Chapter 28

580 22 0
                                    

I recovered earlier than expected.

Bago pa man matapos ang first round ay nakabalik na ako sa paglalaro. I didn't think I recovered 100% yet kasi paminsan-minsa'y sumasakit pa ang paa ko kapag namamali ang tapak but I didn't tell them that.

Kating-kati na akong makalaro. I'll just be more careful.

After the dinner I had that night, hinatid ako ni Jordi sa aking condo. It was the first time he entered my condo dahil talagang sinigurado niyang maingat akong makararating doon.

In the end, after he watched me struggle to navigate my condo for five agonizing minutes, dinala niya ako sa bahay nina Ate.

Mas lalo akong napagod dahil dun. Kaya by the time na nakarating na kami sa bahay nina Ate'y hindi ko na kinailangan pang tumitig sa kisame at isipin ang mga nangyari sa araw na iyon. Sleep welcomed me with open arms.

The next few days I stayed inside their house hanggang sa kaya ko nang maglakad nang walang crutches. I settled with watching the televised games in the comfort of Juan and my sister's home.

Bonus na lamang dahil nakakabonding ko ang mga pamangkin.

When my health had improved, dumalo na ako sa mga laro. Subalit hindi tulad nila'y nakaupo lang ako sa gilid.

Ngayo'y pawis na pawis na ako, just like all of my teammates. We were in the 5th set now, only a point away from winning this game against Coach Ramil's team yet also only a point ahead of their team.

Mula sa kinatatayuan ko'y kitang-kita sina Amarissa at Jordi. I remembered watching their faces flash on TV nung unang laro ng team namin pagkatapos kong ma-injury.

The commentator was saying something about Jordi. The both of them weren't aware na sa kanila pala nakatutok ang camera kaya nanibago ako nang makitang hindi nakangiti si Amarissa habang hawak ang poster ng mukha ko sa isang kamay.

I didn't know what to make of that.

The ball flew into action.

Their team was strategic and skillful. Sinasabi ko iyon hindi dahil nakasama ko sila noon—hindi dahil roommate ko sina ate Thea noon. I was saying that because they were targeting me in their serves knowing that I was very careful about my ankle.

Tulad ng inaasahan ko'y dumiretso nga sa akin ang serve. I flinched as I chose to fall on my butt instead of put pressure on my feet.

Muli'y hindi ko naayos ang receive. Imbes na dumiretso iyon kay Felipa'y kinailangan niya pang takbuhin ang bola.

I released a relieved breath when Patrice scored the point.

Panalo na kami.

Felipa was the first one to notice na hindi pa ako tumatayo. Nag-aalala siyang lumapit sa akin at dahil doo'y napunta na sa akin ang atensyon ng lahat.

I pushed myself up. "I'm fine," I reassured them.

On our way to our dugout, marami pang mga nagpa-picture kaya natagalan pa kami. Kahit hindi pa ako nakakalapit sa kanila'y ramdam ko na ang tukso ng mga kasama dahil sa dami ng taong nagpapapicture sa akin.

Kumalat kasi na minsan akong nag-train sa La Salle kaya ayun.

There was no sign of any of my teammates nearby nang makawala na ako sa mga nagpapapicture, dumiretso na siguro silang lahat sa dugout.

Unti-unti akong natigilan sa paglalakad nang makita kong papalapit si Coach Ramil.

"Hi Coach!" nakangiti kong bati. "Hirap niyo namang talunin."

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now