Chapter 03

10 2 0
                                    

CHAPTER 03 : CYZANE's POV

"Grabi! Ginawa ko talaga 'yon? Hindi ka naman umiinom ah, kapag may alak may pusong wasak talaga e 'no?"

"H'wag kang maingay Clayne, boses mo e, ang lakas." Saway ko

"Nalasing ka ba? Ano'ng sabi nila Tita?"

"Ayun, susugurin daw haha, ayos lang naman e hindi masakit."

"Talaga ba? Hindi masakit?"

"Slight lang." Sagot ko

"Slight daw, ang sabihin mo e ang sakit, sobrang sakit."

Hindi ako nakaimik.

"Mamaya, iinom ka ulit?"

"Iinom ng ano? Alak? Kailan ka pa uminom ng alak girlfriend?" 

"Maiwan ko na kayo, pagsabihan mo 'yang girlfriend mo, nagwa-walwal mag-isa."

Kahit pinandilatan ko na ng mata si Clayne ay patuloy lang siya sa pagsasalita.

"Totoo ba 'yong sinabi ni Clayne? Umiinom ka?"

"Sinubukan ko lang naman Clinton."

"Clinton? Bakit Clinton na ang tawag mo sa akin, bakit hindi na boyfriend?" Bahagya akong napakunot noo.

"Ikaw yata ang naka-inom e hindi ba't ang sabi mo sa akin kahapon e h'wag na kitang tawaging boyfriend kasi nagseselos 'yong girlfriend mo, 'yang jowa mo."

"Pwede mo naman akong tawaging boyfriend kapag wala siya at tatawagin kitang girlfriend katulad ng dati, hindi ako sanay." Sabi ni Clinton, pilit na lang akong ngumiti.

"Pasok na ako." Mabilis akong naglakad papasok ng room.

"Hintayin mo ako Cz, iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya

"Hindi." Sagot ko pero hindi siya nilingon.

"Tinawagan kita kagabi ah, bakit hindi ka sumasagot? Bakit hindi ka nagsasalita?"

"Kasi nga, I'm drunk." Sagot ko

"May narinig akong word."

"Hindi ako nagsalita, baka guni-guni mo lang 'yon." Sagot ko dahil wala naman akong naalala na sinabi ko kagabi maliban sa i love you, WHAAATTT? paktay! 'yon nga, 'yon siguro 'yong tinutukoy niya, mas binilisan ko pa ang paglalakad, hindi niya naman ako naabutan dahil tinawag siya ng babaeng anak-araw na 'yon.

"Ano? Hanggang tingin na lang? Ano ka ba naman Cyzane, h'wag mong hintayin na maging huli na ang lahat, aminin mo na sa kanya."

"Clayne, paano kung umamin ako tapos balewala lang sa kanya, masakit 'yon."

"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?"

"Sinubukan ko na." .

"Sa pamamagitan ng?"

"Hindi ba't naka-inom ako kagabi, nag-i love you ako last night. Shocks!"

"You're drunk last night, palagi ka na nga'ng uminom para kapag lasing ka e maka-amin ka na, they say that ang pinaka-honest daw na tao e 'yong lasing, nasasabi lahat." Sabi ni Clayne

"Susubukan ko ulit pero hindi ko maipapangako."

"Babatukan talaga kita Cyzane!"

"Go ahead para matauhan ako, alam ko naman kasi na hindi dapat ginugusto ang matalik na kaibigan dahil malamang sakit ang kapalit." Sabi ko

"Ewan ko sa 'yo! Halika na nga at baka hindi ako makapagpigil, ako ang sasabunot sa babaeng labanos na 'yon!" Sabi ni Clayne at hinila ako papasok ng room.

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon