CHAPTER 14 : CLINTON's POV
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Cobii
"Pupuntahan ko si Cyzane, ngayon din mismo." Sagot ko na hindi na mapakali.
"Nasa seminar pa siya." Sabi ni Clayne
"Pupuntahan ko siya sa bahay niya o kahit nasaan man siya ngayon."
"Papa, uuwi na po agad tayo? Gusto ko pa pong makalaro si Chaitlyn."
"Anak, sa ibang araw na lang ulit kayo maglaro ni Chaitlyn, mayroon tayong kailangang puntahan." Sabi ko at nagpaalam na kila Cobii.
"Papa, bakit po tayo nagmamadali?"
"Kailangan nating makita at maka-usap ang Mama mo."
"Po? Mama? Sino po?"
"Ang Mama Cyzane mo." Wala sa sarili kong sagot.
"Papa?"
"Anak, huwag na munang maraming tanong, okay?"
"Okay po." Sagot ni Cynthea at tumango pa, alam kong naguguluhan siya pero gano'n din ako kanina.
"Hello, Kuya Connor."
"Clinton, napatawag ka?"
"Si Cyzane po, nand'yan na ba?" Tanong ko
"Hindi pa umuuwi, ang alam ko ay nasa byahe pa siya, bakit? May problema ba?"
"Wala naman po Kuya Connor, gusto ko lang siyang maka-usap. Kapag nagtext po siya sa inyo ay i-text niyo po ako."
"Sige. Oh, heto nga't nagtext na."
"Ano po'ng sabi niya?"
"Maya-maya pa raw siya uuwi, tatambay daw muna siya sa may Park malapit doon sa basketball court, mag-a-unwind yata."
"Thank you po Kuya." Sabi ko at binaba na ang tawag. "Tara na anak." Hinawakan ko si Cynthea sa kamay at mabilis kaming naglakad patungo sa lugar na nabanggit ni Kuya Connor, napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang babaeng nakaupo, nakatalikod sa amin at pinagmamasdan ang makulay na paligid.
Tumakbo si Cynthea palapit kay Cyzane.
"Mama Cyzane!" Sambit ni Cynthea at agad na yumakap.
"Mama? Bakit mo ako tinatawag na Mama?" May pagtataka sa tono ng boses niya.
"Iyon po ang sabi ni Papa eh." Nakangiting sambit ng anak ko.
"Cz." Sambit ko, nilingon niya ako, pangalan niya pa lang ang nasasambit ko ay naiiyak na ako. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin habang ako'y nangingilid na ang luha at anumang oras ay babagsak na, niyakap ko siya ng mahigpit paglapit ko atsaka siya hinagkan sa kanyang labi, mariin, matagal at ramdam ko ang pagkagulat niya dahil sa ginawa ko, pagbitaw ng aming mga labi ay nakatingin siya sa akin na wari'y nagtatanong, ngumiti ako.
"Mahal kita." Sambit ko, umiyak na din siya.
"Sinasabi mo bang mahal mo ako dahil lang sinabi ko noong nakaraan na mahal pa rin kita hanggang ngayon?"
Umiling ako.
"Mahal kita, hindi ko naman kinalimutan 'yon. Umasa talaga ako na darating pa 'yong ganitong pagkakataon, hindi ako masaya na gano'n ang nangyari kila Coleen pero masaya ako na kasama ko kayo ngayon. Ikaw at si Cynthea."
"Nangyari KILA Coleen?"
"Umuwi na tayo, sa bahay namin, doon ko iku-kwento sa iyo lahat." Sabi ko, nasalo ko siya ng bigla siyang ma-out of balance at napahawak sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
Hold On
Random[COMPLETED] ✓ "Bumitaw siya pero hindi ako nawawalan ng pag-asa, alam kong babalik siya sa akin at kakapit ulit." Cyzane Ramirez, ang babaeng mai-inlove sa boy best friend niya. Ito ba ay one sided love o baka naman maging the feeling is mutual, sa...