating na 'yong date mo."

"Nay, hindi 'yon date, manunuod lang po kami ng Gig nila Kuys kahit hindi ko naman hilig ang music."

"Kahit ayaw mo kung 'yon ang magpapaligaya sa taong gusto mo, gagawin mo." Niyakap pa ako ni Nanay.

"Binubugaw niyo ba ako?" Tanong ko

"Cy, hindi bugaw ang tawag dun, gusto ka lang namin maging masaya." Sabi ni Kuya Connor

"Talaga? Gusto niyo akong maging masaya?"

"Oo." Sagot ni Kuya Charles

"Sige nga, bilhan niyo nga ako ng ice cream." Biro ko

"Sige, ilan ba ang gusto mo?"

Parang tumayo ang tainga ko nang marinig ko 'yon.

"Isa lang, thank you mga Kuys." Niyakap ko sila at hinalikan nila ako sa pisnge pareho, ang saya ng pamilya namin lalo na siguro kung nandito si Tatay Christian, kung hindi lang sana siya napagkamalang holdaper at napatay, nandito pa sana siya.

Nag-suot ako ng jeans at white t-shirt, may dala din akong sling bag kung saan nakalagay ang wallet at cellphone ko.

"Tita Cecelle, magandang hapon po." Napatigil ako sa pagsusuklay ng marinig ko ang boses na 'yon.

Nand'yan na siya.

"Clinton, maupo ka muna d'yan iho, lalabas na ang mga 'yon, sabay sabay na kayong magpunta sa Gig ng mga bata."

"Opo Tita."

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto.

"Hi girlfriend."

"H-Hi boyfriend, kanina ka pa?" Tanong ko

"Kakarating lang girlfriend." Sabi ni Clinton at inabutan ako ng bulaklak

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon