"Wala ka namang girlfriend, diba?"
If I were in the cinemas right now, I would've been on the edge of my seat dahil sa antisipasyong nararamdaman.
He finally finished picking a movie kaya itinabi niya na ang remote bago siya tuluyang bumaling sa akin.
"Lapit ka nga dito," he softly said.
My brows were starting to furrow. Hindi niya naman kasi sinasagot ang tanong ko! Pero nang nakita kong mukhang seryoso siya sa sinasabi'y lumapit ako.
I scooted closer to him, medyo nahirapan pa dahil lumulubog ako sa kama niya. Tumigil na ako nang nagtabi ang aming tuhod but he gave me a questioning look so I scooted closer.
I waited for his answer eagerly at nagulat na lamang nang pumulupot ang braso niya sa leeg ko. He mocked a wrestling position pero hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya kaya agad akong nakawala.
"Uto-uto ka rin no?" he chuckled.
Dahil sa ginawa niya'y nagulo tuloy ang buhok ko. Habang inaayos ko ito'y kumuha na siya ng pagkain at sumandal sa unang ipinatong-patong niya kanina.
"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko." My eyes turned to slits as I fixed my gaze on him.
Puno ng junk food ang bibig niya kaya natagalan pa bago siya nakasagot. "Kung magkaka-girlfriend na ako, you'll be the first person to know." He reached for my hair and I thought he was only going to pat it pero ginulo niya ito.
I pushed the food aside kaya kung kanina'y nasa gitna ito, ngayo'y nasa isang bahagi na ng kama as I made myself comfortable between him and the food.
"Ayokong ganyan lang," I said. I blocked his view of the TV nang napansin kong hindi siya nakikinig.
"What do you want then?" His tone was laced with amusement kaya sinigurado kong makikita niya ang simangot sa mukha ko.
Umayos siya sa pagkakaupo para pakisabayan ang seryoso kong diposisyon. "She needs to pass my standards first," seryoso kong saad.
Lumaki ang ngisi ni Jordi at kitang pinipigilan niya ang sariling humalakhak. "O? Bakit sa standards mo? Shouldn't it be on mine?" aniya. Halos nakapikit na siya dahil sa laki ng ngisi.
"E kasi nga! Ano..." I licked my lower lip in thought. Kahit ako'y walang sapat na rasong kayang maibigay. "Basta!"
Ngumuso si Jordi para pigilan ang paglaki ng kanyang ngiti. There was a cunning glint in his eyes kaya hindi na ako nagtaka sa sunod niyang itinanong. "What do I get in return?"
Kahit hindi niya diretsong sinasabi'y tila alam ko na ang naglalaro sa isipan niya. He wants to level the playing field. If I want to examine whoever he ends up with, he also wants to examine mine.
And I can't blame him for that. Kung nasa posisyon niya ako'y iyon rin ang nanaisin ko, aside from rejecting the condition altogether.
"I'll abide by the same conditions."
"Deal." Jordi said victoriously.
Hindi ko na pinansin ang malaking ngisi sa kanyang mukha't bumalik na sa tabi niya. Kinandong ko ang iilang pagkain para hindi na siya mahirapang abutin pa ito.
A weird sense of fulfillment overcame me that night.
"I'm really sorry about last time, Kyla. I haven't seen some of them for years kaya ganoon kami kagulo," Francis said for the nth time tonight. "It was only recently when I realized it must've been why you left."
Nandito kami sa resto ng pinsan niya matapos niya akong tinawagan nung isang araw para sabihing babawi raw siya.
Nagdalawang-isip pa ako kung papayag ba since my schedule's been going tighter as the days pass by at dahil na rin naisip kong baka isasama na naman niya ako sa lakad nilang magbarkada.
YOU ARE READING
Chasing After Wind // Jordi GDL FF
FanfictionUAAP FF 5 As the youngest of two, Kyrell Larea Hernandez acknowledges society's beliefs when it comes to being the youngest child. That they're the most spoiled, the most hard-headed and any other superlative they could think of. Alam niyang tama an...