Chapter 10

713 34 1
                                    

Sa mga sumunod na araw, isang beses lang siya nakabisita ulit. Hindi ko naman siya masisisi kasi malapit na talagang magsimula ang season nila.

"Matulog ka na nga lang kasi," I said for the nth time.

Sinilip ko ang mukha niya sa screen bago ipinagpatuloy ang pagbibihis. Nakapatong ang kanyang mukha sa isang kamay habang nakadapa siya sa sariling kama. Kitang-kita nang inaantok na siya but he stayed adamantly awake.

"I'm not sleepy yet," he stubbornly said.

"Kailangan mo ng tulog para makaipon ka ng lakas. Your season's just around the corner," I called habang naghahanap ng maisusuot.

"Now that you've mentioned it. Hahanapin ko ang mukha mo sa crowd."

Natigilan ako nang makita ang ngiti sa sariling repleksyon. I pursed my lips para maitago ang ngiti kahit hindi naman niya nakikita't nagsalita. "Sa weekend games lang siguro ako makakapunta. I have classes."

Humikab na naman siya. "Works for me."

"Basta ba't may libre ako post-game?"

"Ikaw bahala," tanging sabi niya.

Nagkibit balikat ako habang nagsusuot ng sapatos. After I made sure that my hair was fine ay lumapit na sa laptop just in time to see Jordi nodding off. Pinigilan ko ang matawa.

Ito ba yung sinasabi niyang hindi pa inaantok?

We were back in Spain for a break. Nakalimutan kong tanungin kina Mom kung hanggang kailan kami rito pero paniguradong hindi kami magtatagal kasi may klase pa.

I glanced at the clock, mag-a-alas nuwebe na sa umaga rito and as far as I know, alas tres na siguro sa Pilipinas kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Jordi na hindi pa raw siya inaantok.

"Matulog ka na diyan!" ani ko't pinatay na ang tawag.

I was going to roam around the city today. Kahit papaano'y na-miss ko rin ang lugar na 'to lalo na't dito kami lumaki.

Unti-unting bumagal ang paglalakad ko nang napadaan ako sa kwarto ni Ate. Her mood's been low lately masyadong seryoso lalo na nung mga araw bago kami bumalik dito.

Itinapat ko ang kamay para sana ay kumatok pero sa huli'y hindi ko ginawa. I think she'd appreciate it if she gets time for herself.

Nasa labas na ako ng bahay nang nag-ring ang aking phone. May maliit na ngiti sa aking mukha habang bahagya akong naiiling nang makitang tumatawag si Jordi.

This stubborn ass.

"Hindi ba't sabi ko, matulog ka na?" agad kong sinabi matapos sinagot ang kanyang tawag.

"Hindi pa nga ako inaantok," aniya na sinundan ng hikab. Tinaasan ko siya ng kilay dahil doon but he only gave me a sleepy innocent look in return. "Where are you off to?"

"No place in particular," sagot ko naman. "Gagala lang siguro ako kahit saan."

Inilabas ko ang polaroid camera at kumuha ng mga photos habang naglalakad-lakad ako. I glanced at Jordi na natutulog na ngayon pero naka-on pa rin ang camera niya. Tigas talaga ng ulo.

Itinabi ko ang screen sa aking mukha and took a selfie using my camera. Nakangisi ako habang tinitingnan ang kinalabasan nun, kitang-kita ang tulog na mukha ni Jordi sa screen. Hindi ko pa nga naipapakita sa kanya'y natatawa na ako sa magiging reaksyon niya.

"Jordi! Tama ako diba?" I called once again. Wala naman akong tinanong sa kanya but I just wanted to see if he'd take the bait.

"Huh? Uhm oo. Yeah, sure." aniya.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now