"Will you marry me, Kyla?"
Ilang beses akong umiling-iling as I pulled him up. Doon pa lang ay alam kong nasaktan ko na naman siya.
"I can't, I'm sorry. I can't," paulit-ulit kong bulong habang mahigpit siyang niyayakap. "Masyado pang maaga."
Nag-iwas siya ng tingin dahil doon, bago pa mapunta sa iba ang isip niya'y hinawakan ko ang pisngi niya to make him meet my eyes.
"May nabanggit si Mom sa isang interview, ngayo'y iniisip na ng lahat na tatanggapin ko 'to but for the wrong reasons. Ayokong isipin nilang pakakasalan lang kita dahil iyon ang gusto ni Mom."
Kita ang pagkakalito sa kanyang mga mata. "Hindi mo naman kailangang isipin ang sinasabi ng iba. You don't have to care about what they think of us. Alam ko nama—"
"But I do care," I said, almost with a pleading tone, hoping that he'll understand me once more. I always said that Jordi's changed so much, and I wasn't wrong about that. Pero dahil doo'y nakaligtaan kong tulad niya'y labis rin pala ang pagbabago ko. "People-pleaser nga diba?"
"Ayokong mawala ka pa ulit sa akin, Kyla."
It took all of my control not to snatch the box and to tell him to forget about what I said. Pero sa huli'y namayani ang kagustuhan kong maipanatili ang kinang ng kanyang pangalan gayong talagang desidido siyang sumama sa akin.
I don't want him to be remembered as that basketball player who soared higher and higher only to go back down for a rock in a cage.
"I'll always come home to you," I gently said. "Maghihintay ka ba?"
That night, hindi niya ako sinagot. Instead, he had only kissed me softly bago siya nagpaalam.
It was enough to plant a seed of doubt at the back of my head. Kaya nang makarating na ako sa airport para sa flight pauwi sa Madrid ay ilang beses akong lumingon-lingon, umaasang pupunta siya para mawala ang kabang iyon.
Pero hindi iyon nangyari.
Had he finally realized that he only loved the idea of who I was and not who I am?
"Si Fergus?" tanong ko, as soon as I spotted Antonio.
Kagagaling ko lang sa HQ ng org namin to check on the latest project. Pagdating ko kanina'y busy ang lahat sa pag lo-load ng isang truck na puno ng mga school supplies na ishi-ship pa papunta sa isang maliit na bayan.
Lucie gave me a quick update pero pagkatapos noo'y umalis na rin siya para dumalo sa isang meeting.
Just like before, she was still very responsible. Kaya kahit nasa Madrid lang ako o di kaya'y may pinunta lang sa Barcelona ay siya pa rin ang pumupunta sa mga meeting.
Ngayo'y nasa loob na ako ng building ng kompanya. Ever since, binigay ni Ate ang posisyon sa akin ay unti-unti ko na ring binigyan ng espasyo ang LAREA sa gusali para hindi ko na kailangang magmaneho para ma-check ang sariling kompanya.
I glanced at Antonio nang nakapasok na kami sa elevator pero hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko. He looked hesitant, kaya hinarap ko siya, holding my breath. Binenta niya na kaya ang shares?
"I haven't been able to contact him in the past week," aniya.
Ipinikit ko ang mata't hinilot ang sentido. I can't lose LAREA! Ayokong pagkakitaan ng pera ng iba ang pangalan ko.
"Baka nag-bakasyon lang kaya hindi nag-reply," dagdag ni Antonio, pampalubag sana ng loob pero ang totoo'y hindi iyon gumana. "Hindi pa naman nagpapatawag ng meeting si Mr. Pena, sa'yo pa rin ang LAREA."
YOU ARE READING
Chasing After Wind // Jordi GDL FF
FanficUAAP FF 5 As the youngest of two, Kyrell Larea Hernandez acknowledges society's beliefs when it comes to being the youngest child. That they're the most spoiled, the most hard-headed and any other superlative they could think of. Alam niyang tama an...